Chapter 30: Ghost Of You

En başından başla
                                    

"Really? Bakit parang hindi mo naman nakwento sa akin yun?" pagtataka ni Ronnie.

"Malay ko ba kung imagination ko lang. Tsaka hindi ko naman kasi alam na may alam kong something scary sa bahay na 'to." sagot ni Jon.

"Ikwento mo, dali." pilit ni Nadine kay Jon.

"The last time I was here, sa same kwarto kung saan ako magstay ngayon ko naexperience yun. Lasing ako nun, naginuman kami nila Ronnie at past two A.M. na ng matapos kami. Nakainom ako pero nasa wisyo pa naman ako." Umayos ng upo si Jon bago niya ituloy ang kwento.

"Pagpasok ko ng kwarto ko, I smell something different. Hindi ko sigurado yung amoy pero it's either Sampaguita or Ilang-ilang. Siyempre di ko pinansin. Nagshower muna ako and then after that pagbalik ko sa kwarto, I think I saw someone or something sa balcony ng kwarto. Nawala siya agad, pero I'm 100% sure it was a girl wearing white kasi mahaba ang buhok niya. I was stunned of what I saw and for a few moments nakatayo lang ako sa same place at nakatingin sa balcony. Then binalewala ko lang at natulog agad ako." dagdag ni Jon.

Natakot si Jane at Nadine sa kwento ni Jon at pinipilit nilang matulog na lang sila sa iisang kwarto.

Ilang sandali pa ay dumating na sila Ryle at Iñigo.

"Anong meron?" pagtataka ni Inigo sa naririnig na pagmamakawa ni Jane.

"Nagkwento kasi ng nakakatakot itong si Jon. Natatakot ako babe, kaya tinanong ko si Ronnie kung pwedeng sa isang kwarto na lang tayo matulog." sagot ni Jane.

"Bakit pa kasi tayo nagpakwento kay Jon ng ganyang mga nakakatakot na nangyari sa kanya dito sa bahay." sambit naman ni Nadine.

"I think that would be a great idea. Bakit hindi na lang tayo matulog sa iisang kwarto para mas makapagbonding tayo." sambit naman ni Ryle.

"Yeah. I agree." sagot naman ni Inigo.

"I have no problems with that." sambit naman ni Jon.

"Ahhh. Pwede bang exempted muna kami ni Enrique diyan?" nakangiting tanong ni Ronnie.

"Hmmm. Yeah. I think you need more alone time together." sagot naman ni Nadine na sinag-ayunan naman ng lahat.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Nang unti-unti nang dumidilim ang kapaligiran ay naisipan na nilang umpisahan ang paghahanda para sa kanilang hapunan.

Unang nag-ayos ng lulutuing isda sila Enrique at Ronnie. Tinuruan ni Ronnie si Enrique kung paano maghugas ng pinggan habang nakayapos ito sa likod ni Enrique.

"Bakit pa kasi hindi mo pinalinis sa palengke itong isda?" tanong ni Enrique na hirap na hirap sa ginagawa.

"Paano ka matututong magluto kung di mo maeexperience." sagot naman ni Ronnie sabay halik sa pisngi ni Enrique.

Sakto namang pumasok si Nadine at Jon sa kusina at naabutan ang ginagawa nila Ronnie at Enrique.

"Hoy! Get a room!" Pabirong sambit ni Jon.

Nakitawa lang sila Enrique at Ronnie kila Jon at Nadine.

Nang matapos na sa paglilinis ng isda si Enrique ay inayos na ni Ronnie ang mga gagamitin sa pagluluto ng pinaupong manok.

Nang naisalang na niya ang manok ay inayos na rin niya ang pagluluto ng steamed lapu-lapu.

Pumasok na rin sa maluwag na kusina sila Ryle, Inigo at Jane para umpisahan ng iluto ang tapa.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay pumasok si Aling Conching sa kusina.

"Ronnie, iho. May dumating na sasakyan sa labas. Sila na yata ang hinihintay niyo." sambit ni Aling Conching.

"Ay salamat po Aling Conching, sige po lalabas na po ako." umalis na si Aling Conching sa kusina.

"Sige na Ronnie. Ako nang bahala dito. Matatapos na naman itong isda." sambit ni Enrique.

"Are you sure?" tanong ni Ronnie.

"Don't worry insan, ako nang bahala kay Enrique. Tulungan ko na lang siya." alok ni Jon.

"Sige sige. Babalik din ako agad kapag nadala ko na sila sa kwarto nila." Bago umalis si Ronnie ay humalik muna ito sa labi ni Enrique.

"Alam mo, ngayon ko lang ulit nakita nang ganyan si Ronnie. Huli ko siyang nakitang ganyan nung ang girlfriend niyang namatay. After nun, lagi na siyang malungkot, seryoso sa buhay. Nagkakagirlfriend siya pero hindi kasing saya nung dati. Ikaw lang pala ang magbabalik ng ngiti sa labi niya, Enrique." sambit ni Jon.

Hindi umimik si Enrique. Napangiti na lang siya sa narinig mula kay Jon.

Nang matapos na nila ang lahat ng lutuin ay sabay pasok naman ni Ronnie sa kusina.

"Sakto. Tapos na pala kayo. Nasa kwarto na sila Zeus. Ipapatawag ko na lang kapag kakain na tayo." sambit ni Ronnie.

"Magpalit muna tayo ng damit. Mainit dito sa kusina, pinagpawisan ako." sambit ni Iñigo.

"Oo nga. Mag quick shower muna ako." sambit naman ni Nadine.

"Sige, baba na lang tayo after 15 minutes. Ipapahanda ko na lang yung hapag kila Aling Conching." sambit naman ni Ronnie.

Sabay-sabay silang umakyat sa kani-kanilang mga kwarto para makapaghanda sa hapunan.

"Enrique, tapos na akong maghilamos. Ikaw naman." sambit ni Ronnie na nakatapis lang ng tuwalya ang pambaba.

Bago makapasok si Enrique sa shower room ay hinigit siya ni Ronnie at hinalikan sa labi.

"I love you." sambit ni Ronnie.

"I love you too." sagot ni Enrique sabay halik sa labi ni Ronnie.

Nang makapagbihis si Ronnie ay nagpaalam na muna siya kay Enrique na nasa shower room pa para mauna na itong bumaba at pumunta sa kusina.

Naabutan niya na sila na lang ni Enrique ang kulang sa hapag. Masayang nagkekwentuhan naman ang kani-kanilang kaibigan.

Naupo si Ronnie sa unahan ng hapag kung saan nakaharap siya sa mga kasama. Nasa bandang kaliwa niya si John na sinundan naman ni Tom, na katabi si Zeus at nasa dulo nila si McCoy. Samantalang bakante naman ang unang upuan sa kanan ni Ronnie kung saan uupo si Enrique. Katabi nito si Nadine, na sinundan ni Jon, na sinundan ni Jane at Iñigo at nasa dulong parte na kaharap niya si Ryle.

"Nasaan na si Enrique? Nagugutom na ako." tanong ni Zeus.

"Pababa na yun mya mya. Nagbibihis na lang." sagot naman ni Ronnie. "Oo nga pala, Nadine, Ryle, Jane at Iñigo, ito nga pala ang bestfriend ko, si John." itnuro ni Ronnie ang lalaking nasa kaliwa niya.

"Oo, pinakilala na sa amin siya ni Jon." sagot naman ni Nadine.

Mya mya pa ay narinig na ni Ronnie na may bumababa na mula sa hagdan.

"Nandyan na ata si Enrique." sambit ni Ronnie.

Hindi nga nagtagal ay dumating na si Enrique at agad itong umupo sa bakanteng upuan na katabi ni Nadine.

Unang napansin ni Enrique si McCoy na nakangiti sa kanya. Nginitian niya ito kahit naaalala niya ang eksena sa bahay nila Ronnie sa Manila.

Dumeretso agad ang tingin niya nang magsalita si Ronnie.

"Oo nga pala, Enrique. Sa wakas makikilala mo na ang bestfriend ko, ito nga pala si John." itinuro ni Ronnie ang lalaki sa harap ni Enrique.

Nang makita ni Enrique iyon ay bumilis ang tibok ng kanyang puso. Nanlaki ang mata niya. Nanlamig ang kanyang pakiramdam. Lumalim ang kanyang paghinga. At nagbalik ang mga ala-alang kanyang pilit na kinalilimutan. Alam niya kung ano ang nakikita niya at ipinapanalangin niyang namamalikmata lang siya. Pero alam niya rin sa sarili niya na tama at totoo ito. Wala siyang ibang nasabi kundi ang pangalang idinadasal niyang hindi na muling masabi.

"Daniel?" sambit ni Enrique.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++
SURPRISE!!!

What's your reaction? Sorry talaga kung natagalan.

Bromance: An Enrique Gil-Daniel Padilla StoryHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin