Ch.41: Confront

5.9K 96 2
                                    


Ilang araw na rin ang nakalipas mula nang tumira ako sa apartment nila Bonie at Gab. Mahirap mag-adjust sa simula, lalo na at lagi akong kinukulit sa text at tawag ni Santi, ilang beses rin syang pumunta sa apartment ng magkapatid para lang pauwiin ako, sinabi nya rin na ilang araw na raw walang gana sa pagkain si Timmy dahil sa biglaang pag-alis ko. Sa nakalipas na mga araw, walang gabi na hindi ko sila iniyakan. Gustong-gusto kong bumalik at kalimutan na lang ang lahat pero hindi, wala nang dahilan pa para bumalik doon. Pride na lang ang natitira sa akin, at ayokong pati iyon ay mawala rin sa'kin. Ilang araw na rin ang nakalipas mula ng malaman ko kung saan nakatira ang mistress ni Dad.




"Brey, sure ka bang dito nakatira yung babae ng dad mo?" pagtataka ni Bonie habang dahan-dahan kami sa paglalakad sa maputik na daanan.





"Yeah, hundred percent sure. Hindi na ako magtataka kung bakit sa squatter's lang nakatira yung kabit ni dad. Ugaling kalye rin kasi, akalain mong pumatol sa lalaking pamilyado na, such a bitch." nanggagalaiti kong sabi.






"Hala, ang hard naman, Brey." napangisi lang ako sa komento ni Gab. Well, sorry not sorry. They can't blame me, gigil na gigil ako nang malamang buhay pa pala ang kabit ng daddy. Sa wakas ay may mapagbubuntunan na ako ng galit at bigat sa dibdib na dala-dala ko sa loob ng maraming taon.






Maya-maya pa ay nakarating na nga kami sa pakay namin. Hindi ganun kaliit at kaluma ang bahay nya kumpara sa mga nakapaligid na bahay dito.

Kinalma ko muna ang sarili ko bago kami naglakad palapit sa tapat ng pinto. Si Gab ang kumatok. Ini-imagine ko na agad kung pa'no ko sasampalin ng sobrang lakas yung mukha ng kabit ni dad with matching upper cut pa para damang-dama.

Maya-maya ay bumukas na ang pinto at bumungad sa'min ang babaeng kamukha ng babaeng pinakilala ni dad sa akin noon. Bigla akong nakaramdam ng sobrang galit at nangangati na rin ang kamay ko para sumampal.





"Anong kailangan nila?" nakangiti nyang bungad. Umiwas ako ng tingin saka huminga ng malalim. Pa'no nya nakuhang ngumiti ngayong nakikita nya ako? Hindi ba ako familiar sa kanya, gayong sobrang kahawig ko ang dad at mom?






"We're looking for someone.. Someone named Nesh Trinidad, is she living here?" walang emosyon kong sabi. Napatitig naman sya sakin ng ilang saglit saka sya dahan-dahang tumango





Slut's Instant BabiesWhere stories live. Discover now