Chapter 59: *clash*

Magsimula sa umpisa
                                    

Nakita ko si Warren na nakatingin lang sa may bintana nung dahan dahan siyang lumingon sa direksyon namin. Parang inaaninag niya kung sino ang dumating. Dumeretso si Maxene at bumeso kay Warren.

"May bisita ka. Si Elise"

Tumingin sa akin si Warren. Walang expression yung mukha niya. Parang lahat ng tapang ko eh nawala. Nasa tapat ko na siya.

"Lalabas muna ako." Paalis na si Maxene nung hinila siya ni Warren at sinabihan ng "Ingat ka".

Halatang nagulat si Maxene sa ginawa ni Warren.

Kailangan ko bang makita to? Minsan naiisip ko hindi na lakas ng loob ang meron ako kundi katangahan. Hindi ako bulag pero nagbubulag bulagan ako.

Mahal nila ang isat isa.

Bakit hindi ba tumatatak yun sa isip ko?

Napatingin ako sa panyong hawak ko at napahinga ng malalim. Alam kong may mali. At panghahawakan ko yun hanggang sa malaman ko ang totoo. Lumabas na si Maxene at si Warren naman at lumapit sa may bintana.

Bakit parang pilay siya kung maglakad?

"Nakakagulat at nandito ka ngayon" malumanay niyang sabi.

"Anong nangyari sayo? Bakit parang napilayan ka?"

"Wala to. Bakit ka nandito?"

"May kailangan akong itanong sayo" I must go directly to the point.

Lumingon siya sa akin "Kung yung sa project natin yun dont worry. Nagpasa na ako." He gave me a faint smile.

Ganito ba siya magpacasual? Parang nanghihina ang tuhod ko. Bakit ang hirap malaman ng katotohanan?

Tinignan ko si Warren. Dati sigurado ako na handa ko siyang ipaglaban pero sa totoo lang sa mga bagay na ginagawa niya papalayo sa akin eh nababawasan na ang kagustuhan ko. 

Kung ano ang isang hakbang na lapit ko sa kanya eh yun naman ang dalawang hakbang na papalayo niya sa akin.

Wala na naman ako kahihitnan pagkatapos nito diba? Magmukha na akong tanga o desperada, basta ang alam ko sinubukan kong pigilan mawala ang taong mahal ko.

Gaano man kaliit ngayon ng pride ko para sa ibang tao wala akong paki. Lulunukin ko yun kung kinakailangan. Sasabihin ng iba wala na akong pagmamahal sa sarili ko. Pwes mali sila. Masyado kong mahal ang sarili ko para hayaang mawala ang taong naging dahilan ng kasiyahan ko. Katotohanan lang naman ang gusto kong malaman.

Lumapit ako kay Warren.

"Wala akong paki dun" sabay pakita ng panyo na kanina ko pa hawak hawak. "Sabihin mo sayo ba ito? Naaalala mo na ba ako? Tayo?" tinignan ko siya ng may lungkot sa aking mata at boses "Warren, please"

Nakatingin lang si Warren sa may panyo tapos sa akin at biglang ngumiti.

"Ano yan?"

Parang binagsakan ako ng langit at lupa nung narinig ko yun. Humawak ako sa braso niya.

"Panyo ko to with blood stains na natuyo na. Tell me. Sayo ba to? Nung naaksidente ka dala dala mo ba to? Ikaw yung nasa elevator diba? Yung lalaking humalik sa akin?"

"Mahalaga pa bang malaman mo? Wala narin namang mangyayari diba? Pinapahirapan mo lang sarili mo."

"Warren please, alam ko sayo to nanggaling. Naaalala mo na ako diba? Sabihin mo. Bumalik na ang someday ko diba?" hinawakan ko yung pisngi niya.

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon