Chapter 40 : Last Chapter Journey

538 7 0
                                    


"Loisa, anak,  gising na. " sabi ni mama.

"Loisa,  7:00 na oh. Baka tanghaliin kana,  may naghihintay sa'yo kanina pa. Nandito na yung boyfriend mo. " rinig kong sabi niya kaya napatayo naman ako kaagad sa hinihigaan ko.  Nandito na si Ronnie.  Kakagising ko lang. 

"Sige po ma, maliligo lang ako saglit. " sabi ko.

Pumasok si mama dito sa kwarto ko at may sinabi sa akin.

"Wear your dress. Diba? Sa simbahan ang punta niyo today? " sabi ni mama.
Nakakapagtaka naman bakit kaya niya alam? 

"Paano niyo po nala-" pinutol niya ang sasabihin ko.

"Dalhin kay Ronnie.  Kaya bilisan mo na jan at maligo kana.  Kanina pang 6:30 nanjan. Kanina kapa niya hinihintay. " sabi ni mama

Kaya nagmadali naman akong pumasok sa banyo para maligo. Nagtooth brush na muna ako.  Pagkatapos ay naligo na.

Pagkatapos ng labinlimang minuto ay natapos na ako at magbihis.  Ang sabi ni mama ay mag dress daw ako kaya yun ang sinuot ko.

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako ng kwarto. Nakita ko si Ronnie na nakatitig sa akin.  Naka awang ang bibig niya at pinagmamasdan akong mabuti.

"Good Morning babe! " masigla kong sabi. " Ayos naba tong suot ko? " tanong ko.

"Ahh,  oo,  ayus na yan babe. Tara na,  baka ma late tayo. " sabi niya sa akin.

"Ma,  aalis na po kami. " pagpapa alam ko kay mama.

"Ma,  mauuna na po kami,  baka po ma late e. " sabi ni Ronnie kay mama.

"Hoy,  anong mama naman? " tanong ko sa kanya.

"Syempre, ganyan talaga.  Haha. " sabi niya kaya napailing nalang ako.

"O sige anak,  mag ingat kayo papuntang simbahan. " sabi ni Mama.

"Sige po. Bye ma. " sabi ko.

Pagkatapos non ay umalis na kami.  Pumunta kami sa sasakyan ni Ronnie at tumungo sa simbahan.

Pagkadating namin ay kaagad kaming nagtungo sa may parking lot , pinagbuksan naman niya ako ng pinto at linahad niya ang kanyang kamay para tulungan ako. He is so gentle and kind.

Naglakad kami papunta sa harap ng simbahan at nakita kong maraming tao. The mens are all in black while the ladies are wearing gowns.

Habang naglalakad kami sa loob,  nakapalupot naman ang kamay ko sa braso niya. Para kaming ikakasal. Pero diba ay hihingi lang kami ng basbas.

"Ang daming tao,  nakakahiya,  may kasal ata. " bulong ko kay Ronnie.

"Don't mind them.  Tara.  Dito tayo. " sabi niya sa akin at umupo na.

Pagkatapos ng labinlimang minuto ay nakita kong nagsitayuan na ang mga tao. Kaya tumayo na rin ako.  Teka.  Di naman kami invited.  Pero bakit nandito kami?

"Di naman ako invited ah. Bakit nandito tayo? " tanong ko kay Ronnie.

"Uhmm, ayos lang yan. Oh,  baka nanjan na yung ikakasal. Manonood tayo,  praktisin natin beh. " sabi niya sabay tawa. 

"Loko to ah. " sabi ko,  at napatawa nalang rin.

Nang napatingin ako sa may pintuan ng simbahan ay nakita ko ang mala angel ang mukha at nakasuot siya ng napakagandang wedding gown. She is so beautiful. Kaya pala nandito kami.

Nakikita kong naglalakad si Ate Elisse patungong altar at nakita ko namang naghihintay si Kuya Mccoy.

Hindi ko man siya napansin kanina.  Kaya pala.

Nang mag umpisa ang misa para sa kasal ay kinausap ko si Ronnie.

"Hindi mo naman sinabi na kasal na pala ni Kuya Mccoy at Ate Elisse ito. " sabi ko sa kanya.

"Ehh,  rush kasi e. Buti nalang at napaghandaan kaagad.  Kaya walang masyadong problema.  Okay na nga yun e.  Baka sa susunod tayo na ang ikakasal. " sabi niya.

Kinilig naman ako sa sinabi niya.  Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa tuwa

"Matagal pa yun. " sabi ko sa kanya habang nagpipigil ng kilig.

"Ayus lang,  maghihintay naman ako babe. I love you.  " sabi niya sabay halik sa akin sa lips.  Smack lang.

"I love you too.  To the moon and back. " sabi ko.

"Makinig na muna tayo sa pari. " sabi ko sa kanya.

"Okay sige. " sabi niya.

Nakinig naman kami sa pari habang nagmimisa.

Malapit na pala silang magsalita.

" Mccoy, my love,  take this ring,  as a sign of my love,  and loyalty, this is the ring,  that you will hold,  for a lifetime, I will be your partner in all of the time, that we have in this world. " sabi ni ate Elisse.

"Elisse , my baby,  take this ring,  as a sign of my love,  and loyalty, this is the ring,  that you will hold,  for a lifetime,  I will be your partner in all of the time,  that we have in this world. " sabi ni Kuya Mccoy.

"I may now pronounce you,  man and Wife.  Congratulations! " sabi ni pari.

Pagkatapos maman non ay hinalikan na ni Kuya Mccoy si Ate Elisse sa labi niya.

My gosh nakakainggit.  May love birds na ikinasal na. I am so happy for them.

Naiiyak naman ako sa mga nangyayari,  after all tge struggles that we face. Sa bandang dulo,  sila parin ang nagkatuluyan. So happy for them.  Buti nalang at nakahabol ako sa kasal nila. Hindi sayang ang pagpunta namin dito ni Ronnie.

Sa dami rami naming pinagdaan,  sa mga lahat ng nangyari sa akin,  I will always be forever grateful,  sa mga lahat ng taong ayaw sa akin.  Sa lahat ng taong nagtiwala sa akin.  I owe them a lot,  kung hindi dahil sa kanila,  wala ako dito ngayon.  Napakalaking tulong ang ginawa ni Ronnie,  kaya nga mahal na mahal ko yun e.  Sana magtagal pa kami.  Sana kahit lumipas ang panahon ay matatag pa rin kami.  Kahit magbago man ang ihip ng hangin,  alam ko na kakayanin namin. May dumating man na pagsubok ay kakayanin namin ang lahat lahat. Sana isang araw,  ay ang lahat ng problema ay magwakas,  para lahat ng tao maging masaya.
Sana one day,  dito kami ikakasal ng future husband ko, na si Ronnie.


















~~~~~~~~~~END~~~~~~~~~~~~

PAANO NA KAYA [COMPLETED]Where stories live. Discover now