Itim na Duwende

480 6 0
                                    

Ganito kasi yun. Last year 2015 nun, ng magtrabaho ako sa Maynila (divisoria). First time kong makarating sa maynila. Ilang buwan lang ako sa una kong pinasukan. Then after non pinasok ako ng kaibigan ko sa amo nila as kasambahay. Sa bahay na yun may naninirahan daw na dwende. Mabuti naman daw yun at di nananakit. One time, nung naliligo ako sa bath room, natatanaw ko yung hallway nmin kasi bubog yung half door ng br. Naramdaman ko na may nakatingin sakin, ilang beses na yung nauulit sa tuwing maliligo ako. Then nung nsa roof top naman ako, napansin ko yung katapat na bahay namin. Madilim sya. Parang wlang katao tao. Pero may mga nakasampay. Bihira lang din ako makakita ng tao na umaakyat dun. Every night kpag nagkukwentuhan kami ng friend kong boy doon ay may napapansin kami sa bahay na yun na nakatayo at nakatingin samin.

Malaki syang tao at naka sumbrero na patulis ang dulo. Syempre kahit madilim doon eh maaaninag mo parin yun. So sinabi sakin ng boy na yun may bantay daw sya at yun yung nakikita namin na malaking tao. That night nakaramdam ako ng prang may bumalot sa katawan ko at di tlaga ako makagalaw sa kinauupuan ko habang tinititigan ako ng kaibigan ko. Pinilit kong kumilos pag katpos ay napatakbo ako sa kanya. Ng huminahon ako tumapak ako sa may upuan para dumungaw sa may baba. Sinigawan ako ng kaibgan ko at sinabi nya na Nabigla sya sakin kasi daw tuloy tuloy lang daw ako sa pag apak hanggang pag dungaw sa baba. Sinabi nya rin na parang hndi daw ako yun. Buti nlang daw at tinawag nya ako dhil sa sobrang kaba nya.

Kinabukasan maaga noon ng may sabhin sakin yung nanay ng amo ko. Nanaginip daw sya at lahat daw ng tao na nsa bahay na yun ay pinagsasaksak ng kaibigan kong boy. Nagising daw sya noon at napansin nyang wlang tao o kahit anong ingay. Nung pinuntahan nya daw yung kwarto doon nya daw nakita yung kaibigan ko at yung amo ko na pinagsasaksak nya. At ng magising daw sya, laking gulat nya na yung kaibigan ko nasa harapan nya. Akala nya daw may gagawing masama pero wla nmn.

Yung mga amo ko na din ang nagsabi saakin na may kambal daw talaga na itim na dwende ang kaibigan ko. Kaya natatakot din sila dun.

After nun, hindi rin ako tumagal dahil napakarami ko ng naging creepy experience dun.

Yung kaibigan ko nga pla na yun hanggang ngayun nakkapag usap pa kami pero di na kmi nagkikita

simula ng umalis nako dun.

Thanks sa pagbabasa. :)

KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1Where stories live. Discover now