Chapter 26: The Son of the Devil (Ang Anak ng Diablo)

Magsimula sa umpisa
                                    

Napakaraming miyembro ng media at press ang nag-aabang sa labas ng Senate of the Philippines. Hindi nila alintana ang malakas na buhos ng niyebe. Mas aligaga pa sila sa nangyayaring gulo sa bansa. Ang mga sundalo ay nakakalat sa paligid at nag-uusap-usap gamit ang kanilang mga communicator. May mga heli ship na lumilipad sa himpapawid at gumagamit ng malalakas na ilaw upang makita ang kanilang paligid. May mga tangke din na gumagamit na ng gulong imbis na hover technology upang makaresponde sa mga lugar na maaaring atakihin ng rebeldeng grupo.

Isang puting hover limousine naman ang pumara sa harap at agad na lumabas ang presidente mula sa pinto. Pinalibutan siya ng mga sundalo ngunit agad din siyang napalibutan ng miyembro ng media.

"Mister president...ano na po ba ang balak niyo sa sitwasyong 'to?"

"Totoo po bang gagamit na ulit ang militar ng prototype para hulihin sila? Paano na po ang mga bid?"

"Sir...isang tanong lang po..."

"Sasagutin ko ang lahat ng 'yan sa loob. Pasensiya na," ang tanging nasambit ng presidente. Kinabig ng ilang mga sundalo ang mga miyembro ng media. Ang iba ay tinulak at mayroon ding mga nasaktan.

"Teka?! Ayusin niyo naman!"

"Media kami! Hindi niyo puwedeng gawin sa amin 'to!" sigaw ng ilan sa kanila. Agad namang tinutukan ng mga sundalo ang ilang sumubok na lumapit.

"Pasensiya na...protocol lang. Sumusunod lang kami. Ngayon kung ayaw niyong masaktan, lumayo kayo," paalala na lamang ng isang sundalo. Tinaas naman ni President Nico Rivera ang kanyang kamay. Senyales na itigil ang nangyayaring gulo. Dahan-dahan namang ibinaba ng mga sundalo ang kanilang mga baril. Ang mga miyembro naman ng press ay natahimik na lamang.

"Papasok na siya..." bulong ng isang lalaki na nakasuot ng makapal na hood. Narinig naman siya ng isang babaeng reporter na napatingin sa kanya. Yumuko na lamang ang lalaking iyon at tumalikod.

"Sige. Ihanda niyo na," sagot naman ng isa pang lalaki na kunwari ay nag-aayos ng kanyang sapatos. Nakaharap siya sa mga sundalo at ilang mga reporter at pagkatapos ay naglakad palayo.

"Wala pa tayong contact kay Albert. Hindi natin alam kung ito ang gusto niyang mangyari..." sagot ng isang lalaki na nakasuot ng isang uniporme ng maintenance sa loob ng senado. Dala niya ang isang hover trolley na naglalaman ng isang vacuum, ilang mga panlinis at kahon. Yumuko siya at tinakpan ang kanyang mukha gamit ang sombrero na parte ng kanyang uniporme nang dumaan ang security group.

"Hindi niya ito gugustuhing mangyari. Pero mas hindi niya gugustuhing mapahamak ang mga tao sa ilalim. Kailangan natin 'tong gawin," sagot ng isang nakaunipormeng sundalo. Nagpanggap siya na isa sa mga sundalo sa paligid upang makalapit. Kumaway pa ang isang sundalo ng militar sa kanya. Para hindi na lamang makahalata ay kumaway din siya.

Pumasok sa loob ng elevating platform ang lalaking nagpapanggap na maintenance. Nakasabay niya pa ang ilang mga tao at sundalo sa loob. Nagreklamo naman ang iba at tila nandiri sa kanya. Ngumiti na lamang ang lalaking iyon. Nang makarating sa 4th floor ay dahan-dahan niyang pinagulong ang kanyang trolley. Ang sundalo naman sa kanyang likuran ay sumunod. Nang sumara ang elevating platform at iniabot sa kanyang likod ang isang silencer. Agad ding lumayo ang sundalong iyon at nagbantay sa paligid. Sumisipol pa ang lalaki na nagpapanggap na maintenance habang naglalakad at sumisingit mula sa kumpulan ng mga tao sa hallway.

"Nakarating ka na ba?" tanong ng lalaki na nakapwest sa labas ng senado. Nakatingin lamang siya sa mga tagamedia at ilang press na nagkakagulo sa pagpasok sa loob.

"Konti pa..." sagot ng kanyang kausap sa kabilang linya. Binuksan na lamang niya ang kanyang hologram tablet. Nilinis pa niya ang tila letter-L na stick na iyon dahil sa mga piraso ng niyebe na kumakapit. Ipinakita nito ang isang mapa at ang kulay pulang tuldok kung saan naroon ang lalaking nagpapanggap na maintenance.

Project: Black Out (Philippines: Year 2300 Prequel) #Wattys2016 #TrailblazersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon