“Yan ba ang unang utos para sakin mula kay Princess Mara?” Hindi ko alam kung anong klaseng tanong yun at nakangiti pa sya.

“Teka nga, di ka ba nagtataka bakit biglang ganito?” Ako ang napaisip.

“Hindi.” Simpleng sagot lang nya.

“Alam mong prinsesa ko?” Parang ang yabang ng tanong ko pero wala akong pakialam, curious na ko bakit nga ba parang wala lang kay Michael ang nangyayari ngayon.

“Simula pa nung una kitang Makita dito.” Nakangiting sabi nito. Napakunot noo naman ako.

“Anong ibig mong sabihin?” I gave him a suspicious look. Pansin ko din na nakangiti si Arabella at Butler Gereon.

“Nagprisinta syang bantayan ka dahil baka daw po kung anu-ano nanaman ang pumasok sa isip nyo. Naniniwala po sya na hindi kayo magtatagal dito at babalik kayo sa Germany.” Paliwanag ni Arabella.

Napatingin ako kay Michael na may tinatanggal sa mukha nya. Kinusot nya angmga mata nya at narealize ko he’s wearing contact lens pala. Dark brown eyes sya pero pagtanggal nya ng lens light brown na. Then may tinatanggal syang parang paste na clay or something sa gilid na pisngi nya at sa ilong…then some eyebrow strands.

“Sir..” Inabutan sya ni Arabella ng wet tissue at mabilis nyang kinuskos sa mukha nya. Inayus din nya yung  buhok nya dati kala mo dinilaan nang aso at pantay napantay ang pagkakasuklay.

“Pababayaan ko bang mag-isa ang little sister ko dito?” Humarap sya sakin at ngumiti.

Napahawak ako sa bibig ko at mejo napaatras pa ko. I’m shocked.

“Ohhmaiiiigawdddd! ALBIE?!” Tumaas taas pa ang kilay nya habang nasisingkit na yung mata nyang nakangiti sakin.

~~~

“Wala si DJ sa bahay nila, ayoko namang iwan sa iba yang sulat mo.” Nalungkot ako nang iabot sakin ni Albie ang sulat na dapat ay para kay DJ.

Hindi ko na kasi sya kayang harapin…at ayoko din…dahil baka galit pa sya sakin…or baka ako ang galit sa kanya? Hindi ko na alam pero nakalagay lang dito na aalis na ko at hindi na nya ko makikita…at least yung Julia  na nakilala nya…dahil pagtungtong ko sa private jet mamaya hindi na ako si Julia na mahirap at naging P.A. nang isang sikat na artista…mag-iiba nanaman ang mundo ko. At mag-iiba na din ang pagkatao ko.

“hayaan mo na nga, some things are just not meant to happen.” Sabi ko pa. Binigyan ko ng huling sulyap ang bahay namin bago ko sumakay ng kotse. Empty. Parang ako… I feel so empty kahit na kung tutuusin napupunta ulit sakin lahat na yata ng bagay na pinapangarap ng kahit sino sa mundo.

“Pinauna po namin ang mga gamit nyo para pagdating sa castle ayos na sya sa kwarto nyo.” Sabi ni Arabella.

“Mamimiss ko rin itong Pilipinas.” Nagddrama pang sabi ni Albie sabay tingin sakin.

“Don’t start.” Banta ko naman sa kanya. Alam kong pinaparinggan nya ko. Kulang na lang sabihin nya saken baka may mamimiss ako sa Pilipinas!

“Uyyy galit sya talaga.” Pang-iinis pa nito.

Sa sobrang traffic 1 hour bago kami nakarating sa airport. I was wearing my sunglasses kahit makulimlim naman, then a white & pink baseball cap. Nagcurl din ako ng buhok para magbago yung dating at aura ko. White & pink rubber shoes, black shorts at white top lang ang pinili ko para comfortable.

“Mukha kang celebrity.” Pinagtatawanan pa ko ni Albie. Ibinaba ko ang shades ko para Makita nya yung mata ko na nakatingin na sa kanya ng masama.

“Hinde, biro lang yun. Magbasa ka na nga lang!” Inabot nya yung isang magazine na malapit sakanya. Hinihintay namin yung private jet. SiI Butler Gereon nagagalit na sa pilot dahil hindi daw dapat pinaghihintay ang isang prinsesa.

Pasaway Ka! (JulNiel FanFic) [Completed]Where stories live. Discover now