RAINBOW 26

1.2K 71 3
                                    

LUKE'S POINT OF VIEW:


Patuloy lang ako noon sa aking pagtakbo habang umiiyak, para akong isang bata na gustong gusto na takasan ang mga kalaro niya, pero the fact na umiiyak ako habang tumatakbo ay the fact na nasasaktan ako na iwanan silang lahat, lalo akong nasaktan ng maisip ko na sa kabila ng pagnanais ko na ipaglaban ang nararamdaman ko para kay Arwin ay sa bandang huli matatalo din pala ako ni Charlie, na sa bandang huli ako mismo ang siyang susuko, wala akong magagawa kundi ang sumuko kahit masakit, wala na tapos na ang lahat.


Sa aking paglayo sa lugar na iyon ay di ko inaasahan na mababangga ko si Icko, dahil sa pareho naming hindi inaasahan na mababangga namin ang isa't isa ay pareho din kaming napaupo sa daan, masiyado akong nanghihina para makatayo agad, halos nanginginig ang aking mga tuhod at mga kalamnan sa tindi ng sakit at lungkot na nararamdaman ko, naramdaman ko na lamang na inaalalayan ako ni Icko na tumayo na tinulungan din ni Eloisa.


"Luke, ayos ka lang ba? Ibig kong sabihin ay may masakit ba sa'yo?" ang tanong sa akin ni Icko habang inaaalalayan ako nitong tumayo. "Teka bakit umiiyak ka? May nangyari ba? May ginawa bang hindi maganda sa'yo si Arwin?" ang pag-uusisa ni Icko nang makita niya ang pag-iyak ko, pinunasan ko ang mga luha ko pero nakakainis lang na sa bawat pagpuna ko ay muli din namang papatak ang mga ito, hindi ko mapigilan ang pagpatak nila, masiyadong masakit, masiyadong malungkot ang nangyari.


"Wa-wa-wala 'to 'wag kang mag-alala, ayos lang ako." ang sabi ko na nakayuko na lamang at hindi na magawang tumingin kay Icko at Eloisa na mga sandaling iyon ay alam kong nasa akin lamang ang atensiyon.


"You're not okay, alam ko 'yon, sabihin moa no ba ang nangyari?" ang mahinahon na tanong sa akin ni Icko, pero hindi ako tumugon, nanatili lamang akong tahimik at tanging paghikbi lamang ang aking ginawa, hanggang sa naramdaman ko na niyakap na lamang ako ni Icko kahit na basa ako at hinagod niya ang likod ko para kalamayin ang pakiramdam ko.


"Tahan na Luke, tahan na." ang mahinahon na sabi sa akin ni Icko habang patuloy pa rin siya sa paghagod sa likod ko, ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang dibdib at patuloy ako sa pag-iyak at paghikbi.


"Mabuti pa Icko, ihatid na natin siya sa kanila, alam mo naman siguro ang bahay niya di ba?" ang nadinig kong sabi ni Eloisa. Kumalas ako sa pagkakayakp sa akin ni Icko, at muli kong sinubukan na punasan ang luha ko.


"Hindi, no need na ihatid niyo pa ako, salamat Icko sa pag-aalala, ayos lang talaga ako, salamat sa pag-comfort." Ang sabi ko at nang magawa kong kontrolin ang luha ko ay huminga ako ng malalim at pagkatapos ay pilit na ngumiti ako sa kanila. "Paano alis na ako ha, pasensiya na nakita niyo pa akong ganito." Ang sabi ko at maglalakad na ako noon para sana umuwi na ng mag-isa pero hinawakan ni Icko ang kamay ko para pigilan ako, dahilan para mapatingin ako sa kanya, nakita ko ang seryosong ekspresyon ng mukha ni Icko, ekspresyon na noong mga sandali lamang na iyon ko nakita.


"I insist, ihahatid ka na namin, iyon na lang ang magagawa ko para sa'yo sa ngayon, kaya hayaan mo na kaming ihatid ka ni Eloisa." Ang sabi ni Icko bilang pagpupumilit.


"Sige na Luke pumayag ka na, susundan ka pa din naman namin kung di ka papaya eh." Ang dagdag na sabi ni Eloisa, at napatango na lamang ako sa kanila bilang pagpayag, at pagkatapos noon ay binitiwan na ni Icko ang kamay ko at nagpatiuna na akong naglakad.

Rain.Boys VWhere stories live. Discover now