"Wala po." maiksi ngunit diretsong sagot nito.

Pinisil pisil ko ang aking daliri habang nakatitig pa rin sa screen ng tv. Eclaire is too strong to hold an interview right after the scandal. And smiling infront of camera while answering these questions is undoubtedly hard.

"Going back to what happened sa inyong reunion, you were there with Kei Hendricks and Chloris Buenafuerte on that said event. Ano ang totoong nangyari sa reunion na ito?"

Matama akong nakatingin sa tv nang lumabas si Kei sa kanyang kwarto, all dressed up with his black polo and a light grey suit on the top of it. Sa labis nitong dating ay saglit akong nalingat sa pinapanood at hindi na nasundan pa ang sinabi ni Eclaire.

"You're watching her interview?" baritono nyang tanong nang mapansin ang nakabukas na tv. Tumango ako, still looking at him. "Can you fix my tie, Chloris?"

Huminga muna ako ng malalim bago lumakad palapit sa kanya. He handed me a black necktie. Ipinaikot ko iyon sa collar ng kanyang polo at tinali sa higpit na gusto nya. I can smell his perfume with a mixture of freshness from the bath.

It was like a cold breeze air in a Christmas Eve when I smell his mint breath on my face. Napalayo ako ng kaunti ngunit mabilis nyang hinapit ang baywang ko para pigilan ako sa pagtatangkang lumayo sa kanya.

"I will introduce you to my family tonight, Chloris. Huwag na natin itong patagalin pa. If they're doubtful of Eclaire's interview then I could atleast give them the satisfaction to see how much I love you. Simulan natin sa pamilya ko."

Napabitaw ako sa kakaayos ko lang na necktie. "H-huh?! Are you... Serious?" nakagat ko ng mariin ang aking labi.

Ngayong gabi na talaga nya ako ipapakilala sa pamilya nya?! He can't be serious, right? Nangangapa pa ako sa sitwasyon at ganito agad ang ibubungad nya sa akin? At hindi pa nya iyon sinabi kahapon para man lang kahit papaano ay nakapaghanda ako!

"I'm madly serious." nakita kong lumunok sya. Damn that Adam's apple! It was such a big distraction. Nakalimutan ko tuloy ang sasabihin ko sa kanya. "By the way, you look stunning tonight."

He gave me a peck on my cheeks. Agad nag-alab sa init ang pareho kong pisngi nang bitawan nya ang baywang ko.

Nabalik lang muli ako sa wisyo ng marinig ang pangalan ko sa tv. "Nagkaroon kami ng panayam kay Chloris Buenafuerte sa telepono. Let's hear it." hayag ng host at pumaskil sa screen ang linyang napag-usapan namin kaninang hapon.

"...I don't have the intention to ruin any relationship and if Kei's with Eclaire then I won't be a hinder to them. But that's not the story. They're not together. I'm inlove with Kei and so is he. People should know the truth and this is never a lie..."

Pinutol na roon ang nirecord nilang boses ko sa telepono. Marami pa kaming pinag-usapan kanina habang nagtatanong sila sa akin over the phone but I think they just cut the most important part of the story.

"Let's go, Chloris." aya sa akin ni Kei. I turned the tv off then went to his arms. Mabilis nyang ipinaikot sa aking likuran ang kanyang kamay at sabay na kaming lumabas sa kanyang condo para tunguin ang nasabing okasyon.

"Another building was constructed because of you, Engineer. At isa na namang kompanya ang nadagdag sa mga koleksyon ng pamilya nyo." ani ng matandang pinangalanan ni Kei bilang si Mr. Asuncion.

Isa itong opening para sa itinayong bagong kompanya ng kanilang pamilya and of course, Kei is one of their Engineers. Malaki nga namang tagumpay iyon na kailangan nilang ipagdiwang. My eyes purposely stared at the big H written on the red curtains while covering a small stage.

Killing Him [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora