Chapter 18 : It's You

480 21 0
                                    


"Elisse POV"

Pabiyahe kami patungong Maynila dahil sabi ni Mama na magbobonding daw kami ng family ng kaibigan niya. She said that 3 days daw kami don kaya nagayos ako ng aking gamit.

Habang nagaayos ako,  biglang sumakit ang ulo ko,  at parang may bumalik na ala ala sa akin. Kaya napasigaw ako

"Ma!!!" sigaw ko.

Narinig niya naman kaagad ako kaya tumakbo siya kaagad patungo sa kwarto ko.

"Anak, may masakit ba?" tanong niya sa akin.

"Yung ulo ko po,  masakit." sagot ko.

~•~•~•Flashback•~•~•~

"Elisse, halika,  sama ka sa akin,  ipapakilala kita kay mama. " sabi sa akin ni Koy.

"Sige ba." ganting sagot ko naman.

Habang naglalakad kami patungo sa bahay nila, isang aso ang naghabol sa amin, kaya napatakbo kami.

"Takbo!!" sigaw ko,  dahilan ng mas matulin na pagtakbo ng aso.

"Huwag ka kasing maingay, Elisse, yan tuloy,  hinahabol tayo. " sabi ni Koy na parang hinihingal na.

"Sorry na, takot na takot kasi ako sa mga aso e. " I said.

"Huwag ka nang matakot, kaya nandito ako kasi gusto kong maprotektahan kita. " sabi niya sa akin.

Parang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha nang sabihin niya iyon, Kinilig ako doon sa sinabi niya.

Nang makarating na kami sa kanila, pinapasok na kami ng mama niya.

"Magandang araw po. " sabi ko.

"Magandang araw rin. " ganti niya sa akin.

"Ako nga po pala si Elisse." sabi ko.

"Ikaw pala yung laging kinukwento sa amin ni Marc. " sabi ng mama niya.

"Ako nga pala ang Tita Sheila mo." sabi niya sa akin.

"Ahh,  bakit naman po niya ako laging kinukwento sa inyo? Kilala ko na po ba siya dati? " nagtatakang tanong ko.

"Ahhh, oo, ako yung kauna unahang bestfriend mo, noong bata pa tayo, ako yung laging kalaro mo sa playground. " Marc said.

What? Siya yung bestfriend ko noong bata ako? Siya ba si? Si? Si?

"Aray!! Aray!! Ang sakit ng ulo ko. " sigaw ko.

Biglang sumakit ang ulo ko. May bumalik nanaman sa ala-ala ko.

~•~•~•Flashback•~•~•~

"O, bakit ka malungkot Koy?" tanong ko sa bestfriend ko.

"Aalis na kasi kami bukas. Mag o-one month na kasi kami dito sa Pampanga. " malungkot niyang sabi.

"Diba, Koy,  nagbibiro kalang? Bakit ganun? " tanong ko sa kanya.

Ramdam ko na ang malapit na pagpatak ng luha ko,  pero pinipigilan ko ito, dahil ayaw kong umiyak sa harapan ng Bestfriend ko. Kailangan kong maging matatag.

"Gusto ko man sabihin na nagbibiro ako,  hindi pwede. Hindi ko nga alam e. Sabi ni Kuya sa Manila parin kami mag aaral. " sabi niya.

"Basta Koy, huwag mong kakalimutan, ikaw yung pinakamakulit na bestfriend ko,  at hindi magbabago yun. " sabi ko.

•~•~•~End Of FlashBack ~•~•~•

It's him,  si Koy nga at si Marc ay iisa. Siya ang bestfriend ko noong bata pa ako. Siya yun, siya yung mahal ko noong bata pa ako.

And now alam ko,  kaya parang bumibilis ang tibok ng puso ko,  kapag kasama ko siya, pero hindi pwede Elisse,  may girlfriend siya, hindi ka niya mahal.

Hindi mo siya pweding mahalin, may mahal siyang iba, hindi ka niya mamahalin,  kasi may nag mamay ari na sa kanya.

"Naalala ko na po siya, siya si Koy. Siya yung kalaro ko,  at siya yung may pinangako sa akin na alam kong hindi na matutupad. " sabi ko ng pagalit.

I don't know how to feel right now.  Para akong sasabog dahil sa naalala ko.

Kailangan kong lumayo sa kanya. Pero nasa Maynila kami ngayon, wala kaming magagawa kung hindi ang mag iwasan nalang.

Pero kahit anong pilit kong pag iwas sa kanya, walang epekto, siya parin,  siya parin ang bestfriend ko na, minahal ko, hanggang ngayon mahal ko.

Susulitin ko nalang ang mga araw na magkasama kami dito sa Maynila, dahil alam ko, pagbalik ko ng Pampanga, hindi ko na siya maaabala pa, hindi ko na siya makakausap, malalapitan, dahil nandoon ang nag mamay ari sa kanya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Patience Guys :) . Haha. Sorry for the long wait.  Pero let me see kapag hindi ako busy. Haha. I am still on the right track?

Please Vote naman kayo. Silent readers,  kindly vote naman, 15 Votes before the next Chapter Update :) .

PAANO NA KAYA [COMPLETED]Where stories live. Discover now