"It went really well, better than expected," Dr. Daniel Florez, a neonatologist, said of the four-hour delivery. "I just hope that one day she wakes up to see her baby and hopefully remembers being pregnant."

Wala ng mapaglagyan ang sayang nararamdaman ko. Pero tama si Doc. Sana lang pag nagising si Jayke maalala niyang nagbuntis siya.

Umiling na lang ako sa isipan ko at nakipagkamay kay Doc Daniel. 

"Thank you Doc for taking good care of them. I awe you my happiness."

Inabot naman niya ang kamay ko at nakipagkamay din sakin. "It's my duty and responsibility to save both of them." Ngumiti siya sakin.

"Thank you, Doc." Narinig kong sabi ni Tita Loui. "How's my daughter, anyway?"

"She's fine now. After the stitches, we will head her back to ICU." Sabi ni Doc at nginitian din si Tita.

Magsasalita sana ako ng bigla namang magtanong si James.

"Paano nilabas ni Jayke si little Jayke, ha Doc? Nakakapagtaka kasi eh." Nagkakamot pa siya habang nagtatanong siya.

"Good question. Don't be curious about it." Natatawang sabi ni Doc at bahagyang sumeryoso.

"The baby was delivered vaginally; I, together with Dr. Smith from US ruled out a Caesarean section because of the risks of anesthesia and the potential difficulties of healing after the surgery. Instead, we gave her medication to induce labour and to relax her muscles and joints so she could be put in the proper position to deliver the baby." Nakangiti si Doc Daniel habang nagpapaliwanag. Pero halata mo namang seryoso lahat ng sinasabi niya.

Napahinga ako ng malalim at napangiti na lang din. Salamat sa Diyos, maayos ang baby ko. At maayos din ang mahal ko. Ang paggising na lang ni Jayke ang dapat kong hintayin. Pero habang hinihintay ko ang araw na yon sisiguraduhin kong aalagaan ko ng maayos ang baby namin.

"Hindi ako nagsisisi na dito namin dinala si Jayke. Maraming salamat talaga Doc." Makahulugan akong nakatingin sa kanya.

Wala na kong ibang masabi kung hindi salamat. Dahil alam kong nahirapan sila sa pagpapaanak kay Jayke para mailigtas silang dalawa ng baby namin. Buti na lamang, alam nila yung gagawin sa ganoong kalagayan. Hay

HIS PARTNER IN BED (On-going)Where stories live. Discover now