Ch.36: Paranoid

5.4K 109 1
                                    


Brey's POV



Nagising ako nang may maramdamang bumubuhat sa akin. Napangiti ako nang ang nakangiting si Santi ang bumungad sa akin. Buhat-buhat nya ako in a bridal way habang nakabalot ang katawan ko sa isang robe. Sinuotan nya ako kagabi habang tulog? At.. Dinala nya pala ako dito sa kwarto, ni hindi ko man lang namalayan dahil sa sobrang antok ko kagabi.




"Good morning, baby." Nakangiti nyang bulong sa tenga ko saka nya ako hinalikan sa labi. Damn, di pa ako nakakapag sipilyo!






"Let me bathe my wife." Bulong nya pa habang nakangisi ng pilyo. Agad ko syang hinampas ng pabiro






"Naughty! I can do it myself!" Naramdaman kong binaba nya ako sa sahig. Naramdaman ko ang malamig na tiles sa paahan ko. Nasa loob kami ng bathroom.






"I know you can, but i can do it as well." Hinaplos nya ang pisngi ko. Bahagya akong napapikit dahil dun. Naramdaman kong dahan-dahan nyang tinanggal ang suot kong robe hanggang sa mahulog ito sa sahig. Tumitig sya sa mga mata ko.






"My wife is so damn beautiful." Namula ako dahil sa sinabi nya, lalo pa ngayong nakahubad ako sa harap nya. Just great! Ngayon lang ako nahiya bigla sa kanya.






"I.. I can do it. Ako na lang ang magpapaligo sa sarili ko, Santi." Halos pabulong kong sabi. Ngumiti naman sya saka ako mabilis na hinalikan sa labi bago sya tuluyang lumabas ng banyo. Napabuga ako ng hangin. Heck!








Habang dinadama ang malamig na tubig mula sa shower ay inaalala ko yung mga nangyari kagabi. Napapangiti ako. But heck, i don't know if it's normal to feel it but i kind of feel sore down there. Nanlaki ang mga mata ko saka agad na pinatay ang shower at dali-daling lumabas ng banyo habang nakatapis ng tuwalya. Lumabas ako ng kwarto saka nagmadaling pumunta ng living room kung saan.. Uhm.. May nangyari sa amin ni Santi.





"Manang.." Napatingin si Manang Tits sa akin nang tawagin ko sya. Inaayos nya ang bagong sheet cover ng sofa. Agad ko itong nilapitan.







"Ay hija, sandali na lang ito at aalis rin ako kaagad." Nagmamadali sya sa pag-aayos ng sheet. Hinaplos ko naman ito saka tumingin kay Manang.







"Manang, san na po yung dating sheet nito?" Kinakabahan kong sabi. Napakamot naman sya ng ulo






"Ay, hindi ko alam kung sino ang nagtanggal nun. Basta inutos lang sa akin ni sir Santi na palitan ito ng bago." Nagkakamot nyang sabi saka umalis na. Kinutuban ako dahil sa sinabi nya. Luminga-linga ako sa paligid at napansin kong bago rin ang mga sheet ng iba pang mga sofa. Maging ang ibang couch. Napatingin rin ako sa ibang mga katulong na nagpapalit ng bagong kurtina sa mga bintana. Shit. Paranoid na ata ako!






"Hi mommy! Good morning!" Napatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot sa harapan ko si Timmy. Napakunot ang noo nya nang makita akong napaatras.






"Timmy.. Good morning." Ngumiti ako sa kanya saka ako nag squat para yakapin sya. Niyakap nya rin ako pabalik.






"I love you mommy!" Nakangiti nyang sabi nang kumalas na kami sa pagkakayakap saka nya ako hinalikan sa pisngi. Napangiti ako.








"Oh! Good morning, Mrs. Lothario." Sabay kaming napalingon ni Timmy sa biglang dumating. Tss. Yung tutor pala ng anak ko. Tumayo ako saka sya tinaasan ng kilay. Inayos nya naman ang suot nyang salamin.







"Good morning rin." Maikli kong sabi bago ko binalingan ulit si Timmy. Hinaplos ko ang pisngi nya. Ngumiti naman sya sa akin. Timmy is my son. He resemble Santi a lot. Every inch of his features resemble Santi's. Di na ako makapaghintay na malaman ang result ng DNA test. Gusto ko na lang matapos 'tong mga pagdududa ko.







"Why po mommy?" Pagtataka ni Timmy saka nya hinawakan ang kamay kong nakahawak sa pisngi nya. Umiling ako saka sya nginitian








"I love you, son."

Slut's Instant BabiesWhere stories live. Discover now