CR - 2

182 9 1
                                    

Ilida: Here goes nothing! Chapter 2 na po.! Suportahan po ninyo ito! Please~ I encouraged who reads this to comment, please~ tell me your suggestion kung paano ito mai-improve!

             Alam mo bang interesante ang nakikita ko sa hinaharap mo?

      Puno ng luha… dumadanak na dugo… kamatayan… sakit… pag-ibig…

“Ano?! Hindi mo makukuha ang scholarship?!”

Nagulat ako sa outburst na iyon ni Kristy.

“Uy! Umupo ka nga!” Hinila ko siya upang muling umupo. Karamihan sa mga tao sa canteen ay sa amin nakatingin. “Nakakahiya ka!”

TInitigan lang niya ako at mahigpit na hawak ang tinidor sa kanyang kaliwang kamay. Nagpupuyos ito sa galit na nanahimik na lang matapos tumingin sa paligid at makitang totoo ang sinasabi  ko. Napasinghap ako ng pabiglang tinusok niya ng tinidor ang kinakaing spaghetti. Kumuha siya ng isang roll ng spaghetti noodles at maingay na inilagay iyon sa bibig habang kunot pa rin ang noo.

“But still, it’s unfair! Ikaw ang nanalo sa contest, bakit sa second-runner up iyon ibibigay?”

“Kasi nga, hindi ko naman daw iyon kailangan-”

“Porke hindi ka, poor, ganon na lang? Ano ngayong kung maykaya ang pamilya mo? Sa tatay at nanay mo naman ang mga iyon, hindi sa iyo!”

“Naisip ko rin iyan. Pero kawawa naman si Melissa… Besides, sa akin naman nila ibinigay iyong cash price na dinagdagan pa ng sponsor ng contest para pakonswelo…”

“Hindi mo ba ako naiintindihan?!” Sabi ni Kristy na ayaw pakawalan ang issue. Sa inis yata niya ay itinapon niya ang tinidor at kumalansing iyon sa semento. “Hindi ba, plano mong maging independent sa college? Ilang buwan na lang, graduation na natin. Alam mo ba kung gaano kamahal ang tuition sa college?!”

“Well, mukhang kailangan ko nang abandunahin ang pangarap kong makapag-aral sa UP… wala na akong pag-asa! I doubt it kung makakapasa rin ako sa scholarship exams nila…”

“Kung sa iyo lang sana naibigay iyong first prize sa painting contest…”

“Mukhang sa Arbol College na lang ako babagsak…” Malungkot na sabi ko. “Ano ba kasi ang pumasok sa isip ko? Isa pa, kahit naman makapasa pa ako, hindi pa rin ako magus-survive sa UP kasi hindi na iyon sa Mindanao… tiyak mas mahal ang living expenses sa Luzon.”

“Paano iyan?” Naramdaman ko na lang na niyakap niya ako. “Bakit ba kasi gusto mong maging independent? Bakit di ka na lang humingin ng tulong sa Mama mo? Kay Kuya Locket?”

“Ayoko.”

Pinalo niya ako sa balikat. “Pangarap mo ang nakasalalay diyan. Bakit ang taas pa rin ng pride mo?”

Hindi na lang kao sumagot. Nahihirapan kasi akong ipaliwanag ang dahilan. Kahit ako ay hindi iyon maintindihan. Ni hindi ako sigurado doon. Ang alam ko lang, nagsimula iyon nang makipagmatigasan ako kay Mama. Hindi na niya ako pinapalo o ponapagalitan. Mas malala pa ang nangyari. Silent treatment ang ginawa niya sa akin. Gulung-gulo na ako. Gusto ko siyang tanungin kung bakit ganoon ang trato niya sa akin pero dahil sa isang maliit na boses na bumubulong sa akin na huwag iyong gawin, iniiwasan ko narin siya. Lumaki pang lalo ang distansya namin. Ngayon ay halos isang taon na kaming hindi nag-uusap. Normal ba ito?

Kaya ipinasya kong umalis. Kapag nasa bahay kasi ako at alam kong nandiyan lang si Mama ay din a ako mapakali. Di ako makahinga at makapag-concentrate. Para akong mababaliw. Kahit naong tanggi ko kasi sa sarili ko ay nasa loob ko pa rin na sana maramdaman ko na gusto niya ako. Anak niya ako. Ilang beses ko na iyong binalak pero dahil kay Papa at Kuya Locket ay di ko iyon ginagawa. Ngayon lang. Mas lalo pang lumakas ang loob ko nang malaman ko kung ano ang premyo sa contest- college scholarship (with allowance and free lodging)!

Clandestine RomanceWhere stories live. Discover now