Chapter Twelve Part Two

18.8K 613 15
                                    

MEXICO'S POV

"Hello?" boses ni Ichiro ang bumati sa natutulog kong ulirat.

I opened my eyes and groaned out loud when the drapes were drawn to let the sun in. I don't know how many hours has passed since na mag-usap kami ni Niki. And yet kahit anong pilit ko, walang dumarating na sagot sa isip ko.

I let out a loud curse when he talked right next to my ear.

"Do you have to fuckin' shout?" i yelled back.

Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan niya.

"I am not shouting."

"And stop yelling in my ear." saad ko pa.

"We are talking on the phone fool! Of course its supposed to be right next to your ear." parang nagpapaliwanag siya sa isang bata.

Ahh, damn. Seems like I'm really wasted.

"Bakit ka ba tumawag?"

"May bad news."

"Lemme guess, naaksidente si Pyre, namatay at ngayon, masaya na tayo. Why is it that the news doesn't seem bad to me?"

Napabuga siya ng hangin.

"No. Buhay pa siya. This is about Niki."

Bigla ay parang nawala ang kalasingan ko. Napaupo ako sa kama habang hinihintay ang sunod niyang sasabihin.

"It's about her grandma."

"What about her?"

"She's dead."

"Damn."

"Nawawala din ang kaibigan niyang si Ally." patuloy niya.

No way. Niki is going to be so devastated. Hindi ko alam kung kakayanin niyang marinig ang balita. She seems so lost and hurt. I can't add to it by giving her the news.

"Kelan pa?"

"Since wednesday."

"Anong ikinamatay?"

"Gunshot."

"Come on Ichiro, do I have to ask every damned question? Sabihin mo nang buo ang lahat ng alam mo."

He chuckled like he was having fun from playing with me. Umiling ako. Sometimes, I don't get him. Para siyang isang puzzle na hanggang ngayon ay hindi pa nabubuo.

"She was found in a river, thursday morning. Maraming pasa sa katawan but cause of death is bloodloss. Inilibing na siya since walang kamag-anak na umako sa katawan."

"And the other girl?"

Hindi siya umimik.

"Ichiro?"

"Missing since wednesday. No body recovered. May mga nakapagsabi na pumunta raw ang babae sa ospital the same day na namatay ang lola ni Niki. That was the last sighting."

Umiikot ang isip ko ngayon. Sino ang pupuntirya sa pamilya ni Niki? At bakit?

Bumalik ang ala-ala ko sa panahon na sinabi ni Niki na kapangalan niya si Nigella. That could be a coincidence, yes. Ilang tao ba sa mundo ang magkakapangalan? And yet, Nigella is not a very common name.

Naalala ko rin ang hilig niya sa lollipop. Yung nunal niya sa ilong but most importantly, ang panaginip niya. When she called out the name that only my little girl knows.

Nagpasalamat ako kay Ichiro bago isinara tawag. Pagkatapos ay idi-nial ko ang isang panibagong numero.

"Hello." isang malalim na boses ang nagsalita mula sa kabilang linya.

"Bro, I need help."

"Again."

Umikot ang mga mata ko. Alam ko naman na walang libre pagdating sa taong to. Everything has a price, yan ang paniniwala niya.

"I want you to find out everything about Niki Suarez. And I mean everything, even the skeletons in the closet."

"Got it bro."

"And Cade... please, A.S.A.P."

"You know me." saad niya bago pinatay ang tawag. Nagpabaon pa siya ng huling halakhak.

Sumimangot ako bago lumabas ng kwarto. Is it just me, or is there something missing in this place. It seems a lot colder, just like when I was still a child.

Tinahak ko ang lugar patungo sa kwarto ni Niki.

Kumusta na kaya siya? I don't know why but I have this intense urge to see her at this very moment.

Pero ano namang sasabihin ko sa kanya pag nagkita kami? If she asks again, I won't have an answer and it will just become a cycle for the both of us.

Natigilan na lang ako nang mapansin kong nakatayo na ako sa labas ng kwarto niya. Ni hindi ko na rin namalayan kung gaano ako dun katagal na nag-iipon ng lakas ng loob nang biglang dumaan si Manang Trina.

Humakbang ako paatras para bigyan siya ng lugar pero nagkaugat na ang paa ko't lahat, hindi pa rin siya umaalis sa harap ko.

"Manang.."

Pinukulan niya ako ng nakakatawang tingin.

"Sir?"

Nagtinginan kami.

"Dumaan na kayo."

"E pero, bakit ba kayo nagbabantay sa kwarto?"

Hindi ko alam kung pano sasagot ng hindi nagmumukhang hibang kaya sinabi ko na lang na hinihintay kong lumabas si Niki.

Lalo siyang tumingin ng kakaiba.

"Hindi niyo alam?" hindi niya makapaniwalang tanong.

"Ang alin ba?"

Sinipat ko ang relos sa braso ko para makapag-isip ako ng idadahilan kung bakit ko siya binibisita.

"Umalis na ho si Ma'am Niki."

Natulig ako.

"Sa kwarto niya? Nagpunta na naman sa tree-house?"

Nilaro-laro ni Manang Trina ang mga daliri bago nagsalita.

"Nagpunta na po si Maynila. Isinama na ni Ma'am Nigella. Uuwi na daw ho sa bahay nila."

Parang isang malakas na bigwas sa sikmura ang naramdaman ko nung sabihin ni Manang Trina ang balita. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at hindi ako makapagsalita. Parang bigla ay tumigil ang takbo ng oras ko.

"K-kelan pa ho?"

"Kanina lang sir. Mga alas dyes po ng umaga."

"Magtatakip-silim na."

"Opo, pero baka abutin po sila ng gabi kasi hindi naman ganun kabilis magpatakbo si Ma'am Nigella ng sasakyan diba?"

"Manang, sabihin niyo kay Cardo ilabas ang sports car."

"Susundan niyo ho?"

"Hindi, susundan ko."

"Sabi ko nga."

Damn it Niki! You don't know anything at all. You won't have people waiting for you when you come back.

Sa isip ko ay iniisip ko na lahat ng sasabihin ko sa kanya. Kung gaano siya kabobo. Ano bang iniisip niya at bigla-bigla siyang nawawala na hindi man lang nagpapaalam. Kung wala ba siyang utang na loob. Tapos magmumura pa ako para maintindihan niya na seryoso ako at hindi ako nagbibiro.

But if I find her crushed by the news, I know I won't be saying anything like that. But I also won't know what to do.


***

----a/n: hit that vote button please and make my day!  :) love you babies!

Montereal Bastards 1: To Tame A Jerk (COMPLETED)  ✔ #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon