Kabanata 1

57 9 10
                                    

Napangiti ako ng palihim ng makita ko ang crush ko. Ang gwapo niya. Magaling maggitara, umawit, sumayaw. Lahat lahat na. And malapit siya sa Panginoon.

"CASSY!" Lumingon ako ng tinawag ako ng classmate ko. At pagtingin ko kay crush ay lumingon din saamin. At ngumiti ito saakin ng nakita niya akong nakatingin sakanya. Kaya nginitian ko rin. Ang gwapo talaga!

"Halika na Marga, may pupuntahan pa kami ng barkada ko." anya ko at hinila na siya.

Tumingin naman siya saakin ng masama.

"Bakit nagmamadali ka? May crush ka doon no sa ibang section. Si Huxley no?" sabi niya at nagtaas baba ng kilay. Kumunot ang noo ko at pinigilan na huwag ngumiti. Damn! Baka mabuko pa ako.

"Ha? Si Huxley? Pangit non! Asa!" at pilit kong maging normal ang tono. Ngumisi naman siya.

"Nako ha nako, may naaamoy na ako..." sagot nito pero hindi nalang ako nagsalita at pumasok na kami sa room namin.

"Cassy! Paano yung report natin?" tanong ni Gab. Inirapan ko siya. Ngumuso naman ito dahil sa pag-irap ko.

"Ako na bahala, papakita ko nalang sainyo bukas." walang gana na sabi ko. Nag-aayos na ako ng gamit ng umakbay si Gab saakin. Nagtaas naman ako ng kilay dahil sa ginawa niya na 'yon.

"Pasimple ka ha..." pabirong sabi ko at tumawa naman siya. Tinulungan na akong mag-ayos ng mga gamit ko.

Habang palabas ako sa room ay sumabay na rin si Gab saakin at sinabing ihahatid ako kung nasaan ang mga kaibigan ko. Saktong dumaan naman si Huxley at may mga kasama siya then napatingin sila saamin ni Gab.

Kumunot ang noo ni Huxley at umiwas ng tingin. Tapos isa sa kanyang kasama ay sumipol at yung iba ay nagtawanan.

Hindi ko mapigilang ngumuso at yinaya ko na si Gab na ipagpatuloy ang paglalakad.

"Crush mo?" biglang tanong ni Gab saakin. Damn! Ganoon na ba kahalata?

"Sino?" pagmamaang-maangan ko. Tumawa naman siya at umiling.

"Sus, kunwari hindi alam. Halata ka miss." Tapos inakbayan ulit niya ako. Hindi nalang ako nagsalita.

Tahimik kaming naglalakad lang at nakita ko na ang barkada ko. Agad naman akong sinalubong nina Donna, Alexa at Sophia.

"Hoy anong meron sainyo ha? Cassy? Gab?" pang-aasar na tanong ni Alexa saamin. Umiling nalang ako at tinulak palayo si Gab.

"Wala!" Sigaw ko. Tsaka tumingin ako kay Gab. Nginitian ko naman ito.

"Bye Gab! Ingat!" tumango lang ito at kinindatan ako. Aba malandi. Charot. Pero ganyan talaga yan matagal na. Kaya nasanay narin ako.

"Siguro kung hindi ko kayo kilala ni Gab iisipin kong may something..." sabi ni Sophia habang nakangisi. Tumawa naman ako sa sinabi niya.

"Girl, sad to say kilala mo kami." natatawang sabi ko. Magsasalita sana si Donna na kaharap niya ng mapatulala siya at parang may tinitingnan sa likod ko.

Pagtingin ko ay si Huxley ang nandoon.

"Cassy..." mahinang sabi ni Huxley. Lumundag ang puso ko dahil kinausap ako ng crush ko. How to chill?!

"May kailangan ka?" mabuti at hindi ako nabulol. Ngumiti ito at nagkamot ng ulo. Ay may kuto kaya to?

"Ah wala... wala sige bye." mabilis na sabi ni Huxley at agad na lumakad papalayo. Ang weird ah.

Nagkibit balikat na lang ako. Baka nakatrip lang. Pero di ko mapigilan ang ngumiti.

"Ay naks ano yon? Paano na ang Gab+Cassy loveteam ko?" nagiinarteng sabi ni Donna. Inirapan ko nalang siya at di na nagsalita.

"Alexa diba mas bagay si Huxley at Cassy?" nang-aasar na sinabi ni Sophia. Agad namang tumango si Alexa. Tas tumawa sila.

"Mas bagay sila ni Gab!" sigaw naman ni Donna. Patuloy silang nagbangayan hanggang sa nakarating na kami sa mall.

Kanina pa kami ikot ng ikot dito sa mall at hindi man lang sila nagugutom. Pwes ako gutom na gutom na! Wala naman silang bibilhin.

"Guys nagugutom na ako..." malungkot na sabi ko. Kanina pa ako gutom pero ayaw pa daw nilang kumain oh diba.

"Kawawa naman!" ngumusong sabi ni Sophia. Inirapan ko nalang ito.

Pumunta na kami sa foodcourt at bumili na ng pagkain. Pagkatapos ay tahimik lang kaming kumain.

Nang matapos kami ay agad din kaming umuwi sa kanya kanya naming mga bahay.

"Ma hindi na po ako kakain sa hapunan!" sigaw ko kay mama na naabutan kong nasa kusina.

Ginawa ko na ang aming mga takdang aralin at humiga na sa kama.

"Hay buhay, grade 9 palang ako pero stress na stress na ako..." inaantok na sabi ko at natulog na ako.







(Ps: Don't forget to vote! Love ya all!!)

Not YetWhere stories live. Discover now