Chapter Twenty Five

Începe de la început
                                    

"Chi, gusto kitang yakapin. Sana katabi kita ngayon. Miss na miss na kita."
Para akong batang umiiyak dito. Kumukurot na ang dibdib ko sa sakit na nararamdaman.

"Ang dami kong pagkakamali, chi. Ang t*nga kasi talaga ng friend mo eh. Kinakabahan ako ngayon, sobra. Siguro kung buhay ka pa, malamang binatukan mo na ako ng pagkalakas-lakas."
Napatawa nalang ako.

"Namimiss ko mga sermon mo sakin, Medy. Ang mga pang-aasar at compliments mo sakin. Namimiss kong gumala ng mall na kasama ka. Ngayong payat na ako at magkasing-pareho na tayo ng katawan, hindi mo man lang ako nasamahang mag shopping. Ang saya sigurong mamili ng mga damit na kasama ka..." Biglang humangin ulit sa labas at nakaramdam ako ng malamig sa leeg. I felt goosebumps dahil ako lang rin mag-isa dito..

"Ch-Chi, wag mo naman akong takutin. Ikaw naman, hahahaha! Ikaw ha!"

Napatitig ako sa pictures niyang nakasabit sa pader. Ang ganda niya talaga. Ano kayang naging hitsura niya noh ngayong college na kami. Mas lalo siyang gumanda, panigurado.

"Mag gagabi na chi, uuwi na ako. Sana dumalaw ka sa panaginip ko... I love you, I miss you." Hinalikan ko ang kamay ko at idinampi ito sa kanyang lapida. 

***

"Nga pala," natawa ako.
"Nagkita kami ni Russel kahapon sa park tapos nag-usap saglit."

"Ha?!"
Ang OA talaga ni Joyce.

"Nagkita kami ni---"

"Narinig ko, narinig ko! Pero--- Ha?!" Napakunot ang noo ko sa naging reaction niya. "Gumala akong mag-isa at dumaan sa park eh. Muntik ba naman ulit akong tamaan ng bola nila tapos ayon, kinausap niya 'ko. Pero sandali lang talaga yun."

Nakatingin lang sila sakin.
"OMG. Third wheel na 'yan!" 
Sinapok ko nga siya. "Aray naman!"
"G*ga. Third wheel kaagad?" -Joyce

"Paano kaya 'no kung kayo ni Russel ang magkatuluyan sa huli?"
Tumawa si Chaldea.
"Nako, wag te. Wag lang talaga."
Ewan ko dito sa mga kaibigan ko.

Pinuntahan nila ako sa school ngayong lunch time dahil nag-aalala daw sila pareho sakin. Malapit lang naman kasi ang Med School nila dito sa campus.
"So..." Hinihintay nila ang update ko.

"Wala parin talaga..."
Nag hysterical na naman si Joyce.
"Oh, God. Sana talaga wala lang 'yan... Let's wait until next week, ha? Tsaka sabi mong may PT sa baya ni Trystan?"
Tanong ni Cha. "Oo, kay Tita."
"Alam mo, maswerte ka parin kay Trystan kasi he's willing to do everything for you. Unlike sa ibang lalaking mga walang b*yag!" Sabi pa ni Joyce.

Biglang umingay ang paligid kaya napapalingon kami sa mga nagsisitakbuhan.

"May artista ata," sumilip kami sa likod kung saan naririnig namin ang mga tili ng mga babae at--

Nakita ko si kuya na kasama si kuya Shun.

"OMG." Kinikilig na naman si Joyce.

Lumapit sila sa table namin at tumabi.
May dalang bento si kuya Shun!
"Kore wa atashi no tamedesu ka-- (Para sakin ba 'yan)
"Hai, hai! Isoide tabete. Dozo!"
(Oo, bilisan mo at kumain ka na. Dali)
"Uwa~! Arigato, Sachi!"
"Ore wa Michan no tame ni sore o tsukurimashita." (Ginawa ko 'yan para sayo) Nakangiting sabi niya sakin.
Binuksan ko ang bento at ang cute ng pagkaka arrange ni kuya Shun sa mga pagkain. Ginawan niya pa ng mukha ang kanin na may mga gulay.

"Sugoi~ Ureshi! Domo, Sachi!"
(Ang ganda. Ang saya ko! Salamat!)
"Yokata. Hora, hora!" (Buti naman. Heto).
Tinulungan niya naman akong maghanda.

Naalala kong may mga kasama nga pala ako at nakita sila Joyce at Cha na parang kinikilig samin.

"Kumuha rin kayo, o. Bilis, masarap 'to!"
Tuwang-tuwa akong tikman lahat dahil sa sobrang sarap. "Hmmm! Hontoni oishi~ na!" (Ang sarap talaga!)

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin!: SEQUEL (Under Revision)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum