Chapter 14 : The Date

745 23 2
                                    


McCoy POV
 
     New day started for me, at ngayon mag dadate kami ng girlfriend ko, it's our 9th Monthsary , ngayon lang ako nakatagal sa isang matinong relasyon, it is only 6:48 in the morning. Mamaya kopa siya susunduin mamayang 11:00 dahil magdadate kami ngayon, how sincere am I because of her. Sana siya na yung kahuli huliang magmamahal sa akin, better yet, siya na yung taong papakasalan ko. Bumaba na ako papuntang kusina dahil nagugutom na ako, nadatnan ko naman si Ronnie na nagluluto ulit, how obedient he is, siya nalang lagi nagluluto at naghuhugas ng mga pinagkainan, kung may award lang siguro dito bibigay ko na sa kanya.

"Ronnie, may naluto naba? Nagugutom na kasi ako ." tanong ko dahil nagkakagulo na ang mga alaga ko sa akin tiyan.

"Malapit na kuya, upo kana diyan , patapos na ako," he said.

"Sige." yun nalang ang sinabi ko at umupo na ako.

Habang hinihintay ko ang linuluto ni Ronnie, narinig ko nang bumaba sina Kuya Luke at si Bunso galing sa taas.
Pagbaba ni Chloe, kaagad siyang tumakbo kay Ronnie.

"Kuya Ronnie, ang bango." sabi ni bunso at nginitian naman ni Ronnie ito.

"Salamat Bunso." balik na sabi ni Ronnie.

"Bunso? Kuya naman e, 4th year High School na ako, bunso parin? " patampong sabi ni Chloe sabay irap kay Ronnie.

"Alam mo Chloe, kahit fourth year high school kana, ikaw parin ang nagiisa naming prinsesa, tandaan mo yan, kaya ganun kami ka alaga sayo. Ikaw parin ang bunso namin." sabi ko at hinug ko siya, at ganun ginawa niya pabalik.

"Sige na nga mga kuya. I love you Kuya." sabi niya sa akin.

"I Love You bunso." sabi ko.

"Nakakatampo naman, kami ba wala kaming I Love You mula sa bunso namin?" patampong tanong ni Kuya kay bunso.

"Siyempe meron." sabi niya.

"I Love You kuya Luke and Kuya Ronnie." Chloe said.

Nang matapos na ang linuto ni Ronnie, inihain niya ito kaagad dahil mag 7:15 na, habang kumakain, hindi nila maiwasang pag usapan kaing dalawa ng aking girlfriend na si Maris, dahil nga 9th Monthsary namin ngayon.

"Oh Bro, happy 9th monthsary sa inyo ni Maris." said by kuya Luke.

"Thank You Kuya." galang kong sabi.

"Kuya , ano balak ngayon? " tanong naman ni Ronnie.

"Ahh, mag dadate kame ngayon, i'll pick her up by 11:00." sagot ko.

"Ahh, sige kuya. Uhhm, kuya, magbibirthday kana next week, you are turning 21, anong plano?" tanong ulit ni Ronnie.

"Simple lang siguro, uuwi ba sina Mommy at Daddy?" I asked.

"Oo, uuwi sila, atsaka they are on vacation for a month." sagot ni Kuya Luke.

"Ahh, sige." sabi ko.

Pagkatapos naming kumain, dumeretso ako sa sala at nanood, since today is Sunday, manonood nalang ako ng Cinema One, and the movie playing is now Paano Na Kaya nina Kim Chiu at Gerald Anderson.

After watching, tumingin ako sa Wall Clock and it's 10:15 in the Morning. Kaya naligo na ako at nag ayos, pagkatapos kong mag ayos, naabutan ko ang 3 sa sala na naglalaro ng PS3, change the loser sila. Kaya nagpaalam na ako kay Kuya Luke dahil susunduin ko na si Maris, and may dala akong gift for her, isang Couple Shirt, na may nakasulat na YATS and YAM.

Bago ko pa siya daanan, dumaan muna ako sa flower shop , at bumili ng bulaklak. After I bought flowers, pinuntahan ko na siya, nagbiyahe ako mua sa flower shop papunta sa kanila around 10 minutes, hindi naman kalayuan. Nakarating ako sa kanila ng 11:03 . Kaagad naman akong bumaba para sunduin siya.

"Hi YATS, happy 9th monthsary." sabi ko sabay bigay ng dala kong flowers at isang box.

"Hello YAM, happy 9th Monthsary din." she said at may inabot rin siya sa akin na maliit na box. Mamaya ko nalang bubuksan.

"Tara na?" Tanong ko.

"Saan naman tayo pupunta?" tanong rin niya.

"Tama bang sagutin ang isang tanong ng may ibang tanong?" sabi ko.

"Ay, oo nga pala. O siya sige, tara na. Saan niyan tayo pupunta?" sabi niya.

"Ako na bahala." sagot ko.

Sumakay na nga siya sa sasakyan at pinaandar ko na ito, dadalhin ko nalang muna siya sa park para makapag pahangin muna kami, nakarating kami sa may park ng mag 12:11 . Medyo may kalayuan ito dahil nagmula pa kami sa QC papunta lang ng Luneta. Doon kami pupunta para magkaroon kami ng oras. Hindi ko namalayan na nakatulog pala siya, ang ganda talaga niya kapag natutulog. Pero kailangan naming mag enjoy, kaya ginising ko na siya.

"Yats, wake up, nandito na tayo. " sabi ko with a sweet voice.

"Yam, nasaan tayo?" she asked.

"Nandito tayo sa Luneta." sagot ko.

"Ahh. O sige, tara na." sabi niya kaya nauna na akong bumaba at pinagbuksan siya ng pinto ng sasakyan.

"Ang sarap sa pakiramdam ng makalanghap sariwang hangin, walang polusyon, hindi gaanong maingay." sabi ko at siya naman tumawa lang.

"Oo nga. Ang sarap sa pakiramdam ang tahimik." sabi niya.

-----Fast Forward-----

"Tara na, punta tayong mall." sabi ko, kasi mag aalas dos na.

"Sige." sagot niya.

Habang papunta kami sa mall, marami kaming natatanaw na mga tao, ang daming tao, dahil nga Linggo ngayon. Nagugutom na ako, I better yet tell to her, baka nagugutom na rin siya.

"Yats, kain na tayo?" tanong ko sa kanya.

"Sige Yam, nagugutom na rin kasi ako e." sagot niya.

"Saan tayo kakain?" tanong ko.

"Sa GreenWich nalang tayo, parang gusto ko kasing mag pizza." sagot niya.

"Ok sige, kung yan gusto mo ." sabi ko.

-----Fast Forward-----

After naming kumain ng lunch, ang sabi ni Yats na gusto na daw muna niyang magpahinga, kaya hinatid ko na muna siya, baka gusto na niyang magpahinga, alam kong pagod to ngayon sa biyahe. Habang nagbibyahe kami, nagsalita siya.

"Yam, Happy 9th Monthsary ulit, I Love You." she said.

"Happy 9th Monthsary din Yats, I love you too." ganti ko sa kanya.

"Sige na, magmaneho kana, baka ma aksidente pa tayo." sabi niya.

"Ok, sige." sunod ko sa sabi niya.

Nang makarating na kami sa kanila, pinagbuksan ko na siya ng pinto, at hinikan sa Noo at pisngi sabay paalam sa kanya.

Nang maka uwi ako ng bahay, mag aalas singko na ng hapon kaya pag uwi ko, umakyat na muna ako at nagbihis, pagkatapos nun, bumaba na ako at kumain para sa hapunan. Pagbaba ko, sinalubong ako ng aking 3 kapatid.

"Oh, kuya, nag enjoy kaba?" tanong ni Chloe.

"Oo naman bunso." sagot ko.

"Hindi ba halata bunso? Tignan mo mga si Kuya, ang lapad ng ngiti." sabi ni Ronnie.

"Loko loko ka talaga Ronnie." sabi ko ng patawa.

"Tara na kain na tayo,." sabi ni Kuya Luke.

"Tara." sabay sabay naming sagot.

-----Fast Forward-----

Pagkatapod naming kumain, umakyat na kami sa kanya kanya naming kwarto, nagpahinga na kami dahil bukas papasok nanaman. Ang saya saya namin ngayon, dahil magkasama kami ni Yats sa 9th Monthsary namin. Sana magtagal pa kami . At hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako at nanaginip.

~~~~~~~~~~~~
Sorry for the late UD guys, babawi nalang ako next time, by the way, salamat dahil naka 1.22k reads na ito, hope you can vote kahit makakuha lang ng 100 stars.

Enjoy reading, vote , and comment, thank you guys. :)

-Ace Kenneth



PAANO NA KAYA [COMPLETED]Where stories live. Discover now