-Fourteen-

5.1K 191 36
                                    






Everything happens for a reason.



-Her POV-


"I'm sorry Ate." Narinig kong sabi nya. Agad naman nya akong tinulungang tumayo.


"Okay lang." Sabi ko habang abala ako sa pag-pagpag ng alikabok sa pants at braso ko.


"Hala Ate, you're bleeding." She said, making me look at my left elbow. Kaya pala mahapdi. "Kasalanan mo! Bakit mo kasi ako itinulak?" Narinig kong sabi nya sa isa pang dalagita na kasama nya.


"Hala, eh sino kayang lampa? Nadamay tuloy si Ate." Sagot naman ng isa.


"Okay lang. Malayo pa yan sa bituka." I said, reassuring them that I'm fine.


"I'm sorry talaga Ate. Pano yan?" Aniya. Narinig ko kasing tinatawag na sila ng mommy nya.


"Okay lang ako. Ingat kayo." Nakangiting sabi ko. Agad naman din sila ngumiti pabalik.


"Hindi ka pa ba uuwe Ate? Bakit mag-isa ka po?" Nababakas sa tono nya ang pag-aalala.


"Uuwi na rin ako girls." Sabi ko.


"Sure ka Ate? Pwede ka namin isabay. Sasabihin lang namin kila Tita." Offer nya. Gusto kong i-accept kaso nahihiya naman ako. Tsaka, feeling ko, kung hahanapin nila ako, babalik sila dito.


"I'm okay bebe. Thank you sa offer. Ingat kayo." Nakangiti kong sagot. Nakangiti din sila umalis kahit na mejo nag-aalangan parin na iwan ako mag-isa dito. Minabuti ko na rin maglakad palayo sa restaurant dahil maghahanap ako ng matatambayan malapit dito. Mukhang magsasarado na kasi ito.


Tiningnan ko ang wrist watch ko at nakita kong pass 10 na. Muli kong tiningnan ang sugat ko at nakita kong dumudugo parin ito. Wala man lang akong panyo. Tss!


Gusto kong magalit sa sarili ko dahil naiwan ko ang sling bag ko sa van. Wala tuloy akong cellphone at pera. Kaya naman masakit na ang ulo at tyan ko dahil kanina pa ko hindi kumakain. Naisip ko naman makitext kaso hindi ko nagawa dahil wala akong memorize na cell number. Tss. Saklap diba?


May nakita akong waiting shed ilang metro mula sa restaurant. Napagpasyahan kong umupo muna dito dahil wala din naman akong mapupuntahan. Mukhang wala na din naman ibang establishment na bukas sa ganitong oras.


Nagbuntong hininga ako at nagpasyang tingnan ang langit. Pagkakita ko palang ng mga bituin, agad nitong napagaan ang loob ko. Kahit na hindi ko sigurado kung may naghahanap ba sakin.


Lumipas pa ang ilang minuto at tuluyan ng tumahimik ang paligid. Wala na ring tao o sasakyan ang makikita dito. Magkakalayo ang street lights kaya mejo madilim.


"Fudge." I mumbled as I stood up to see the surroundings. Niyakap ko ang sarili ko at agad na umupo pabalik.








'I'm scared.'


I decided to close my eyes and try to calm myself down.


Bumilis muli ang tibok ng puso ko nang marinig kong may tumatakbo papunta sa area ko.


"Omg. Save me." I whispered, still with my eyes shut.





"Aye..." a familiar voice called. Agad kong binuksan ang mga mata ko at nakita ko syang nakatayo, ilang hakbang mula sakin. Taas-baba ang mga balikat nya, hinahabol pa ang hininga.


Yours, Always [HBM3] {FIN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon