RAINBOW 05

1.2K 74 2
                                    

ARWIN'S POINT OF VIEW:


Maaga akong gumising at gumayak, nakapagpaalam na din ako kay mommy tungkol sa paglabas namin ni Luke, kahit ako ay nagtaka kung bakit ang aga na magyaya ng gala nitong si Luke pero kahit na gaano pa kaaga o ka-late siya magyaya ay sigurado naman akong sasamahan at sasamahan ko siya, madali lang din kasi maligaw 'yon kaya di pwedeng pabayaang mag-isa na gumagala, tapos kung sino-sino pa ang kinakausap kahit di naman kilala, kaya naman matapos akong makapag-almusal ay agad na akong nagpaalam kay mommy para umalis, ayon sa text ni Luke sa akin ay magkikita na lamang kami sa mall kung saan kami nagpunta kaya naman di ko na siya kailangang sunduin pa, nakalabas na ako sa gate namin noon at di pa man din ako nakakalayo sa bahay namin ay narinig ko na may tumawag sa pangalan ko, at nang lingunin ko ang direksiyon kung saan nagmula ang boses ng tumawag sa akin ay nabigla ako nang makita ko si Charlie na bihis na bihis pa, at nakangiti ito sa akin habang papalapit ito sa akin.


"Charlie? A-a-anong ginagawa mo rito?" ang tanong ko agad sa kanya nang makalapit na siya sa akin.


"Hindi ba niyaya kitang gumala ngayon?" ang patanong na sabi ni Charlie bilang tugon sa akin.


"Pero Charlie, di ba sabi ko sa'yo sa text ko kabi na may lakad ako, kami ni Drip, kaya next time na lang Charlie pasensiya na ha." Ang sabi ko naman bilang paghingi ng pasensiya kay Cgarlie, at napansin ko ang pagkawala ng ngiti sa kanyang mga labi.


"Mukhang napakahalaga talaga ni Luke sa'yo Arwin, mukhang nabura na niya talaga nang tuluyan ang lugar ko sa buhay mo, now I am just a normal friend for you, no, much better to say that now I am just a stranger for you." Ang sabi ni Charlie at nang mga sandaling iyon ay nabakas ko sa kanya ang labis na kalungkutan, na para bang hinahanap niya sa akin kung ano nga ba ang lugar niya sa buhay ko.


"Ano ba 'yang sinasabi mo Charlie, best friend pa din kita, walang nabago, kahit na sa kabila nang pagkawala mo ay hindi kita kinalimutan." Ang sabi ko naman bilang tugon sa kanya at umaasa na hindi na maging madrama ang tagpo naming iyon bilang matalik na magkaibigan.


"Best friend? Hindi nakalimutan? Oh come on Win. Kung best friend nga talaga ang turing mo sa akin magpahanggang ngayon, then why you are treating me so cold? Bakit para bang hindi mo na ako nakikita kahit na kasama mo ako? Why it should be all about Luke all the time? Kung di mo ako nakalimutan, bakit ni minsan hindi mo man lang ako naikwento kay Luke? Why Win? Why?" ang sabi ni Charlie na nag-uumpisa nang mangilid ang luha sa mga mata niya habang nakatitig siya sa akin.


"Charlie, ano ba 'yang sinasabi mo, bakit ka ba nagkakaganyan, ano bang nangyayari sa'yo?" ang sabi ko naman na naguguluhan na sa inaasal na iyon ni Charlie, para bang sa tagal na nitong nawala ay may mga bagay na tungkol sa kanya ang hindi ko na alam.


"Win, sagutin mo ako, kung bakit ka nagbago sa akin, hindi ba pwedeng kahit sandali lang ay ako naman muna ang isipin mo? Win bakit mo ako kinalimutan?" ang sabi ni Charlie na tuluyan nang naging emosyonal.


"Gusto mo malaman kung bakit puro si Luke ang laman ng isip ko at bukang bibig ko? Dahil si Luke hindi niya ako nagawang iwanan noong panahon na kailangang kailangan ko ng karamay, ng kasama, ng masasandalan, pero bukod don isa pang dahilan ay mahal ko si Luke, mahal ko siya ng higit pa sa sarili ko, ng higit pa sa pagmamahal na mabibigay ko sa'yo bilang best friend mo." Ang prangkang sabi ko bilang sagot, "gusto mo din malaman kung bakit kita nakalimutan? Sa totoo lang hindi naman kita nakalimutan Charlie, pero nang iniwan mo ko nang wala man lang paalam o kahit paramdam sa sulat o e-mail ay naisip ko na kinalimutan mo na din ako kaya naman pinilit kitang alisin sa sistema ng buhay ko, pero kahit na nagtampo ako sa'yo ikaw pa din ang best friend ko at wala nang papalit pa sa posiyon mong iyon sa buhay ko." Ang dagdag kong sabi at nakita ko ang mas nalungkot na reaksiyon nito sa aking mga sinabi ko.

Rain.Boys VWhere stories live. Discover now