RAINBOW 31

1.3K 74 10
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:


Araw iyon ng Miyerkules, eksaktong alas-onse ng umaga, nakatambay ako noon sa 7eleven malapit sa unibersidad, malakas pa din ang ulan noon at nakapasok na ako nang ianunsiyo na kanselado ang klase para sa araw na iyon dahil na din sa malakas na ulan, kaya naman kaysa masayang ang pinasok ko ay nagpasya muna ako na mag-stay sa convenience store na iyon, nag-text na din ako noon kila Francis at sa iba ko pang kaibigan para sabihan ang tungkol sa kanselasyon ng klase para hindi na din sila magsayang ng pagod at pamasahe sa pagpasok.


Nakaupo ako noon sa loob ng convenience store na iyon habang tahimik na nakamasid sa labas na patuloy na dinidilig ng malakas na ulan at habang pinakikinggan ang kantang "Angels Cry" ni Mariah Carey na kasama pa si Ne-Yo, ang awiting iyon ay halos parang isinakto sa akin, at sa aking sitwasyon, nakakadalawang lata na din ako noon ng iced coffee na naiinom, nang mga sandaling iyon para bang ayoko umalis sa 7eleven dahil habang nagtatagal ako doon ay unti-unti kong naiisip ang gabing magkasama kami ni Arwin sa 7eleven na malapit sa lugar namin, ang gabing iyon na biglang bumuhos ang malakas na ulan na para bang sinadya ng langit para magkalapit kaming dalawa.


"True love is a gift, we let it slipped in a storm..." ang aking halos pabulong na pagsabay sa kanta na hindi ko din natuloy dahil sa naramdaman ko na umagos ang aking luha, napatakip na lamang ako ng aking mukha para lamang takpan ang aking pagluha hanggang sa matapos ang tugtog.


Nang mahimasmasan ako ay inayos ko ang aking sarili at nagpasya na umalis na ako at umuwi, isinukbit ko ang aking bag at tahimik na tinahak ang palabas ng convenience store, pero sa aking pagtapat sa glass door ng convenience store na iyon ay bumilis ang tibok ng aking puso, tumigil ang aking mundo at oras, tila nawala ang tugtog na aking naririnig, at tanging mukha ng taong aking iniisip noon ang aking nakikita na nakatayo at nakatitig din sa akin na tulad ko ay para bang kapareho ko ng nararamdaman nang mga sandaling iyon, si Arwin, ang taong kahit kailan ay hindi ko magagawang kalimutan, ang taong habang buhay kong panghihinayangan at iiyakan.


Pinagmasdan ko siya habang sinasara niya ang payong na dala niya, habang ang mata niya ay nanatiling nakapako sa akin, at nang maisara na niya ang kanyang payong ay nagsimula na siyang humakbang palapit pa sa pinto at nang makita koi yon ay napahakbang naman ako paatras, at mas bumilis ang pagtibok ng aking puso nang hawakan na niya ang pinakahawakan ng pinto ng convenience store na iyon at itulak papasok upang buksan, at muli akong napahakbang paatras, ang mga mata niya na nangungusap na tila ba sinasabing huwag ko siyang layuan sa pagkakataong iyon ay nanatiling nakatingin sa akin, pero sa halip na tumugon ng positibo sa mga tingin niyang iyon ay isa pang hakbang paatras ang aking ginawa upang ipakita at sabihin sa kanya na huwag siyang lalapit sa akin.


"Oh ikaw pala. Hi!" ang bungad na sabi ni Arwin na halatang pinipilit na magmukhang ayos lamang siya, ako naman ay lumingon sa kaliwa, kanan, at likod ko, at tumingin ulit ako sa kanya.


"Oh ako pala kausap mo, sorry ha, kilala ba kita? Excuse me ha nagmamadali ako." ang aking sarkastikong sagot upang ikubli ang aking nararamdaman na panghihina habang kaharap ko siya, upang ikubli sa kanya na siya ang iniisip ko noong mga sandaling iyon.


Huminga ako ng pagkalalimlalim at mabilis na iniwas sa kanya ang aking tingin at halos patakbo kong sinugod ang pinto at itinulak ito palabas, pero bago pa man din ako makalabas ng convenience store na iyon ay naramdaman ko na ang kamay niya na humawak sa banda kung nasaan ang aking pulso upang pigilan ako, kaya naman napatayo na lamang ako sa pagitan ng labas at loob ng 7eleven habang nanatiling hawak niya pa din ako sa bandang pulso ko at habang magkatalikuran kami, mahigpit ang hawak niya sa akin ngunit may pag-iingat ito na hindi ako masaktan.

Rain.Boys VWhere stories live. Discover now