Chapter 6 : Elisse

1K 30 2
                                    

*Elisse POV*

        Oh, Hi Everyone, I am Elisse Joson. 20 years old and a 2nd Year Student in the Holy Angel University and taking a course of Civil Engineering. And true, kaklasi ko si Marc Carlos De Leon, the well known group Hashtags. Pero may boyfriend ako right now, and he is also a member of Hashtags, He is Jon Lucas, hindi kayo makapaniwala no? Well ganito kasi yon.

~~~FLASHBACK~~~

 "Elisse." rinig kong sabi ni Jon.

"Yes?" tanong ko na may konting kaba dahil hindi ko alam ang nangyayari.

"Tara, sama ka sa akin." sabi ni Jon.

Linagyan niya ako ng BlindFold at sumakay na kami sa sasakyan niya.

"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko habang nakablindfold parin ako.

"Secret, walang clue." sabi niya.

Kaya tumigil na ako sa pagtatanong sa kanya.Nang maramdaman ko na hindi na umaandar ang sasakyan ay nagsalita siya.

"Nandito na tayo." sabi niya.

"Tatanggalin ko na ba?" tanong ko.

"Huwag muna, ako na bahala sayo." sagot niya.

"Saan na ba tayo?" tanong ko ulit.

Habang naglalakad kami, bigla na siyang nawala sa tabi ko.

"Pwedi mo nang tanggalin." sabi niya.

Pagkatanggal ko sa blindfold ay malabo labo pa ang aking paningin kaya pinikit ko muna ito, nang maliwanag na, nakita ko na nasa Park kami. Ang ganda, at naka decorate pa, hindi ako makapaniwala. Pero bigla na siyang nagsalita.

"Elisse, alam ko na matagal na tayong magkakilala, sana naman, mapagbigyan mo ako. Mahal na mahal kita, Pwede ba kita maging Girlfriend?" tanong niya sa akin.

"Paano kung bumalik yung EX mo?" tanong niya.

"Hindi na importante ang nakaraan, ang importante ang ngayon.Elisse, ang EX hindi na binabalikan." sagot niya.

"Sabagay." sabi ko.

"So, pwede ba kitang maging Girlfriend?" tanong ulit niya.

At wala na akong mailulusot pa kaya agad na akong nagsalita.

"Oo, Jon, mahal rin kita." sagot ko.

Nandito pala ang mga ka tropa niyang hashtags, hindi ko namalayan. Para kasing tumigil ang mundo sa aming dalawa. Nag slow motion ang lahat, pero parang hindi ako naniniwala dun. Kaya ka agad siyang tumayo at hinug niya ako ng sobrang higpit.

"Thank You Elisse. I love you." sambit niya.

"I love you too." sabi ko at hinalikan niya ako sa noo.
 
"Uyy, may team real na tayo dito." sabi ni Nikko.

Parang nakita ko naman si McCoy na namumula at hindi nakatingin dito. I wonder why. Pero pumapalakpak naman sila dahil nga sinagot ko na si Jon.

"Elisse, kapag sinaktan ka netong si Jon sabihin mo lang sa amin, bugbog sarado ito." sabi ni Ronnie, kaya napatawa naman kaming lahat.

"Ang brutal mo naman Ronnie, pero sige, kapag nasaktan ako. Haha" sambit ko.

"Tara na?" tanong ni Jon sa akin, kaya pumayag na ako at umalis.

~~~End Of FlashBack~~~


Nandito ako ngayon sa room ng IV-Nitrogen. Nagtuturo kasi ako ngayon ng Science kasi nga busy ang mga teachers in their seminars. Kaya kami ang nagtuturo.Nakita ko si Jon na nasa labas at hinihintay matapos ang klase ko, dahil maglulunch pa kami. It's already 11:10 pero hanggang 11:30 pa ang class ko kaya naghihintay pa siya ng 20 minutes sa labas. Meron naman akong narinig sa mga students na nagsabi.


"Aww, taken na si Ma'am." pabirong sabi ng studyante kong lalaki.


"And more, kay Hashtag Jon pa, ang swerte naman niya." sabi ng studyante kong babae.


"Kayo talaga, mga palabiro." sabi ko.


Naglunch break na nga at umalis na kami ni Jon sa room at kumain sa Cafeteria, kaming dalawa lang kasi nag ttraining pa ang mga kasama niya.


"Bakit hindi ka magttraining?" tanong ko.


"Gusto ko kasing makasama ang Girlfriend ko e." sagot niya.


"Ayy, ang sweet naman ng boyfriend ko." sabi ko.

After naming mag lunch, dahil tapos na ang klase ko, umuwi na kami, ang saya saya ko ngayong araw, at napaisip naman ako dahil malapit na nga pala ang monthsary namin, I need to prepare something for him. I wonder what would it be.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Hi Guys, sorry, ngayon lang ako nakapag update, and sorry kung matatagalan ako ng konti sa pag UD, kasi nasa ospital yung lola ko ngayon. Anyways, Vote Vote Vote and Comment Comment Comment, I just want to know kung may nagbabasa ba talaga o wala.

 

Very very very thanks to all the readers and  Special thanks rin to my BFF na dahil sa Cover of the Story, Thanks MsRaconteur



PAANO NA KAYA [COMPLETED]Where stories live. Discover now