Ch. 19 : Home Alone

8.3K 135 6
                                    



Pagkatapos ng eksena kanina kasama yung babaitang Savina na yun eh niyaya ko nang umuwi yung magkapatid dahil nag-text sakin si Manang Tits [katulong namin] na umalis na daw papuntang Spain si Tito at Tita para sa round two ng honeymoon nila. Futah nga eh, baka naman makabuo na sila ng basketball team nyan? Isang demonyitang Syra pa nga lang eh nakaka-badtrip na tapos madadagdagan pa? tsk. makakagawa na talaga kami ng sarili naming impyerno nyan.








"Dali! baba da gayong dalawa! ambandod di Gab, budah! Ubaaligasaw buog byahe daten!" pagtataboy ko sa magkapatid habang pinipisil ang ilong ko. Napapa-alien pa tuloy ako dahil sa kabahuan. Amoy-alak kasi si Gab plus nag-throw up pa sya kanina dito sa loob ng kotse habang nasa kalagitnaan kami ng byahe. Ang bantot talaga! Lahat na nga ng bintana eh binuksan ko na, balak ko na nga rin sanang basagin yung windshield para lang lumabas yung mabantot na amoy kaso naalala kong hindi pala insured 'tong kotse ko kaya ako rin ang mapapagastos pag sinira ko 'to!










"Opo! Ba-bye na po mommy Brey! *hik* Mami-miss ka po namin mommy Brey! *hik* hihihi!" YAK! mukhang ulol si Gab!









"Shaddup Gab! Ipasok mo na nga yan Bonie! Nakakadiri talaga 'yang kapatid mo, futah!" nakangiwe ko pang sabi habang nakalabas sa bintana yung ulo ko. Bigla namang natawa si Bonie habang akay-akay si Gab pababa ng kotse.










"Sige na, Bye na Brey! Ingat pauwi!" nakangiting paalam ni Bonie habang kinakaladkad na papasok si Gab sa apartment nila. Tinanguan ko nalang sila at pinanood munang makapasok sa loob bago ko pinaandar ulit yung Engine.











"Hay!" sobrang bantot na tuloy ng kotse ko. Ipapa-carwash ko nanaman 'to.

Slut's Instant BabiesWhere stories live. Discover now