Chapter 16

14.3K 366 6
                                    


NAPAATRAS si Keith dahil sa rebelasyon na sinabi ko. Nakaawang ang labi niya at mababanaag sa kaniyang mga mata ang gulat. My chest squeezed in pain as I saw how he reacted. Alam ko na marami na ang tumatakbo sa utak niya at marahil ay ang pagiging walang delikadesa ang isa na roon.

Yumuko ako at kinagat ang aking ibabang labi. Masakit pa rin pala ang makita ang mga taong akala mo maiintindihan ka na humakbang palayo sa'yo.

Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ako ng malamig na tingin ni Keith. His eyes was dark gray as if it is a cloud carries a heavy rain.

"Naiintindahan ko ang gagawin mong pag-iwas sa akin, after knowing my secret." Huminga ako nang malalim. "Pero sana, wala ng may makaalam pa."

Matapos iyon sabihin ay tumalikod na ako. Hindi ko naman kailangan tanggapin ako ng boung mundo. Hindi ko kailangan maintindihan nila ako. As long as I'm with my son, kakayanin ko ang lahat.

"Therese.."

Napatuwid ang likod ko nang marinig ang baritonong boses ni Keith. Napaigtad ako nang may maramdaman akong mainit na palad na humahawak sa aking kamay. Lumipad ang tingin ko roon pataas sa nagmamay-ari niyon.

Keith face still blank but his eyes shows affection. Affection? For what?

Hindi pa man ako nakakapag-salita nang hatakin niya ako at niyakap ng mahigpit. His left arm wrapped around my waist and his right rested against the back of my head. Nakasubsob ako sa dibdib niya at rinig na rinig ko ang malakas na tibok ng kaniyang puso.

"We will find Claiomh, Therese." Hinahalikan niya ang aking buhok. "Hahanapin natin ang anak mo."

Awtomatikong tumulo ang aking luha. Maybe because finally  there's someone I can lean on and he accepted me. Sunod-sunod akong tumango at tiningala si Keith. Nakangiti na siya sa akin, ngiting walang halong pagbibiro.

"S-salamat," nautal na saad ko.

Tumawa lamang siya nang mahina at humiwalay sa akin. Agad niya akong inalalayan sa isang sasakyan na kararating lang. Lumabas ang driver niyon at si Keith na mismo ang sumakay sa driver's seat.

Habang nasa biyahe ay tahimik lamang kami. Marahan kong pinupunasan ang aking luha at sisinghot.

"Tahan na, Biko," basag ni Keith sa katahimikan at inabot ang kamay ko.

Tumango ako at tumingin sa labas. Nang marating namin ang mansyon ay agad sumalubong sa amin ang mga sasakyan ng pulis at mangilan-ngilan na media. Keith grabs my waist and we walked towards the main door.

"Ayon!"

"Nandito si Therese Fuentes!"

"Ma'am, ano pong masasabi niyo sa nangyayari?"

"May hinala po ba kayo sa kumidnap sa kapatid niyo?"

"Totoo ba ang tsismis na anak mo si Claiomh Beau?"

"May mensahe ka ba sa kidnappers?"

Sunod-sunod na tanong ng mga makukulit na reporters habang sinusundan kami. Keith protective arms wrapped around my body as if it hides me from the annoying media. Nasisilaw ako sa mga ilaw ng camera at mukhang napansin iyon ni Keith.

One Mischievous Night [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon