Chapter Fifteen Part Two

Start from the beginning
                                    

"Mico!" nagulat na hiyaw ko. Napatingin siya sa ibang pasahero.

"Shhh Niki. You don't want them giving us an eyeful, okay?"

Natutop ko ang bibig.

"Pero makikita ng katapat nating pasahero." nahihiya kong turan.

Lumipat ang tingin niya sa dalawang matanda na himbing na himbing at hindi man lang naramdaman ang pag-uga.

"Looks like they're not going to be a problem."

Namula ako. Simula nuong maging fiance niya ako, ewan ko ba at parang nilukob ng kakaibang espirito itong si Mico. Walang oras na hindi niya hinahawakan ang kahit isang parte ng katawan ko. Nung una, hiyang-hiya pa ang face ko pero noong nagtagal, halos hinahanap-hanap ko na rin. Pero ewan ko ba kung bakit hindi pa rin mawala ang hiya ko kapag ganitong mga pangyayari.

Hinihipo-hipo niya ngayon ang balat ko sa braso sabay halik sa nakalabas kong balikat. Napaigtad ako sa gulat.

Isang maliit na tawa ang iginawad niya sa akin dahilan para panlakihan ko siya ng mata.

The chuckle changed into a full-fledged smile. Kumikinang ang mga mata na puno ng kalokohan.

"Why do you always flinch?" saad niya pero hindi pa rin natatanggal ang ngiti sa labi. Nararamdaman ko kasi iyon sa balat ko. Hindi niya naman kasi tinanggal ang bibig niya sa balikat ko.

"H-ha? H-hindi n-naman ah."

"You do."

"Hindi!"

Hinawi niya ang buhok ko sa batok at dumantay ang mainit niyang labi doon.

Umigtad ulit ako.

"See?"

Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang naramdaman kong nagsitayuan ang mga balahibo ko sa kamay.

"Bakit mo kasi ginagawa yan, di ka naman ganyan dati."

Hindi makapaniwalang tinitigan niya ako.

"Nagpipigil lang ako dati Niki. But I don't have the same restrictions now."
Tinapunan ko siya ng masamang tingin. Pero ngumiti lang siya at ibinalik ang bibig sa balikat ko.

"Damn, I can't wait."

"H-ha?"

"For our wedding night." he breathed near my ear.

I shivered inspite of the warmth. Kahit mainit ang katawan niya, hindi ko napigilan ang panginginig ng kalamnan ko.

"Are you cold?" tanong niya nang maramdaman ang panginginig ko.

"Hindi naman."

Pero hindi niya ako pinakinggan. Hinubad niya ang hoodie niya at idinamit iyon sa akin.

Para akong nilukob ng pagkatao ni Mico. Ramdam ko ang init ng hoodie na galing palang sa kanya habang ang amoy niya naman ang bumalot sa aking buong sistema.

Palihim na sininghot ko ang mabango niyang amoy.

Naramdaman kong itinulak niya ang ulo ko para humilig sa dibdib niya na masaya naman akong nagpaubaya.

Nasa ganung ayos kami ng biglang magsalita ulit yung speaker na okay na at lagpas na kami sa turbulence. Meron na lang daw kaming 10 minutes bago makarating sa patutunguhan namin. Ni hindi ko na napansin kung kelan natapos yung pag-uga. Tumingin ako sa labas ng bintana at nakita ko ang green na green na tanawin ng isla. Maliit lang ito at napapalubutan ng dagat. Naramdaman ko ang paglukso ng damdamin dahil sa saya.

Ito na yun.

Tumingin ako sa mukha ni Mico na nakatingin din sa labas.

"Are you afraid?" tanong niya ng hindi tumitingin.

"Medyo lang."

Kumunot ang noo niya tapos kinuha ang kamay ko at pinagsalikop iyon.

"Niki don't be afraid. Wherever this brings us, we can do this together."

Kahit papano ay naramdaman kong lumuwag ang paghinga ko. Oo nga, we are in this together. Siyempre hindi magiging madali pero kakayanin namin dahil andito naman kami para sa isa't isa.

Ngumiti ako sa kanya at hinintay ang pag-land ng eroplano sa lupa.

Huminga ako ng malalim at sabay kaming lumabas ng eroplano.

*****

----a/n: nakakatuwa yung lambingan!! Ako rin Mico, pretty please? 😜😘

Vote for me babies! Love you all.
👇👇

Montereal Bastards 1: To Tame A Jerk (COMPLETED)  ✔ #WATTYS2017Where stories live. Discover now