-Seven-

6.9K 237 66
                                    


"Best! Bilisan mo pwede?" I heard Keish said. Katatapos ko lang maligo at kalalabas ko lang ng CR namin.


Sobrang naiinis ako kasi kahit anong pilit ko, hindi ako makatulog. Halos ala-una na kame nakauwe galing sa homecoming at simula nang dumating kame mula dun, hindi na matahimik ang utak ko. Geez. Nakakabaliw to!


"Una ka na kaya?" Naiiling na sabi ko na agad namang nagpasimangot sa kanya.


"Hell No Best! What are you saying? No boyfriend day natin to, Duh?" She said while she's busy combing her hair.


Natawa ako sa sinabi nya. "Dahil nga ba sa No boyfriend day o dahil mamimili tayo ng mga damit para sa Siargao trip?" pang-aasar ko.


Halos mapasigaw ako sa pagtapon nya ng brush saken. Bute na lang naka-ilag ako. "In fairness Best, mabilis ang reflexes mo ngayon."


Pikon talaga tong babaeng to.


"Bakit ka ba nagmamadali Best? We have all the day." I said as I sat beside her. "Teka, San ba tayo ngayon?"


"All the day ka jan, tanghali na po. Ang init kaya sa labas." Pag-iinarte nya. Kinuha nya ang towel sa ulo ko na ikinagulat ko. "Bilisan mo na jan Best! Bakit ba parang ang baba ng energy mo? Parang di ka natulog te! Dali na!"


Kaloka to! Edi sya na ang maraming energy!


"San ba kasi tayo?" I said as I watch her hang my towel.

"Stop watching me. Mag-ayos ka na jan. We're going to Aura." She said making me knot my forehead.


Did she say AURA?


"As in SM Aura?" I asked.


"Yep. SM Aura. Sale kasi today Best. Until 70% off." She giggled.

Ano daw?


"Seryoso? Akala ko ba ayaw mo dun?" Naiiling na sabi ko.


"Ano ka ba Best? Sale kaya! Magaganda clothes dun diba? Tsaka, malapit tayo. Tinatamad akong magcommute sa malayo." She said, pouting.

Parang the last time she said she don't want to buy there kasi pricey ang clothes?


"Diba mahal paren?" Kunot-noo kong sabi na agad namang nagpatawa sa kanya.


"Pwede ba Best? Maghahanap tayo ng pasok sa budget naten syempre. Tsaka, Kakasweldo lang naten ah. Come on! Minsan lang to." She said, doing her pretty eyes. TSS! Here comes her pagpapa-cute act.


"Kung ayaw mo magbyahe, magpahatid na lang tayo kay Jasper." I suggested pero tinawanan nya lang ulit ako.


Tingnan nyo to, tuwang-tuwa saken. Tss!


"Busy si Jay ngayon Best. If you like, kay Kurt na lang tayo magpahatid." Nang-aasar na sabi nya. I fought the urge of rolling my eyes on her. She's trying to exasperate me.


"Kurt's busy as well." Agad syang natawa sa sinabi ko. Alam na alam naman nya na ayokong inaabala si Kurt. Tss. Talino! She knows she'll win this.


"See? Wala tayong choice. Magtataxi na lang tayo." She said, smiling widely.

Ugh!


"Be ready in 5 minutes. Mag-grab-a-taxi tayo." Aniya. Agad naman nyang kinuha ang phone nya at nagpunta sa living room.


Aura? Sa SM AURA talaga? To talagang babaeng to oh. Tss!





Yours, Always [HBM3] {FIN}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon