Tumakbo ako habang palinga-linga, nagbabakasakali na makita ang bulto ng pasaway na aso. Medyo sumasakit na ang tagiliran ko pero nagpursige parin ako. Baka kung saan na kasi magpunta yun at pagalitan pa ako ni Mico pagdating.

Habol ang hiningang lumabas ako mula sa gubat at bumulaga sa akin ang isang paraiso. Napamulagat lang ako at halos mapako sa kinatatayuan dahil sa ganda ng lugar. Puting-puti ang buhanginan niyon na sa sobrang pino ay dumudulas sa kamay ko. Mula sa malayo ay may iilang isla akong nakikita. Kulay asul ang dagat  at sobrang linis ng dalampasigan. Parang alagang-alaga ang parte na ito ng dagat. Sobrang ganda! 

Sa sobrang ganda ay nakalimutan ko si Cookie. Agad-agad kong tinanggal ang strap-in sandals ko at nagtampisaw. Kahit ngayon para na akong baliw na first time makakita ng dagat, hindi ko talaga mapigilan ang tawa na kumawala sa bibig ko. Ikot ako ng ikot sa tubig habang nakadipa ang mga kamay patungong langit.

Para akong nakawala.

Ang saya-saya ko.

Mula sa malayo ay naririnig ko ang kahol ng aso at boses ng lalaki. Si Mico?

Agad-agad akong pumihit, nakapagkit ang ngiti sa mukha at nagsimulang tumakbo papunta sa kanila.

Napatigil ako ng tumingin sa akin yung lalaki. Unti-unting naglaho ang mga ngiti ko sa labi. Hindi naman ito si Mico e, pero sobrang pamilyar ng mukha niya. Parang nakita ko na siya dati. 

Hindi pa siya gaanong katandaan. Mga nasa limampu hanggang animnapu ang edad niya. Kahit ganun ay may tikas pa rin ang katawan nito na halatang alaga sa gym. Nakakunot ang noo nito at mukhang nakakatakot tingnan. Kinabahan ako bigla.

Naramdaman kong lumapit sa akin si Cookie at kahit anong amoy niya sa pwet ko, hindi ko na napansin. Nakatunghay lang ako sa lalaki, pilit na inaalala kung saan ko siya nakita at kung bakit ganito ang pakiramdam ko gayong wala naman akong maalala sa kanya.

"Hi." bati niya saken. Malalim ang boses niya dahilan para magsitayuan ang balahibo ko sa batok.

"H-hello p-po." nauutal kong saad.

"Ikaw ba ang sinasabi ni Manang Trina na babaeng isinama dito ni Mexico?"

Napaawang ang bibig ko. Hindi kaya.. Pero hindi sila magkamukha. Hindi ko namalayan na nakatunganga lang ako sa kanya. Ni hindi ko narinig na may itinanong siya sa akin.

"Oh, where's my manners? I'm Pyre Montereal by the way, Mexico's dad." saad niya saka inabot ang kamay niya.

Pinilit kong kumawala sa kung ano mang nakagabos sa isip ko at inabot din ang kamay ko.

"N-niki." saad ko.

"Ah. Bakit andito ka?"

"Nagpapahangin lang po, medyo nakakabagot na kasi sa Villa."

"Ah." yun lang ang sinabi niya bago muling ibinalik ang tingin sa dagat. 

Ginamit kong muli ang pagkakataon para pag-aralan ang mukha niya. 

Saan? Saan? Saan?

Paulit-ulit na tanong ng isip ko. Saan ko nakita ang mukhang ito?

"Maganda dito no?"

Napasinghap ako sa gulat ng bigla siyang magsalita.

"O-opo. Pasensiya, pwede pong magtanong?"

Tumingin siya sa mga mata ko. Parang naiimagine ko ang mga mata niyang umiilaw ng kakaiba. Yung tipong manghihipnotismo. Naiyapos ko ang dalawa kong braso sa katawan ko.

"Ano yun?"

"Nagkita na po ba tayo? Parang ang pamilyar po kasi ng mukha niyo."

Nakita kong nagulat siya sa tanong ko. Ipinilig niya ang mukha na parang iniiwasan ang tanong.

Nagtatakang tumitig ako sa kanya. Parang may mali. May sinasabi ang isip ko pero hindi ko makuha-kuha. 

"Parang nagdidilim, uulan yata. Tara bumalik ba tayo."

Tinawag niya si Cookie saka nagsimulang bumalik sa mansiyon. Habang papaalis siya, hindi ko mapigilang magduda. Kakaiba kasi ang kinikilos niya.

Bumaba ang tingin ko sa mga kamay niya, nakakuyom iyon na parang pinipigilan niya lang na manakit.

Napapitlag ako sa kinatatayuan ko nang bigla siyang tumingin sa akin.

"Hindi ka pa ba sasama?"

"Ah, sasama na po."

Nagmamadali akong tumakbo papunta sa kanila. Saka sama-sama kaming bumalik sa Villa.

"Meron nga pala akong ipapakilala sayo." saad niya nang malapit na kami.

Napatingin ako sa kanya, nagtatanong ang mga mata.

"Hmm?"

"You will like her for sure." saad niya na nakatawa. Hindi ko alam pero parang kakaiba ang dating saken ng tawa niya. Parang puno ng malisya. Naalala ko yung aso na nakangiti.

Hindi normal.

"Sino po?"

"Si Nigella. Fiance ng anak kong si Mexico."

***

---a/n: konting kembot na lang, maaalala mo na baby Niki. Isipin mong mabuti kung sino ang lalaking yan! 

Vote please guys. And make me your friend by commenting.

Montereal Bastards 1: To Tame A Jerk (COMPLETED)  ✔ #WATTYS2017Where stories live. Discover now