Sumbrero

278 5 0
                                    

 Ako si Harley Bautista. Mahilig ako sa mga cap or sumbrero. Hindi ko kasi matanggap na kulot ang buhok ko, naiinggit ako sa mga kaibigan ko na artistahin ang style ng mga buhok. May mga nakataas at may mga mahahabang bangs na magandang tignan. Kaya naman tuwing lumalabas ako ng bahay palagi ako nagsosoot ng cap dahil bagay ko ito. Mas gwapo daw kasi akong tignan kapag nakasoot ng cap. Mainit ang sikat ng araw ng umagang iyon nang ako'y magpunta sa mga ukay-ukay para bumili ng bagong cap. May nahanap ako sa bandang duluhan, maraming nakalatag na mga cap sa malaki nilang lamesa. Iba-iba ang mga kulay at magaganda. May napili akong isa, may tatak siyang bungo na may dalawang buto na nakapa-ekis sa ibaba. Gusto ko yung ganung mga logo kaya iyon ang binili ko. Sa totoo lang, iyon ang pinaka-nagustuhan ko sa lahat ng mga nabili ko. Bago ako naglakad pinalitan ko yung luma kong cap at isinoot ko yung bago tapos inilagay ko sa bag ko yung luma.
Pagkauwi ko sa bahay nangangati yung ulo ko, parang may mga gumagapang. Paghubad ko ng cap ko, pinagpag ko yung buhok ko at nagtaka ako nang may mahulog sa sahig na tatlong uod. Hindi ko alam kung paano nagkaroon ng uod yung ulo ko.

Agad ako nagpunta sa banyo para maligo ulit. Nagshampoo ako ng mabuti. Halos kumapal at lumobo na yung bula sa buhok ko ay hindi ko pa rin tinigilan sa kakakusot. Nakakadiri kaya yung mga uod na nahulog sa ulo ko kanina. Uod at mga bulate pa naman yung numero unong pinandidirihan ko. Pagkatapos ko magshower ay nagtapis ako ng twalyang puti at binalikan sa salas yung bago kong cap at isinabit ko siya sa sabitan ko ng aking mga cap collection sa kwarto. Iginitna ko dahil yung cap na iyon talaga ang pinakamaganda sa lahat ng mga collection ko. Kulay blue ang harapan niya at black naman yung uluhan at makintab pa. Masaya ko itong pinagmamasdan. Kinaumagahan ay soot ko ulit yung cap habang naglalakad ako papunta sa Mall, kakababa ko lang kasi sa Jeep. Dumeretso ako sa CR para magpabango at tignan sa salamin kung gwapo ba akong tignan, nakaugalian ko na kasi iyon. Pagdating ko sa CR nangati ulit yung ulo ko kaya hinubad ko yung cap. Pagkapagpag ko sa buhok ko nagsilaglagan na naman yung mga nakakadiring uod! Saan ba talaga nanggagaling ang mga ito? Binasa ko ng kaunti yung panyo ko at pinunasan ko yung buhok ko pagkatapos ay inispreyan ko pa ng pabango para mawala ang bacteria. Nakaramdam na ako ng takot noon sa cap na nabili ko kaya inilagay ko muna sa bag ko. Tiniis ko na lamang magshopping nang hindi nakasoot ng cap. Pagkatapos ko magshopping ay pauwi na ako nun. Nag-aabang na ako ng Jeep nang biglang umambon. Dali-dali kong kinuha sa bag ko yung cap para sootin pero laking gulat ko nang mapuno ng uod yung bag ko. Pati yung mismong sumbrero ginagapangan ng mga uod. Nakaramdam ako ng inis at pagtataka, at kaunting takot. Hindi nako nagdalawang isip na itapon sa basurahan yung cap. Ayoko na gamitin. Pinagpag ko na lamang ng mabuti yung bag ko at mabuti nalang din ay walang nakakita habang nahuhulog yung mga uod. Nang makakita nako ng Jeep ay doon nako sumakay sa harap, sa tabi ng driver. Mas komportable kasi ako kapag wala akong katabi na maraming tao. Mahirap na at baka madukutan pa ako. Pagkauwi ko ay palaisipan pa rin sa akin kung bakit may mga uod na namamahay sa cap na nabili ko. Wala namang uod yun nung una kong tinignan. Hindi ko talaga alam kung brand new ba talaga iyon o ginamit na ng iba. Iniisip ko nga baka segunda mano na iyon at patay na ang dating nagmamay-ari. Bago pa ako gapangan ng kilabot sa mga iniisip ko ay agad akong naligo muli para mabanlawan ang buhok ko. Pagkatapos ko ay nagtungo ako sa kwarto para magbihis pero nagulat ako nang masulyapan ko yung sabitan ng aking mga cap collections, nandoon nakasabit sa gitna yung kulay asul na cap na tinapon ko kanina!  

KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt