RAINBOW 15

1.3K 70 3
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:


Nang makarating na kami sa unibersidad na aming pinapasukan ay mabilis akong bumaba ng jeep na kung saan nakasabay din namin na sumakay sila Arwin at Charlie, oo nga't inaasahan ko na rin na maaari kong makasabay sa biyahe si Arwin pero hindi ko inaasahan na pati pala si Charlie ay makakasabay ko, bahagya nang nasira ang umaga ko noon pero hindi koi yon pinahalata kila Icko dahil ayoko na mag-alala pa sila sa akin, ayoko na din na magdrama pa baka manomina na kasi ako sa FAMAS, MMFF, Canés Festival, at iba pang prestihiyosong award giving bodies sa pagdadrama.


"Luke sandali lang hintayin mo naman kami." Ang pasigaw na sabi ni Justine at doon ko lang napagtanto na masiyado na pala akong nauuna sa paglalakad at di ko na napansin na naiwan ko na pala sila, kaya naman huminto ako at nilingon ko sila at di ko naiwasang magsalubong ang aking mga kilay at mapanguso nang makita ko na kasunod na din nila sila Arwin at Charlie.


Patakbo naman na nagpatiuna kila Justine si Icko na siyang nauna ding makalapit sa akin, "pasensiya na kung masiyado akong nauna." Ang sabi ko agad nang makalapit sa akin si Icko.


"Ayos lang, ano hahatid ka na ba namin sa klase mo?" ang tanong ni Icko sa akin.


"Ay naku hindi, dumiretso na kayo sa mga klase niyo, masiyado niyo naman ako bini-baby baka masanay na ko niyan, huwag kayo mag-alala sa akin ayos lang ako, kung iniisip niyo na apektado pa ako kila Arwin at Charlie na di ko nga alam kung bakit nandito din siya, ay naku huwag na kayo mag-alala dahil naka-move on na talaga ako." ang buong diin ko pang sabi habang ang tingin ko ay kila Arwin at Charlie na kaunti na lang ay malapit na sila sa amin.


"Oo nga 'yan nga ang hindi apektado, ganyang-ganyan talaga ang naka-move on eh, halata nga insan nan aka-move on ka na." ang sabi ni Justine na nakakaloko ang tono niya nang sabihin niya iyon at mas halatang inaasar niya pa ako nang ngumiti siya ng nakakaloko din.


"Oooh mukhang may isang fresh face akong nakikita sa pagtitipon-tipon ng mga naggagandahang nilalang ditey." Ang malakas na sabi ng isang pamilyar na boses na agad naming tinignan, at agad na bumungad sa amin ang KFC sisters na kasama din sila Chini, Sarah, at Eunice, at ang nagsalita naman na pumukaw sa aming atensiyon ay si Francis na naghuhumiyaw ang asul na asul na contact lenses.


"Kayo pala guys, oh Icko wala ka na dapat pang pag-alala dahil may kasama na at kasabay na akong pumasok sa klase." Ang sabi ko nang makalapit na sa amin ang KFC sisters.


"Ay ang KJ lang friend, hindi mo man lang ba kami ipapakilala sa new friendship mo?" ang sabi ni Francis na para bang wala pa din pinagbago sa pagiging maharot kahit na taken na siya, pero alam naman naming lahat na biro lamang iyon at tanging si Arvin lamang ang tinitibok ng puso ng isa sa mga dyosa naming kaibigan.


"Biro lang kayo talaga, guys meet Icko, kilala na siya nila Justine kasi pareho lang kami ng lugar na tinitirhan, bukod don transferee Engineering student siya." Ang sabi ko naman bilang pagpapakilala kay Icko, at buong galak naman na nakipagkamay si Icko kila Francis at kinilala ang mga ito.


"So kung ganoon Icko ano ba ang klase mo ngayon? Baka kasi magkaklase tayo." Ang sabi ni Eunice bilang tanong kay Icko, at halatang nag-isip si Icko sa kung ano nga ba ang klase niya.

Rain.Boys VWhere stories live. Discover now