Chapter 6

18.3K 473 7
                                    

“ARAY KO naman biko!” Pagmamaktol ni Keith habang hinahampas ko sa mukha niya ang isang unan. Nawalan siya ng malay kaya nataranta sila Daddy na dalhin siya sa ospital.

“You just ruined my day!” Pagtataray ko sa kaniya.

It was supposed to be my son’s day with me. I planned to go to malls with Claio, but this jerk ruined it. Kailangan ko na rin kasing bumili ng mga new shirt niya dahil mabilis siyang lumaki. Maybe because he’s well taken care of.

He pouted his lips. “Biko, ‘wag ka na nga mag-sungit diyan. Gusto mo i-date na lang kita?”

I rolled my eyes and puff some air. Ano ba ako sa tingin ng lalaking ‘to? Easy to get? Dahil lang niligtas niya ako, ay makikipagdate na ako? Kapal talaga ng mukha. Ano namang makukuha ko sa pakikipagdate sa kaniya?

“Gusto mo pakamatay ka na lang?” Sagot ko sa kaniya at maarteng tiningnan ang aking mga kuko.

Ano na kayang ginagawa ni Claiomh? Nakaligo na kaya siya? Bumuntong-hininga ako ng malalim. Bakit ba kasi ako pinagbantay sa mukang itlog na ‘to?

“Napaka-harsh mo talaga.” Ngumisi siya sa akin. “Kaya wala kang boyfriend eh.”

I stared at him coldly. “I don’t have a boyfriend because I don’t need to. Pinanganak akong mag-isa, kaya kong mabuhay mag-isa.”

Sumeryoso ang mukha niya at humalukipkip. Tumango-tango pa ito at kumunot ang noo. Ano kaya ang iniisip ng itlog na ‘to?

“You’re broken. Dahil sa ex mo.” He said.

Natawa ako ng pagak. “Wala kang alam. Eh ano kung broken ako? Hindi ako katulad ng mga babae diyan na porke't nasaktan ay iiyak na lang. I maybe broken, but I’m not weak. Bear that in your mind.”

Nagtaas siya ng kilay at ngumisi. “Kalma, ako lang ‘to Biko.”

I smirked. “Ikaw? Bakit ka Casanova? Siguro broken ka rin?”

His playful face turned into a blank. It looks like he remembered something.

“You’re right. I’m broken.” He looked at me and smirked. “Kaya bagay tayo.”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Shut up! Jerk.”

He laughed hard while caressing his wound. Akmang sasagot pa sa siya nang biglang bumukas ang pinto at isang babaeng humahangos ang pumasok. Hawak-hawak pa nito ang dibdib habang nakatayo sa harap namin.

Keith froze in shocked. His eyes was widening with his mouth barely parted. Magkakilala ata ang dalawa ‘to? I feel the sudden awkwardness when the woman walk towards keith.

Dinutdot nito ang noo ni Keith. “Napaka-pasaway mo parin talaga.” She said with a wide smile.

Keith shake her fingers off from his forehead. “Bakit ka nandito?”

Tumikhim ako dahil sa tensiyon nilang dalawa. Para akong extra sa muling pagkikita ng isang magkasintahan. Ganiyan ba ang manliligaw sa’kin? Kahit kailan talaga dapat hindi sila pinagkakatiwalaan.

“I leave you two.” Ani ko at akmang tatayo na ngunit hinawakan ni Keith ang kamay ko.

He squeezed my hand and it makes my heart thumped hardly. I looked at him only to found his eyes almost begging me not to leave. Hindi ko alam kung anong espirito ang pumasok sa akin at tumango.

I grabbed his hand and intertwined it with mine. Bahagya pa siyang nagulat sa ginawa ko dahil nakatunganga siyang nakatitig sa mukha ko.

I smirked. “Bakit nga pala ako aalis?” Nagtaas ako ng kilay. “Leave us alone, Miss whatever your name is.”

One Mischievous Night [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon