Chapter 11 : McRis

795 22 3
                                    


*Maris POV*

It's been a year passed by and ang saya saya namin ngayon ng boyfriend ko, and yes, I already have a boyfriend. He is non other than Marc Carlos De Leon. Syempre, isang taon na ang nakakaraan. Wanna know the story of McCoy and me? Well here it is.

~~~~~Flashback~~~~~

I was only in the court and somebody tries to catch my attention and hindi ko pinansin, busy kasi ako sa paggawa ng report ko for the project. Hindi ko naman napansin na ang dami na palang tao na nakatingin sa akin, ewan ko ba kung ano ang nangyayari pero kinikilig sila. Ang weird, ano bang ginagawa nila? And may lumapit sa akin, ang mga pinaka sikat sa school, ang Hashtags, kasama rin nila yung mga ka group ko na Girlfriends. Hindi ko lang sila pinansin dahil sobrang busy ko. Pero napalingon na ako dahil kanina pa ako kinakalabit ng mga kasama ko. Napansin ko naman na nagbubulungan sila, pero kaagad kong napansin si McCoy, siya lang ang nawawala, kaya agad kong tinanong dahil nanliligaw na siya sa akin for 4 months. Matagal tagal rin bago ko siya sinagot, siyempre mag papaka hard to get muna ako no. Hindi naman porket crush ko noon, sasagutin ko kaagad. Kaya nagsalita si Kuya Zeus. By the way, alam na ni Kuya Zeus yung panliligaw sa akin ni McCoy.

"Maris, sama ka sa amin." sabi ni kuya. Kaya naman napataas ang kilay ko at tinanong ko sa kanya kung saan kami pupunta.

"Saan tayo pupunta?"

"Basta, sumama ka nalang, lagay mo ito." sagot niya sabay bigay ng blindfold na dala niya.

"Ayoko, masakit sa mata." reklamo ko.

"Huwag kana magreklamo, isuot mo nalang." utos niya, wala akong magawa kaya sinuot ko na ito at umalis na kami.

Habang umaandar yung sasakyan, naririnig ko sila na nagkukwentuhan, ang sasaya nila, ako naman tahimik parin dahil nga nakasuot sa akin yung blindfold. I feel so nervous what they are doing, pero mapagkakatiwalaan ko naman si kuya kaya sumunod na lang ako sa kanya. Nang maramdaman ko na hindi na umaandar yung sasakyan, bumaba na sila, at inalalayan naman ako ni kuya para hindi ako ma out of balance. Pagbaba ko, ang lamig ng simoy ng hangin, parang nasa park kami. Naramdaman ko na kumalas na sa pagkakahawak si kuya sa akin at saka siya umalis, kaya napasigaw ako, dahil natatakot ako na maiwan dito.

"KUYAAAAAAA!!!!" sigaw ko. Tatanggalin ko na sana ang blindfold ko ng biglang may humawak sa kamay ko.

"Huwag mo munang tatanggalin." sabi sa akin ni Kuya Nikko. Humawak ako sa kanya ng mahigpit at saka ako nagsalita ng parang naiiyak.

"Kuya, huwag mo akong iiwan." sabi ko na naluluha.

"Oo sige, hindi kita iiwan. Kaya pwede mo nang tanggalin ang blindfold mo." sabi niya sa akin.

Pagkatanggal ko sa blindfold, hindi ko na muna kaagad minulat ang aking mata dahil nanlalabo pa ito. Makalipas ang ilang segundo, minulat ko na kaagad ito. Ang ganda dito, simple lang siya pero naka decorate ng maayos. Ang ganda sobra, hindi ko na imagine may gagawa pala nito.Nagulat nalang ako dahil nasa harapan ko si McCoy na nakaluhod. May background music pa na tumutugtog. (Nyebe by Kaye Cal). Kaagad naman akong tumingin sa kanya, kaya kaagad siyang nagsalita.

"Maris, it's been 4 months simula ng ligawan kita, sana this time, mapagbigyan mo ako, alam mo naman na mahal kita." sabi niya na parang nahihiya pa siya.

"McCoy, mahal rin naman kita e." sabi ko na lumawak ang ngiti dahil sa sinabi niya.

"Maris, maaari naba kitang maging girlfriend?" tanong niya sa akin.

"Oo McCoy, simula ngayon boyfriend na kita." sagot ko.

"Maris, maraming salamat, sobrang saya ko ngayong araw na ito, ito na yata yung pinakamasayang araw sa buhay ko." sabi niya.

"Grabe naman, haha, I love you." sabi ko na kinikilig.

"I love you too." sabi niya pabalik at hinalikan niya ako sa pisngi. Sa pisngi na muna, reserve pa first kiss ko no.

~~~~~~~End of Flashback~~~~~~~


Siya ang kauna-unahang boyfriend ko, ang saya saya ko sobra, dahil ang crush ko dati? Ngayon boyfriend ko na, hindi ko naman ma imagin na ganito pala kasaya ang magkaboyfriend. Naglalakad ako ngayon papuntang court dahil nandun si Marc (tawag ko sa kanya dahil sobrang tanyag ng name niya na McCoy) at nagpapractice sila ngayon. Pero pagdating ko sa court ay nandoon lahat ng Hashtags at napatigil sila sa paglalaro dahil merong pumasok na babae, at pagkakita ko sa kanya, nagulat ako, aba si Elisse. Oo si Elisse, kelan pa siya ulit pumasok? Ngayon ko lang kasi siya nakita simula nung ma coma siya at dahil nagka amnesia siya, one year siyang hindi nagparamdam, pero balita kasi namin na nagpa home study siya kaya kaklasi pa rin niya si Marc ngayon. Pero sa tingin ko hindi na makikilala ni Elisse si Marc dahil nga nagka amnesia. I just need to trust him.
Kaya hindi ko nalang pinansin yun at tumungo nalang ako sa akin room dahil mag ooras na, kaya hindi na ako nanood ng praktis nila. Nang tinignan ko ang akin wrist watch nakita ko ang oras ay 1:13. Kaya tumakbo kaagad ako, pero pagpasok ko sa room, nandun na yung prof namin. Kaya pinagalitan niya ako.


"Ms. Collins, why are you late?" he asked.

"Uhmm, sir may dinaanan lang po ako." palusot kong sagot.

"Ms. Collins, this is the last time na malalate ka sa class ko dahil kapag nalate kapa next time, you will be reported in the Office." he said.

"Okay sir, sorry po." sagot ko.

"Take a seat." he commanded.

xxFastForwardxx

Pagkatapos ng class, umuwi na muna ako, dahil napagod ako, atsaka it's already 5:25 in the afternoon. Kaya umakyat na ako ng kwarto ko para mag ayos dahil after ng ilang minuto ay kakain na kami. Paglabas ko, wala pa sina kuya kaya nauna na akong kumain sa kanila, hindi ko na sila hinintay dahil baka busy pa sila. Pagkatapos kong kumain, umakyat na ako sa kwarto ko. Nagpahinga na ako at humiga sa kama. Hindi ko na inisip yung kanina kaya kaagad akong nakatulog. Hindi na rin muna ako nag text kay Marc dahil pagod na ako.

------------------------------------------

Hi guys sorry for the short update, bawi nalang next time. Vote and  Comment guys for your thoughts.



PAANO NA KAYA [COMPLETED]Where stories live. Discover now