Chapter 7 : Break Up

876 36 2
                                    

*Elisse*

As the week goes by, lagi kaming nag-aaway ni Jon. I don't know why. Pero bakit parang may itinatago siya. Kaya dapat matanong ko na siya ka agad. Habang papunta ako sa may Court ng Campus, may nakabanggaan ako, pero parang pamilyar yung boses niya.

"I'm sorry." sabi ko.

"It's okay, hindi rin kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko." sagot niya na parang may galit.

"By the way, I am Elisse Joson." Inoffer ko nga ang kamay ko sa kanya.

"I am Maris Collins. Kapatid ako ni Zeus Collins and Nikko Collins." sabi niya at nakipag shakehands na siya.

"Sige, I need to go. Marami pa akong inaasikaso e." sabi niya.

"Sige. Nice meeting you Maris." I said.

Habang papalayo siya, naglakad na ako papuntang Court at napansin ko walang tao, I wonder where Jon is. Ano banaman yan. Lagi kanalang missing in action.

----------------------------------------

*JON POV*

Nandito ako ngayon sa bahay dahil may sakit ako. Pinakiusapan ko si McCoy na samahan niya muna si Elisse habang nagpapahinga ako.

"Bro, kailan mo balak sabihin kay Elisse yan?" tanong ni Zeus.

"Ewan bro, parang hindi ko kayang saktan nalang ng ganun ganon si Elisse, mahal ko siya bro, pero parang kinakalaban kami ng tadhana." sagot ko.

"Sabihin mo na habang maaga, dahil kapag yan lumala, lalo kalang mahihirapan." sabat ni Ronnie.

"Oo, pero kailangan kong gawin to para sa aming dalawa. I need to break up with her, for her sake." sabi ko na parang naiiyak na.

"Ang saklap man isipin, pero bakit sayo pa dapat mangyari yan?" tanong ni Tom na kanina pa tahimik.

"Ewan ko ba." sagot ko.

----------------------------------------------

*McCoy POV*

Nandito ako ngayon sa campus para hanapin yung Girlfriend ni Jon na si Elisse, kanina ko pa siya nakikita kanina pero bigla siyang nawala sa paningin ko. Habang naglalakad ako, biglang may kumalabit sa akin. Nabigla ako.

"McCoy." sabi niya.

"Elisse." sabi ko.

"Nakita mo ba si Jon?" tanong niya na parang maiiyak na.

"Hindi e. Pero bakit ka naiiyak?" tanong ko.

"Kasi hindi pa siya nagpaparamdam sa akin. Ilang araw na rin. Wala akong natatanggap na text o kahit tawag man lang galing sa kanya." sagot niya.

Ang sakit mang isipin para sa kanya, pero hindi ko maaaring sabihin ang pinagusapan. Ang pinagusapan ay pinagusapan, kaya linibang ko nalang muna siya hanggang sa dumating ang oras na nag aya na siyang umuwi.

"McCoy, salamat ha? Kasi kahit wala si Jon sa tabi ko, nandito ka para samahan ako. Thank You." sabi niya.

"Ahh, walang anuman, ikaw pa? Atsaka kaibigan naman niya ako kaya walang problema." sagot ko.

"Sige salamat, pasok na ako, ingat ka." sabi niya.

"Sige. Salamat sa time." sabi ko at saka umalis na ako.

Parang ang saya ng araw ko ngayon, pero paano yung kaibigan ko? McCoy, isip isip, hindi dapat malaman ni Jon to, baka mabugbog sarado ka sa kanya. Pagkauwi ko ng bahay, kaagad ako pumunta sa kwarto para matulog ng may ngiti sa mukha.

---------------------------------------
*JON POV*

Makakapasok na ako ngayon, at eto na ang pinakamasakit na desisyon na gagawin ko. Hihiwalayan ko ang taong pinakamamahal ko ng dahil sa sakit ko. Kahit ayoko man gawin, pero kailangan. Kaya tinext ko siya para mag usap.

To : Baby Elisse

Baby, kita tayo dun sa favorite spot right now
.

Pagkatapos non kaagad agad siyang nag reply

From: Baby Elisse

Sige Baby, papunta na ako.


Parang ito na yung last time na mag uusap kami, bakit kasi nagkaroon pa ako ng sakit. Ang sakit sakit para sa akin. Parang pinapatay na ako ng sakit ko. Parang kahit anong oras iiyak ako.

---------------------------------
*ELISSE POV*

Habang naglalakad ako, naramdaman kong nagvibrate ang phone ko. Parang may nag text.
Pagtingin ko sa phone, nakita ko na nagtext si Baby Jon.

From : Baby Jon

Baby, kita tayo dun sa favorite spot right now
.

May problema kaya to? Ang tagal niya ding hindi nagparamdam sa akin. Magagalit ba ako? Hayyss. Bahala na.

To : Baby Jon


Sige Baby, papunta na ako.

Pagdating na pagdating ko sa Favorite Spot namin, nakita ko siya, seryosong seryoso. Kaya kaagad akong umupo at kinausap siya.

"May problema?" tanong ko.

Hindi siya umiimik kaya tinanong ko ulit siya.

"Baby, may problema ba?" tanong ko ulit. Pero this time sinagot na niya ang tanong ko.

"Elisse, Hindi na Kita Mahal." sabi niya .

Parang nabingi ako sa sinabi niya, kaya kaagad akong napaiyak nang sinabi niya iyon. Bakit ganon? Parang ang dali dali lang sa kanya, dapat nga ako yung galit sa kanya dahil hindi siya nagpaparamdam.

"Bakit? Sabihin mo." sabi ko habang umiiyak na ako.

"Hindi na kita mahal." sabi niya.

"Hindi totoo yan." sabi ko.

"Hindi na kita mahal." sabi ulit niya at umalis na.

Ramdam na ramdam ko ang sakit. Sobra. Parang hindi ko na kaya. Kaya umuwi na muna ako at nag absent. Nag text na ako kay McCoy dahil kaklasi ko rin siya kaya sa kanya na ako nag pa alam.

Pagdating ko sa bahay, kaagad akong pumasok sa kwarto ko at kaagad na humiga sa higaan. Ang sakit sakit , sobra, at sobrang sakit, hindi ko namalayan na nakatulog na ako.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hi Guys, ngayon lang ako nakapag UD, Every 2 days ako mag uupdate, vote lang kayo para malaman ko kung may nagbabasa. Enjoy guys. Elisse moments na muna tayo.

Vote Vote Vote, Comment Comment Comment.




PAANO NA KAYA [COMPLETED]Where stories live. Discover now