Ch. 43: Revelation

7.3K 113 4
                                    


Para akong tatakasan ng kaluluwa nang marinig sa doktor na buntis ako, three weeks pregnant to be exact.





"Oh my ghad! Talaga, doc? Seryoso 'yan? Promise? Mamatay ka man?" Automatic na lumanding ang kamay ko para batukan si Gab dahil sa sinabi nya. Baliw talaga 'to. Tumawa lang yung doktor saka bumalik sa table nya. Huminahon kaming tatlo saka bumalik rin sa kanya-kanya naming upuan.






"You need to take good care of yourself, Miss Andrada, hindi naman maselan ang pagbubuntis mo pero kailangan mo pa rin mag-ingat sa pagkikilos. You also need to drink these medicines na ibibigay ko sa'yo. Do not skip a meal, and dapat rich in iron and vitamins ang kakainin mo." Sunod-sunod nyang sabi habang sinusulat sa papel lahat ng kailangan kong gawin at kainin. Tumango na lang ako, hindi pa rin talaga ako makapaniwala! May batang nasa loob ng sinapupunan ko! Well, hindi pa naman talaga bata dahil dugo pa lang sya, pero anak ko ang batang ito-- anak naming dalawa ni Santi. Binigay sa akin ng doktor ang papel kung saan nakasulat ang mga kailangan kong gawin at kainin.







"You can go now, bumalik ka na lang dito every after two weeks para sa check up mo, and don't hesitate na tawagan ako kapag may gusto kang itanong or kung may nararamdaman kang kakaiba. Congrats, again!" Nakangiti nyang sabi habang hinahatid kami sa may pintuan. Tumango lang ulit ako. Sabay na tumili si Gab at Bonie nang makalabas na kami ng ospital.







"Waaah! Magkaka-baby na si Brey! OMG! Sana baby girl, para may kalaro ako!" Kinikilig na sabi ni Gab habang nahihintay kami ng masasakyang taxi.






"Sana baby boy! Para may tagapagtanggol naman si Brey! Tsaka para may lalaki naman sa bahay na'tin, no!" Sagot naman ni Bonie. Tumango-tango si Gab, aba't sumang-ayon sa gusto ni Bonie. Himala ata! Napapailing na lang ako at natatawa habang pinapanood silang kinikilig. Di ko tuloy maiwasang kiligin rin! I am pregnant! I still can't believe it!







"Uh.. Brey? Si Santi ba 'yun?" Napatigil kaming tatlo sa pagtawa nang makita namin si Santi na kalalabas lang ng kotse nya. Agad kong hinila si Gab at Bonie para magtago sa isang gilid. Pinanood namin syang buksan yung pintuan ng passenger's seat at nanlaki na lang ang mga mata ko nang may babaeng lumabas doon. At hindi lang basta-bastang babae dahil pamilyar sa akin ang babaeng 'yun!

Slut's Instant BabiesWhere stories live. Discover now