Three

1K 51 53
                                    


***

Dumating ang tamang araw.

Nakakaloka lang kasi bago ako pumasok ng school ay meron pa kong nakabanggaan.

Yhep! Nabangga mismo sa balikat ko. Bulag ata ang impakta!

Inirapan ko nalang siya. Ayokong makipagtalo sa bulag na cheerleader na 'to dahil ayokong mahaggard ang beauty ko. Ayos na ayos ako e.

Ayokong masira niya ang umaga ko.

I was able to walk when she grabbed my hair.

"Put*ngina!" Bulong ko habang nakahawak sa aking buhok na hila-hila niya.

Anong problema ng gagong 'to?!

Humarap ako sa kanya nang bitawan niya na ang buhok ko.

Sinampal niya ko bigla.

Napaawang ang bibig ko sa ginawa niya.

"Wala kang kwenta." Dinig kong sabi niya.

Nilingon ko siya. Gusto niya ng away? Bibigyan ko siya ng gera!

Sayang ang barbie face mo, Alayssa. Gagawin kong barbecue face 'yan! Babalatan kita ng buhay.

It's my turn now.

Sinampal ko siya tapos sinampal ko ulit siya.

Nakita kong nagulat yung dalawa niya pang kasama sa cheerleading.

"Happy?" Tanong ko saka ko siya ulit sinampal ng dalawang magkasunod.

Kitang-kita ko na ang pamumula ng maputi niyang mukha. Ginusto niya 'yan e. Mabait lang ako at pinagbigyan ko siya.

"Minsan, tignan mo kung sino yung kinakalaban mo para makapagprepare ka man lang!" Saka ko siya sinikmuraan.

Kinuyog naman ako nung dalawa niyang kasamang mukhang toothbrush.

Commotion! How I love attention. Alam kong pinagtitinginan na nila kami!

Masaya 'to! Hihi!

Sinasabunutan lang ako nung dalawa samantalang naaninag ko na inaayos ni Alayssa ang sarili niya galing sa pagkakasikmura ko sa kanya.

Syempre nasasaktan din ako sa sabunot nung dalawa kaya mabilis kong hinawakan yung blouse nung isang hampas lupang sumasabunot sakin saka ko sinira.

Ano? Ano ka ngayon!

Nahinto sila sa pagsabunot sakin.

Inayos ko ang buhok ko saka ko sila binigyan ng nakakademonyong ngiti.

Pasigaw na tumakbo yung dalawa.

See? Mga walang kwentang kaibigan! Kawawa naman si Alayssa.
Mag-isa sasabak sa gera.

Pinapalibutan na kami ng mga estudyante. Saya saya! Especially ang mga boys.

Nagche-cheer pa nga ang ilan.

"Wala kang kwenta! Wala ka man lang ginagawa para sa kanya! Dapat lang talaga 'tong ginagawa niya sayo kasi wala kang kwentang tao!" Saka niya ko sinugod.

Sinong tinutukoy niya?

Halos mapanit ang anit ko dahil sa sabunot niya. Masakit! Nasasaktan ako.

Kaya sinakal ko siya.

Pinagkakalmot niya naman ang mukha ko at malamang pa sa malamang ay puro na sugat ang maganda kong mukha. Pambihira!

Pinalpal ko ang malaki niyang suso kaya napahinto siya. Magkabreast cancer ka sanang bruha ka!

Sinipa niya naman ako kaya napaatras ako ng bahagya. Hanep na 'yan! Masakit ang isang 'yon ah!

Napahinto ako ng pandalian saka ko napayakap sa sikmura ko.

Hindi ko namalayang nakalapit na siya sa akin at tinadtad ako ng sabunot at batok.

Niyakap ko ang mga binti niya at lakas loob ko siyang tinaob!

Infairness! Magaling pala ang isang 'to.

Nakahiga na siya sa sahig kaya sinakyan ko siya.

Tatadtarin ko na sana siya ng sampal at sapak ng biglang may umeksena.

Guess who?

Si Justin!

Tinulak niya ko at mabilis niyang iniayos si Alayssa na ngayon ay kasalukuyan ng nakakulong sa mga bisig niya.

Nakatingin siya sakin. Yung tipong gusto na niya kong patayin.

Then he said something before they left.

A set of words that puts so much pain on my bitch heart.

"Bakit hindi ka nalang mawala sa paningin ko?!"

Then a bunch of tears jumped out of my eyes.

***

Park jiyeon as Alayssa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Park jiyeon as Alayssa

Kija

The Bad Girl's storyWhere stories live. Discover now