Chapter 8

17.2K 443 3
                                    

ONE OF the most hardest things about being a single mother is when your child ask for a father. Hindi pa ako handa at kahit kailan ay hindi magiging handa sa araw na lumaki si Claiomh at itanong ang bagay na iyon. Bukod sa ayoko na makilala ng anak ko ang ama niya ay, hindi na rin naman kailangan pa.

I loathe him. I can't uncage myself from the past until he's six feet under. If I have a chance to wish, I wish him to stop breathing. I want to vanish every bit of him. He ruined me.

I sighed and continue combing my hair. Inutusan ako ni Dad na pumuntang San Lucas para maasikaso ang gulo doon. Bakit kasi ako pa?

Matapos kong magsuklay at mag-ayos ng sarili, hinablot ko ang aking LV bag at naglakad na palabas ng kwarto. Pababa na ako ng hagdan nang makarinig ako ng pamilyar na boses. Nang tuluyan na akong makababa at tumungo sa sala ay bumungad sa akin si Dad na kaharap si Keith.

Ano na namang ginagawa ng lalaking 'to dito?

"What are you doing here?" I asked him with my eyebrow up.

Ngumisi siya at nagkibit-balikat. "Ihahatid kita sa San Lucas. Let's go?"

Wait? Tama ba ang rinig ko? Siya maghahatid?

Nagtatakang pinagmasdan ko si Dad at tango lang ang isinagot sa akin. I rolled my eyes and crossed my arms.

"Where's Claiomh?" Tanong ko sa yaya ng anak ko.

Tumalima naman ito at agad binuhat si Claiomh at hinarap sa akin. Inabot ko ang anak ko at dinala sa dining area para masolo saglit.

"Claio, baby aalis si Mamsie. Behave ha." Ani ko sa anak ko na akala mo ay naiintindihan ako. I kissed his both cheeks.

His nose flushed. Kasabay niyon ay ang pagpalahaw niya ng iyak na para bang alam niyang aalis ako. He's crying like there's no tomorrow.

"Anak, akin na si Claio. Umalis na kayo para hindi kayo gabihin." My Mom said.

Tumango ako binigay si Claio kay Mommy pero mahigpit ang yakap niya sa leeg ko. Kinalas ko ang yakap ng anak ko at hinalikan siya sa labi, ilong at noo. I'm going to miss this little kiddo.

"'My, ikaw na po bahala ah. May gatas na po siya sa ref sa kwarto namin." Paalam ko kay Mommy at naglakad papuntang sala. Naabutan ko si Keith na nakaupo at naghihintay sa akin.

He's wearing a plain gray shirt and a ripped jeans. His hair looks so messy, as if he just woke up. Simple lang ang ayos niya pero sumisigaw iyon ng kakisigan. Lalo na at kitang-kita ang biceps niya na namimintog. He suddenly look at me and smirked seductively. Nag-iwas naman ako ng tingin dahil sa ngising iyon, naalala ko ang ginawa namin sa parke.

Is this his way of hitting on me? Kung iniisip niyang makukuha niya ako sa ginagawa niya, well he got it wrong. I'm not the type of a woman who would fall for that kind of trap. Pareho lang sila ni.. Nah! Dirty words.

Tumikhim ako at lumapit kay dad. "Are you pushing me for him?"

Dad cold gaze stabs me. "You have no choice Therese. Kung ayaw mong maging habang-buhay na disgrasyada ay sumunod ka sa'kin."

Disgrasyada? Para akong binagsakan ng mabigat na bagay sa dibdib at sumisikip iyon. I know Dad still treat me as dishonor to Fuentes. Bakit? Ginusto ko ba? Inisip ba nila 'yung naramdaman ko nang itinago nila ang tungkol doon? Na mas inisip nila ang reputasyon ng pamilyang 'to kesa sa akin.

Tumango ako at tumalikod. Mabilis akong naglakad at tumungo sa sasakyang uukupahin namin. Sumakay ako sa backseat at humalukipkip.

"Mukha naman akong driver nito." Reklamo ni Keith nang makapasok sa sasakyan.

One Mischievous Night [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon