Chapter Fifteen Part Two

20.6K 576 4
                                    


NIKI'S POV

Hindi ko sigurado kung tama ba ang naging desisyon ko. Pero ang talagang sigurado ako ay ang kaligayahang lumukob sa akin nang sabihin niya ang dalawang katagang iyon.

Oo natakot ako, nagduda, nagulat pero itinago ko lahat ng iyon sa madilim na bahagi ng puso ko ay hinayaan na ang kaligayahan ang pumuspos sa akin.

Mali ba ang ginawa ko? Mali ba na sinunggaban ko ang isang bagay na alam kong magpapasaya saken? Mali ba na unahin ko naman ang sarili ko kahit isang beses lang?

Ginagap ko ang kamay ni Mico na nakasandal sa arm rest ng upuan. First time kong sumakay sa eroplano at medyo kinakabahan talaga ako kaya hindi ako nakatulog, samantalang siya, wala pa sigurong five minutes, tulo-laway na.

Inilibot ko ang paningin sa maliit at masikip na eroplano. Hindi ganun karami ang mga pasahero dahil sa isang maliit na isla ng Catanduanes namin naisipang magpakasal. It was said to be an undiscovered gem. Marami daw magagandang views doon na hindi lang maaliwalas ay makabubuti din para hindi malaman ng ama niya.

Alam ko naman kasi na tututol ang ama ni Mico sa pagpapakasal namin. Sinabi niya sa akin na wala daw ibang gustong gawin ang ama niya kundi ang pahirapan siya.

Naalala ko yung sinabi ni Pyre about Nigella bilang fiance ni Mico. Pero nung tinanong ko siya tungkol dun, irrelevant naman daw. Hindi ko na kailangang intindihin pa daw ang mga walang kwentang bagay. Pagkatapos ay hindi na siya umimik at nagpatuloy na lang sa kung ano mang ginagawa niya.

Hindi ko na rin siya inabala tungkol doon kasi ayaw ko namang mag-away na naman kami.

Bigla ay umuga ang maliit na eroplano. Humigpit ang hawak ko sa kanyang kamay.

"Mico.." bulong ko. Patuloy kasi sa pag-alog ang sasakyan.

Pupungas-pungas na gumising siya at tiningnan ako, sabay sa magkadaop naming palad.

"Bakit umuuga?"

Pinakiramdaman niya ang paligid at tumingin sa labas. Naramdaman kong umangat lalo ang eroplano kaya lalo kong hinigpitan ang kapit sa kamay niya.

Napangiwi siya dahil sa lakas ng hawak ko.

Nahihiyang pinilit ko ang sarili na pakawalan ang kamay na iyon.

"Sorry." saka pinagdaop ang sarili kong kamay sa taas ng hita ko. Nanginginig ako sa nerbiyos.

Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko habang paulit-ulit ang nagdadasal na sana hindi pa kami mamatay.

"Sorry, we are having a minor turbulence. Please remain calm and stay at your seats." a voice blared from the speakers.

Nang hindi pa rin matigil ang pag-uga, naramdaman kong tinanggal niya ang seatbelt ko.

Nagtatakang tumingin ako sa gawi niya gamit ang nagtatanong na mga mata. Ngumiti siya ng nakakaloko saka tinapik ang hita niya. Kumunot ang noo ko.

Tinapik niya ulit ang hita saka iwinagwag ang dalawang kilay na parang inaakit ako. Kahit medyo natatakot ay natawa ako sa ginagawa niya. Para kasi siyang si Johnny Bravo sa mga pakulo niya.

Nasa aktong isasara ko ulit ang mga mata ko nang biglang may dalawang malalakas na braso ang dumaklot sa akin mula sa kinauupuan ko.

Isang marahang singhap ang kumawala sa akin habang nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa kanya.

"Anong ginagawa mo?" hintakot na saad ko.

His only answer was his certified smile before he unceremoniously dumped me on his lap.

Montereal Bastards 1: To Tame A Jerk (COMPLETED)  ✔ #WATTYS2017Where stories live. Discover now