Chapter 4

20K 494 9
                                    

HULING araw ng klase para sa semester na ito at wala akong ibang ginawa kundi alisin sa utak ko ang pangalan ng lalaking nakilala ko sa bar nang nakaraang gabi.

Keith Ephraim.

Naiinis akong tumayo at lumabas ng cafeteria, at naglakad papuntang gym. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng koredor nang may humarang sa akin. Sila ang Power Slut Girls.

I rolled my eyes. Akmang sasampalin ko ang leader nilang naka ponytail na para bang mahuhugot na pati anit niya sa sobrang higpit.

Napapikit siya at muling nag-mulat ng mata. "Afraid?" Taas ang kilay na sabi ko. "Pataray ka pa lang pasampal na ako."

Sinamaan niya ako ng tingin. "Such a bitch."

Hindi ko alam sa tatlong 'to kung bakit paulit-ulit nila sinisira ang araw ko, wala naman silang napapala sa akin kundi pambabara. Bukod sa mga damit nilang mukang tinipid eh wala namang maipagmamayabang.

"I'm not offended." Sagot ko at nilagpasan ang tatlong iyon. Pero pinigilan ako ng isa sakanila.

"'Wag mo akong talikuran!" she shrieked.

Hinablot ko ang kamay ko at minasahe iyon. "'Yang mukhang iyan. Karapat-dapat kasing talikuran."

Naningkit ang mata nito at dinuro ako. "You're a slut! Inakit mo ang boyfriend ko!"


Initirik ko ang aking mata at humalukipkip. "Kung slut ang paguusapan, salamin ang kausapin mo." I smirked. "At hindi ko inakit 'yung boyfriend mong mas makati pa sa higad. Baka naman kasi nakakasawa kana kaya naghanap ng iba?"

I used to be nice but being nice means being weak too.

"Bawiin mo ang sinabi mo." Pagbabanta niya.

I raised my eyebrow. "Alam mo, hindi ka lamesa na basta-basta na lang pinapatungan ng kung sino. Kaya ka iniiwan eh, may bangus ka na maghahanap ka pa ng sardinas."

Mas tumalim ang tingin niya sa akin na para bang anumang oras ay susugurin ako. Bumaling ako sa babaeng humawak sa akin.

"Look at your hand." Wika ko sa kaniya.

Kunot noo niyang tiningnan ang kaniyang palad. "What's with my hand?"

I smiled sweetly. "Kumikinang 'diba? Nahawakan mo kasi ako. You know, maganda eh." Sabi ko at agad tumalikod.

Rinig ko pa ang naiinis na tili nila habang naglalakad ako palayo. I laughed silently. Poor them.

Sumabay si Ella sa akin. Inilahad niya ang cellphone niya sa harap ko at humagikhik.

"Ganda ko dito oh! Pang IG!" wika niya.

I smirked. "Ilang patong ng filter ang nilagay mo diyan. 'Di na kita makilala eh."

Sinimangutan niya lang ako at inalis sa harap ko ang cellphone niya. Nagtuloy-tuloy kami ng paglakad hanggang sa marating namin ang gym.

Nang makaupo na kami ng bench ay diretso lang akong nakatingin sa mga naglalaro ng basketball.

Naalala ko parin ang paraan ng paghalik ng lalaking iyon sa akin. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigil ang pag-ngiti. He's right! Hindi nga maalis sa isip ko ang bwisit niyang pangalan.

"Friend! Alam mo ba kilala ko ang coach nila!" Tili ni Ella na umaktong nangingisay pa.

"Kwento mo na lang pag may pake na ako." Sagot ko at humalukipkip. Wala ako sa mood para makinig sa pagfafan girling niya.

One Mischievous Night [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon