The place is kinda big. Maraming bilog na mga lamesa ang balot ng puti at asul na tela. May bulaklak na malaki sa gitna at may mga nakapaikot nang mga plato roon.

"Gumanda ata ang iba sa atin, ah." bulong sa akin ni Maxine.

Almost all faces were familiar to me. Sa isang table kami naupo bandang likod. Agad napatingin sa amin ang lahat nang dumako kami roon. They asked me so many questions about my business, kaunting picture at mga kwentuhan tungkol sa lovelife.

When they asked me ay agad akong natameme. "You're together?" itinuro ng isang ka-table si Kei at ako.

Nagkatinginan kami ni Kei.

"Yes." walang buhay nyang sagot dito.

Sa ilalim ng lamesa ay hinagilap nya ang kamay ko. He softly trace something from my palm without looking at it. Nakaramdam ako ng kakaibang kiliti at agad hinuli ang kanyang daliri. You, sneaky!

"Eh diba, you're engaged with Eclaire? Break na kayo?" napatigil ako sa aking ginagawa.

Yumuko ako at hindi malaman kung saan titingin. I knew it, the whole nation were deceived by their act.

"We're still friends." aniya.

Muling gumalaw ang kanyang kamay at hinawakan ng mabuti ang akin. Nanlamig ata ang mga kamay ko dahil sa tanong na iyon. Nalingat lang ako saglit ng may kumalabit sa aking kung sino.

"Chloris..." tawag sa akin ng dating Salutatorian.

He was the one who planned this reunion. Kung hindi siguro dahil sa kanya ay hindi ako makakauwi rito sa Pilipinas.

"Oh, Hi!" bati ko. I kissed his cheeks. Nakita kong biglang umakbay sa akin si Kei. Hindi ko iyon pinansin at nginitian pa rin ang kaharap.

"Pwede ka bang magbigay ng speech mamaya?" tumango ako. May ipinakita sya sa aking papel. That's the list of when I should start my speech. Mamaya pa iyon bago kumain. "Kahit saglit lang. I know everyone wants to hear you."

"Sure, walang problema." naka-ngiti kong saad. He thanked me then jumped to the next table to catch some chitchat.

Muli kaming nag-usap usap sa aming table. Nang mag-alas otso ay pumanhik na ang dating Salutatorian ng batch namin para magbigay ng pasasalamat sa lahat ng pumunta.

Pagkatapos naming magpalakpakan ay roon lang muling kumalabog ang puso ko nang may umupong babae sa bakanteng silya sa aming table, that was Eclaire.

She gave me a quick smile before turning her head to the stage. Nakipalakpak sya at ngumiti rin katulad ng ginagawa ng iba. I feel the awkwardness.

Gusto ko syang tabihan at kausapin but I don't have the opportunity to do so. Naagaw lang ang pansin ko nang may ipinlay silang video'ng naglalaman ng litrato namin noong High School pa kami.

Kanya kanyang tawanan ang bumalot sa loob ng venue. My cheeks immediately blushed when I saw my face there. Litrato iyon noong nagdaang recognition at may iba pang kasama ako dahil sa mga Quiz Bee'ng sinalihan ko.

"Dati pa ay hindi ka na talaga ngumingiti." bulong ni Kei. Sisikuhin ko sana sya nang biglang maghiyawan ang mga tao.

Nang mapatingin ako sa video ay nakita ko roon ang mukha ni Kei noong mga panahong iyon. The thin and innocent but cold Kei is really cute. I bite my lip to stop myself from smiling.

"So cute..." mahina kong usal. Nang nilingon ko sya ay nakita kong nakasimangot na ito. Mas lalo lang akong natuwa sa nakita.

Pagkatapos ng ilang mga speech galing sa ibang teacher namin noon ay muling bumalik ang mikropono sa aming Salutatorian.

Killing Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now