For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Nais sana niyang habulin si Mike kaya lang nakaalis na ito kaya naman tumingin lang si Ren sa kanyang kuya Mart sabay nagsalita bago isara ang pinto ng kanyang silid.

‘Hindi kami!’

‘So... siya pa din...?’, nagsalita muli si Mart subalit hindi na iyon narinig pa ng kapatid.

----------------------------------------------------

 

 

Chapter 21 : With A Smile

 

 

Good mood huh?’, masayang sabi ni Irma sa anak.

Isang matamis na ngiti lamang ganti ni Ren bilang sagot sa kanyang ina.

‘Ok, I’m glad you’re feeling good now about everything. Keep it up and keep it cool, baby.’, si Irma.

‘K-dot.’, pahabol ni Ren sabay halik sa pisngi ng ina bago bumaba ng sasakyan.

‘By the way, always keep an eye on your wallet. Enjoy!’, pahabol na paalam ni Irma sa anak bago nito paandarin ang kotse.

‘I will.’, sigaw nito na nakakunot ang noo.

Si kuya talaga sinabi pa kay mommy!, inis na bulong ni Ren sa sarili.

 

Masaya ang bati ni Ren sa kanyang mga kaibigan sa pagpasok niya sa silid. Ganado siyang making sa paliwanag ng mga guro at masiglang sumali sa talakayan ng klase sa buong umagang iyon. Hindi rin iyon nakaligtas sa mata ng kanyang mga barkada.

Habang kumakain ng tanghalian sa cafe ay panay ang usisa ng mga nito lalu na si Ruby dahil nabitin ito sa paliwang ni Ren noong huli nilang pag-uusap sa text.

‘Woah! Happy much?’, asar ni Ruby.

‘Dude, are you in ecstasy!!!!!?’, biro ni Icko.

‘Ayan na naman kayo, bawal ba ma-goodvibes ang tao?’, kontra ni Tim habang kinakain ang order na parfait.

Nakangiti lang si Ren habang nakikinig sa sinasabi ng mga kaibigan. Hindi pa rin siya makapagpasya kung sasabihin na ba niya ang dahilan ng kaniyang kasiyahan. Si Mike.

 

‘Oo nga naman, well, Ren, you can share it to us para ma-goodvibes din kami noh?’, biro naman ni Rose sabay palipat-lipat ng tingin kina Ruby, Tim at Icko.

Alam niyang hindi siya titigilan ng mga ito lalu na ni Ruby, ayaw din naman ni Ren na isipin ng kaniyang mga kaibigan na makasarili siya at KJ kaya naman nagsalita na siya.

‘Actually, I am--- ‘,naputol si Ren sa sasabihin.

Tanging Mahal [BxB/Complete]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!