I don't know either kung bakit hindi sangkot si Maxine sa bagay na ito. I mean, they're always together. She's close with both of them and I don't see any reason to hide it from Maxine.

"Eclaire planned it to be exclusive for both of us. Kapag sinabi pa sa iyo ay baka magsumbong ka kay Chloris. It's just like hitting two birds at one stone. Eclaire will not be bothered by her suitors and I can make Chloris jealous."

Nangunot ang noo ko nang binalingan si Kei. "You want me jealous? Akala ko ay hindi ito sinasadyang lahat."

"Saglit, Chlo, ako itong nagtatanong, hindi ba? Why do you look so shock all of a sudden?" nilingon ko si Maxine sa backseat. Ngingisi ngisi pa itong si Kei!

"Hindi naman kasi namin ito gaanong napag-uuspan. Ngayon ko lang naungkat." si Kei naman ngayon ang binalingan ko. "And you, paano ako lalong lalapit sayo kung pinlano nyo pala ang lahat ng ito."

"The plan just started because you were happy for us. Nainis ako dahil hindi iyon ang inaasahan kong reaksyon mo. Ang palayuin naman ang mga manliligaw ni Eclaire ay matagal nang nagsimula, ilang taon na bago ka pa umuwi rito. Pero kung nagtanong ka lang sa akin ng direkta ay sasabihin ko naman sayo ang totoo." mahaba nyang paliwanag.

Parahas kong isinandal ang likod ko sa upuan at tinanaw nalang ang labas. Dapat talaga ay nagtanong nalang ako nang mga panahong iyon! Bakit ba naman kasi pinangungunahan agad ako ng pagdududa?

"So to make the long story short, matagal na pala kayong nagpapanggap ni Eclaire? I can't believe you! Hindi nyo sinabi sa akin! At ngayon ay masyado na akong late sa balitang nagkaaminan na pala kayo! Kaya pala ayaw pumunta nitong si Chloris sa restaurant tuwing inaaya kong doon mag-lunch dahil sayo!"

Tumawa lang si Kei sa mahabang lintanya ni Maxine. Pinamulahan ako ng pisngi. It's not that I don't want to have lunch with Max. Talagang ayoko lang lumabas ng condo kaya mas pinipili kong manatili roon kaysa ang umalis.

Ilang mga tanong pa ang pinaulan sa amin ni Maxine. Halatang tampong tampo sya dahil matagal namin itong hindi nabanggit sa kanya. I already said sorry a million times.

Nang dumating sa venue ay roon lang humupa ang pagtataray nya sa amin.

We get out from the car. Classmates from our past section spotted us. Mabilis nila kaming nilapitan at ang suot agad namin ang pinansin nila.

"Did you designed this, Chloris?" tanong ng isa.

Tumango ako at ngumiti. Imbis na pansinin pa ang halos magkamukha naming damit ni Maxine ay nalingat ang mga mata nila nang pumaikot sa aking baywang ang kamay ni Kei.

I saw them swallow hard. Kahit ako ay napalunok din ng mariin. Hindi ako makapaniwalang hawak nya ang baywang ko sa harap ng maraming tao.

I can feel my face heating up and it followed by his whisper. "Bawal kang makipag-sayaw sa ibang lalake, do you understand?"

Para akong asong napatango nalang sa kanya. I wouldn't dance anybody, that's for sure! Kahit hindi nya sabihin ay magtitimpi naman ako sa kanyang tabi dahil hindi ako marunong sumayaw.

"Ikaw din, bawal kang mag-aya ng ibang babae." saway ko sa kanya. Naramdaman kong kinurot nya ng mahina ang baywang ko.

Ngingiti na sana ako nang mapansing lahat pala sila ay nakatingin sa amin. Now, I feel embarrassed!

"Let's go inside." nahihiyang aya ko sa kanila.

Sa isang hotel ginanap ang venue. The original plan was to hold it at school ngunit dahil na-move nang na-move ang date ay hindi na iyon na-aprubahan pa ng Dean.

Killing Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon