Chapter Three

40.5K 866 29
                                    

A walk to remember

"Yaya, saan tayo?" tanong niya sa yaya niya nang mapagod ang maliliit na paa niya sa paglalakad. Kanina pa silang umiikot-ikot pero parang hindi ito napapagod. Hindi rin siya nito pinapakinggan gaya ng dati.

Bitbit ang manyikang ibinigay nang mommy niya nung kaarawan niya, hinagod ni Nigella ng tingin ang buong park. Gabi at madilim, hindi siya pwedeng lumabas sabi ni mommy kapag madilim pero inaya siya ni yaya kaya wala siyang nagawa.

Kinuha ni yaya ang lollipop sa loob ng isang maliit na bag saka ibinigay sa kanya.

Kahit medyo pagod at hinahapo na siya dahil sa bilis nitong maglakad, hindi na kumibo pa si Nigella. Baka agawin ulit ni yaya ang lollipop gaya ng kaninang ayaw niyang gumising sa mahimbing na pagkakatulog at nagdadabog siya sa kwarto.

Isang matunog na palo ang binitawan nito dahilan para umiyak siya ng malakas. Ganun pa man, dahil mahal niya ang lollipop, tumahan din siya matapos itong ibigay sa kanya.

Isang itim na sasakyan ang tumigil malapit sa kinatatayuan nila sa dilim. Bumukas ang sasakyan at nakita niya na may mga tao sa loob niyon.

"Pyre?" alangang tanong ng yaya niya.

"Yes, dala mo ang bata?" saad ng lalaki sa kotse.

"Andito na siya. Ang pera?"

"Don't worry Elsie, you will have your money. Sakay na."

Kinarga siya ng yaya niya papasok sa itim na sasakyan pero dahil sa dilim at sa takot, nagpumiglas si Nigella. Nabitawan siya ng yaya niya kaya tumakbo siya at nagtago sa isang makapal na kumpol ng halamanan.

"Walang silbi!" sigaw ng lalaking nagngangalang Pyre. "Hanapin niyo ang bata kung hindi papuputukan ko ang mga utak niyo!"

Nanginginig man sa takot at kahit gustung-gusto niya na ring sumigaw para sa mama niya, nanatiling tahimik si Nigella. Hindi siya pwedeng makita ng bad man.

Isang mahinang hikbi ang kumawala sa kanya pero agad niya namang tinutop ang bibig.

"Nigella.. Lumabas ka na. May momo sa tabi mo." parang kumakanta ang boses nito at medyo nakakatakot.

Nilingon niya ang tabi niya pero wala siyang makita. Naiihi na siya sa takot. Paano kung kunin siya ng momo at dalhin sa lugar nito. Sabi ni yaya hindi na daw siya makakabalik pa pag dinala siya dun.

Isang malaking kamay ang bumuhat sa kanya mula sa likuran kaya napasigaw siya sa gulat.

"Mamaaaaaa!"

Pinagsisipa niya ang lalaki pero hindi niya ito maabot. Masyadong mahaba kasi ang kamay nito na nakahawak sa kanya.

Inikot siya nito dahilan para magtama ang kanilang mga mata.

Napatigil siya. Ang lalaki. Siya yung papa ng batang lalaki diba? Siya yung nakita niya sa mansiyon na kasama nung magandang babae na mama ng batang lalaki. Pero bakit andito siya? Bakit kinukuha siya nito?

**

Niki's POV

Napabalikwas ako ng bangon sa higaan,habol-habol ang paghinga na parang nakipagpaligsahan sa track and field. Yung panaginip na naman na yun.

Tumayo ako para kumuha ng malamig na tubig sa ref. Kahit hindi ko maalala ang panaginip, alam kong nakakatot iyon. Nararamdaman ko pa ang nanginginig kong kalamnan dahil dito.

Montereal Bastards 1: To Tame A Jerk (COMPLETED)  ✔ #WATTYS2017Where stories live. Discover now