Chapter 7

16.7K 478 6
                                    


SAMPAL ang sumalubong sa akin pagkapasok na pagkapasok ko ng library room ni Dad. Agad akong umatras nang tumaas ang palad nito para muli akong padapuan ng isa pang sampal ngunit hindi niya iyon tinuloy.

Kagagaling ko lang sa ospital dahil kay Keith at ito ang bubungad sa akin? Sana pala nanatili na lang muna ako doon.

“Why you have to be this stubborn! Crissa Therese?!” Sigaw ni Dad sa akin na naglalabasan ang ugat sa leeg dahil sa sobrang galit.

“D-dad.” Basag ang boses ko dahil sa gulat.

“Didn’t I told you to stop seeing that Mortez!” He exclaimed. Nakakuyom pa ang kamao niya na parang gusto ng manuntok.

Nanlaki ang mata ko sabi ni Dad sa akin. “No! Hindi kami nagkikita!”

Binato niya sa akin ang isang envelope at kumalat ang mga litrato na agad rumehistro sa alaala ko. It was me and Rim at the bar, our last talk.

“H’wag mong hintaying gumawa na naman ako ng paraan para alisin sa buhay mo ang lalaking iyan Therese.” Makahulugang wika niya at umupo sa kaniyang swivel chair.

Lumapit ako sa lamesa niya at umupo sa upuan doon. “Dad.. What do you mean?”

“This will be my last warning. Stop seeing that guy or else I’ll make his life miserable. And yes, I did it once. And I will do it again if I have too.” Galit na saad ni Dad at ibinagsak ang kamao sa lamesa.

Anong ibig sabihin ni Dad? Na may kinalaman siya bakit ako iniwan ni Rim?

“Daddy—“

“Out.” Tinuro nito ang nakasaradong pinto.

“No! You have to tell me—“

Isang sampal ang muling nagpatahimik sa akin. Umiinit ang pisngi ko dahil doon at agad kong naramdaman ang kirot na mabilis kumalat. Kumukurap-kurap akong tumingin sa taong hinahanggan ko ng sobra na ngayon ay abot langit ang disgusto sa akin. I was his princess and he was proud of me. I was giving them gold medals in every activity I joined.

But everything’s change after that night. After my debut. After my nightmare.

“Therese! Alfredo!”

Mom blocks herself between me and Dad. She cupped my cheeks and gently rubbed the swollen area. Nanatili ang mata ko sa aking ama na malamig akong tinititigan pabalik.

“Lumabas na kayo.” He ordered.

Tumango si Mommy at iginiya ako palabas at hinila papasok sa aking kwarto at umupo sa kama. She’s just continue rubbing my cheek as if it will lessen the pain.

“Therese, anak sundin mo ang Dad mo.” She told me.

Tumawa ako ng mapakla. “Sundin? Mommy he’s being unreasonable! Pinapasundan niya ako—“

“Because you’re an heiress for pete’s sake!” Hesterikal niya at bahagyang niyugyog ang aking balikat

“But not’s the point! He is accusing me for a move I didn’t make Hindi ako nakikipagkita kay Rim dahil bukod sa niloko niya ako, ‘yon ang gusto niyo!” Pagalit na sagot ko sa kaniya.

Pinaglaban ko ang nararamdaman ko pero sino ba naman ako para manalo? I’m just seventeen years old that time and I was madly in love. Pero in the end, sinunod ko pa rin sila.

May tinatago sila sa akin at iyon ang gusto kong alamin. I don’t want to live my life with full of lies. I want Claiomh to have a peaceful life, not like this.

“Anak, patawarin mo ang Dad mo.” Mahinahon ang boses ni Mommy na parang sinasabing. ‘H’wag na akong umagal pa.’

Nagsimulang tumulo ang luha ko at napahikbi dahil sa inakto ni Dad kanina. Sometimes he’s acting okay especially when we’re in public place.

One Mischievous Night [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon