Chapter Twenty-Seven Part Two

Start from the beginning
                                    

Halos pawian ako ng ulirat sa mga naririnig ko kay Cade. Si Pyre. All this time, siya lang pala ang kalaban. Siya lang pala ang dahilan ng lahat ng kamalasan sa buhay naming lahat.

"Siya yung nagdala sa akin sa motel para makita sina Mico at Nigella-- I mean Katherine na magkasama. He did all of it. Nakaplano ang lahat. Totoo nga ang sinabi ni Mico."

I stared at him.

"To think na nagtiwala ako sa kanya. To think na hindi ko man lang pinakinggan ang panig ni Mico bago ako naglayas." nanlulumo kong saad.

Nakatingin lang siya saken at nakikinig. He is sympathizing and yet, hindi ko kailangan ang awa ngayon. Inipon ko ang lahat ng galit at itinapon iyon kay Pyre.

Mexico will be hurt. I have to protect him. Kailangan kong --

Hindi ko natapos ang ideyang nabuo sa isipan ko. Hinawakan ni Cade ang kamay ko ang piniga iyon.

"You can do it. You have to do it. Maging malakas ka Niki."

Tumango ako at hinawakan din ang kamay niya. Siya lang ang makakatulong nang hindi nasasaktan ang iba ko pang mahal sa buhay. Siya lang ang makakatulong para protektahan ko si Mico.

"May balak din siya Niki."

Napatingin ako sa gawi niya gamit ang nagtatanong na mga mata.

"Balak niyang pabagsakin ang kompanya niyo, and destroy your lives. Ikaw pati na din si Mico."

"What the hell did we do! Bakit ang init ng dugo niya sa amin?"

Nalulungkot na umiling si Cade.

"That's the only thing na hindi maipaliwanag ng kaibigan mo. She never really knew Pyre. Tinatawagan lang daw siya nito pero walang personal na pag-uusap na nagaganap."

Tinitigan ko ang mabait na mukha.

"Please take care of her. Please. Kahit espiya siya ni Pyre, I felt her love while we were growing up."

Matagal bago siya sumagot. Pinag-iisipan niya pa siguro kung aakuin ang responsibilidad kay Ally.

"I'll try."

"Sala--"

Bago pa man ako makapagbigkas ng pasasalamat, isang marahas na kamay ang humatak sa kamay ko dahilan para mabitawan namin ang isa't isa.

Napahiyaw ako sa gulat at ganun na din sa sakit.

"What--"

Hindi na natapos ni Cade ang gustong sabihin dahil agad namang umigkas ang kamay ni Mico patungo sa panga niya.

"Mico!" sumigaw ulit ako dahil sa pag-aalala. Mico looks like a deranged person. Para siyang leon na maninila ng kaaway. Para siyang papatay ng tao sa itsura niya.

"Mico, calm down man." dahan-dahang pakiusap ni Cade.

Malaking tao si Cade pero itinuturing niyang kaibigan si Mico kaya hindi siya lumalaban. Ganun pa man, ayaw magpaawat ni Mico gamit ang salita.

Binirahan pa niya ng dalawang magkasund na igkas ng kamao si Cade dahilan para madapa ito sa sakit. Tumakbo ako para pigilan ang sunod na suntok na balak niyang igawad sa kaibigan. Hinawakan ko siya sa kanyang naninigas na braso na nanginginig pa sa galit.

Parang naka-slow mo ang mga pangyayari simula nun.

Hinawakan ko ang braso niya pero hinawi niya lang ako na parang isang insekto. Napaatras ako sa gulat kaya hindi ko napansin ang isang butas na ginawa ko doon sa lupa nang maghardin ako nung isang araw. Natapilok ako sa sarili kong sapatos at marahas na natumba sa lupa, sapo-sapo ang nananakit na balakang.

Montereal Bastards 1: To Tame A Jerk (COMPLETED)  ✔ #WATTYS2017Where stories live. Discover now