Ch.21 : Bad News

7.4K 163 3
                                    








"Brey.." sabay kalabit sakin ng katabi ko






"Hmm.." Bonie, inaantok pa ako!





"Umaga na ata.. *yawn*" humihikab nyang sabi.





"T*nga. Umaga na talaga, umaga nga tayong nakatulog diba." naasar kong sabi sabay talukbong ng kumot. Di na ulit sya nagsalita pero itong katabi ko naman sa left side ang biglang sumigaw!






"WAAAAAAAAH! WAG MO 'KONG HABULIN! LUMAYO KA SA'KING BAKLA KA!! LUMA—HMMMM!!" agad kong tinakpan ng unan yung mukha nya kaya bumalik na ulit sya sa pagtulog. Binabangungot nanaman kasi yan. Sabi sakin ni Bonie, naging ganyan na daw talaga si Gab mula nung nakilala namin si Oli, lagi na daw syang biglang sisigaw ng ganyan pag madaling araw!






Six days na ang nakakalipas mula nung lumipat silang dalawa dito sa bahay and I must say na hindi naman pala ganun kahirap tumira sa iisang bahay kasama ang dalawang abnoy na 'to dahil may pakinabang din sila sa bahay, si Bonie ang tagaluto ng almusal namin, sa mall naman kami kumakain pag lunch at dinner. Si Gab naman ang taga-kuha ng newspaper sa labas ng bahay tuwing umaga, wag nyo nang itanong kung bakit ganun lang kadali ang trabaho nya, clumsy kasi yan kaya ano pa bang trabaho ang mas madali sa pagkuha ng newspaper sa labas ng bahay? Nung minsan ngang pinagdilig namin sya ng mga halaman sa garden ni tita eh halos lumuwa yung eyeballs namin sa gulat nung silipin namin yung ginagawa nya, binabaha na ng tubig yung garden tapos nagmukha pa syang basang sisiw dahil basang-basa yung damit nya. Halaman yung pinadidiligan namin pero sarili nya yung diniligan nya. 





"Bangon na tayo Brey.." walang ganang sabi ni Bonie saka ko naramdaman ang paggalaw ng kama, ibig sabihin bumangon na sya. Halos katutulog lang namin tapos babangon agad? gaga ba sya?






"Unah kah nah.." humihikab kong sabi sabay baon ng mukha sa yakap kong unan


Slut's Instant BabiesWhere stories live. Discover now