Simbahan

306 5 0
                                    

 Ako si Claire. Malapit ako sa Diyos, araw-araw akong nagsisimba at nagdarasal. Marami akong mga naranasang problema noon, ang hindi ko malilimutan ay nung time na nakulong ako noong nagtatrabaho ako sa ibang bansa. Kinulong kame ng halos isang buwan, kaming mga OFW kahit wala naman kaming mga kasalanan. At bukod doon, marami na rin akong nasaksihang mga patayan, mga nagbabarilan at nagkakasakitan. Marami na rin akong nakitang mga bangkay, yung iba dilat pa ang mga mata kaya iyon ang nagtulak sa akin para lalong manalig at kumapit sa Diyos dahil ayokong mapahamak. Linggo ng gabi. Kasalukuyan ng misa, habang kami'y nakaluhod ay idinilat ko ang mga mata ko at pagmulat ko, may nakita akong bukod tanging matandang babaeng nakaitim, may takip na belo ang kanyang ulo at nakatalikod siya kaya hindi ko makita ang hitsura niya. Nagtataka ako kung bakit hindi siya sinisita ng pari eh kapansin-pansin naman talaga siya, biruin mo lahat kami nakaluhod at siya lamang ang nakatayo. Mayamaya ay lumakad siya, nagulat pa nga ako dahil tumatagos lamang yung katawan niya sa mga upuan, tumatagos din siya sa mga taong nadadaanan niya. Nanlaki yung mga mata ko nang makita ko iyon. Dire-diretso siyang lumalakad at huminto siya doon sa harap ng altar banda sa gilid kung saan may naka-display na malaking rebulto ng isang babaeng santa na kulay itim ang damit. Laking gulat ko nang biglang sumapi yung katawan ng babae doon sa rebulto, para siyang hinigop ng isang force papunta sa loob ng rebultong iyon. Tumindig ang mga balahibo ko sa nakita ko pero agad naman nabawasan yung takot ko dahil marami naman akong mga katabi pero nang matapos na ang misa ay nanatiling nakatatak pa rin sa isip ko yung nakita ko kanina. Palabas nako ng may kumalbit sa akin. Paglingon ko si Jerry lang pala, katrabaho ko dati sa ibang bansa, OFW din siya at sabay lang kami nakauwi noon. Kinamusta niya ako at tinanong kung bakit hindi man lang daw ako lumipat ng ibang upuan kanina kasi mag-isa lang daw ako sa kinauupuan ko. Nagulat naman ako sa sinabi niya, napaisip tuloy ako, paano mangyayari na mag-isa ako kanina sa kinauupuan ko kung nakita ko yung mga katabi ko na kapwa ko nagsisimba lang din? Tinanong ko siya kung niloloko lang ba niya ako at gustong takutin pero bakas sa mukha niya yung pagsasabi ng katotohanan.
Kung ganoon, nangangahulugang mga multo ang katabi ko kanina sa simbahan? Pagkauwi ko, umiikot pa rin sa isipan ko yung mga nakita ko kanina. Mahirap talaga paniwalaan pero nangyari. Sa nakakatakot na karanasan kong iyon, doon ko na-realize na totoo pala yung kasabihang "Matulog Ka Na Sa Sementeryo, Huwag Lang Sa Simbahan.  

KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें