Chapter 16 : Remembering Memories

732 30 5
                                    

McCoy POV

I've made up my decision, sasama kami sa vacation namin, it was planned by my parents. It is a bonding. Kasama ang bestfriend kong si Elisse. Who knows? Siya ang bestfriend ko noong bata pa ako, ang pangalan kopa noong bata ako is Koy, the short term for McCoy.

Naalala ko yung bestfriend ko noong bata pa ako, she is still my bestfriend hanggang bago pa siya magka amnesia. Siya si Elisse. Naging bestfriend ko siya nung bata kami, nagkakilala kami dahil dun sa playground sa isang subdivision sa may Pampanga. I was alone at that time at nakita niya ako pero inirapan ko lang siya. Ang sama ko diba? Haha, di ko kasi kilala kaya ganun.

~~~FLASHBACK~~~

"Koy, laro tayo." sambit sa akin ng isang babae.

"Sino ka?" tanong ko. Siyempre bagong lipat lang kami kaya hindi ko siya kilala.

"Ahh, ako nga pala si Elisse." pagpapakilala niya ng malapad ang ngiti.

"Sige, laro tayo." sabi ko ng nakangiti dahil siya ang una kong naging kaibigan dito sa Pampanga.

"Kailan pa kayo lumipat dito sa Village?" tanong niya.

"Ahh, nung isang araw lang." matipid kong sagot habang naglalaro kami ng swing dito sa playground. Busy kasi sina Kuya Luke at Ronnie sa bahay nun at binabantayan pa nila si Chloe kaya ako lang lumabas ng bahay at pumunta sa park at that day.

Pag uwi ko sa bahay, nakita ko na maayos na lahat ng gamit at nakita ko sina Ronnie at Kuya na kumakain na sa kusina kaya dun ang diretso ko.

Pagdating ko sa kusina ay nagkuwento kaagad ako sa kanila tungkol sa kanya.

"Kuya, may nakilala akong babae diyan sa may park, kuya ang ganda ganda niya. Nakipag kaibigan siya sa akin. Hindi na ako tumanggi dahil ang bait bait niya." pagpapaliwanag ko sa kanila.

Nakita ko naman sa mukha nila ang bakas ng ngiti.

"Ahh, talaga? Alam mo na ba ang pangalan niya? Yung bahay niya. Alam mo ba?" tanong sa akin ni kuya, napaisip naman ako bigla kung saan ang bahay niya.

"Oo kuya, siya si Elisse, dito lang rin siya sa village nakatira." pagpapaliwanag ko kahit hindi ako siguro dun sa sinabi ko sa bandang huli.

"Ahh, Koy, may sasabihin nga pala ako sa'yo." sabi ni Kuya.

Pabitin pa to e. Hindi pa kaagad sabihin, kaya napataas nalang ang isang kilay ko.

"Isang buwan lang pala tayo dito, kasi magbabakasyon lang tayo dito, hindi tayo dito mag aaral. Sa Manila parin tayo mag aaral." pagpapaliwanag ni kuya.

Nalungkot naman ako ng bigla dun sa sinabi niya. Sana araw-araw nasa playground lang siya para araw-araw mag uusap kami, gusto ko lagi ko siyang nakikita. Magpapromise ako sa kanya na magkikita ulit kami balang araw.

"Ahh sige po kuya." yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko, nakita naman nila ang naging ekspresyon ng mukha ko. Alam nila na malungkot ako dahil don.

3 weeks and 5 days passed.

Nagising ako, last day na namin sa Pampanga ngayon, tiningnan ko ang orasan at 8:30 na ng umaga. Kaya bumaba kaagad ako papuntang kusina para kumain, after kong kumain, dumiretso kaagad ako sa playground,at sinama ko naman si Ronnie dahil naboboring daw siya sa bahay, at hinintay ko na dumating ang aking bestfriend, and yes, bestfriend ko na siya. Dahil araw araw kaming naglalaro sa playground, lagi kaming naguusap, halos nga di kami mapaghiwalay e, kilala narin siya nila Kuya Luke at Ronnie at ni Mama, niyayaya ko kasi siya na pumunta dito sa amin , pero kahit anong tanggi niya napipilit ko parin ito.

PAANO NA KAYA [COMPLETED]Where stories live. Discover now