Madre

3.3K 49 3
                                    

" MADRE "

Kasi ganito yun bday ni lola atcho nun, kapatid ng lolo ko.. Nagpunta kami nueva vizcaya province ng lolo ko..

Kasama ko si momi, grand parents, tapos si aunt Mari and aunt Bangy (kasi magasawang bisexual yun na parehas doc) then si lola madre tapos si lola tessie from states.. Tapos yung 2 driver at isang secretary ng aunt kong doc si ate Ped..

Ayun na naguusap na nga sa sasakyan na sa convent nalang daw ng Isang kilalang Catholic School ng Kolehiyo kami tumuloy kahit may bahay naman kami na matutuluyan..

Dun daw kasi sila nag aral..

Pag dating namin dun tanghaling tapat, halos lahat ng madre sumalubong samin.. Pinakilala kaming lahat.

nandun nung lola kong madre sa kasamahan niya.. Bale 4 sisters yun na sumalubong samin sa labas palang..

Nung naglalakad kami si aunt mari tinuturo yung piano kasi nag piano lessons daw siya noon.. At ang susungit nga daw nung nagtuturo saknya tawanan lang kami..

After maprepare ang mga kwarto na matutulugan namin , pina akyat na kami..

May dalawang kwarto sa ibaba , dun nag natutulog yung mag asawang doctor.. Tapos sa isang room grand parents ko..

Kami pinaakyat.. kasi Puro pang singles lang daw mga kwarto doon . so ibig sabihin mag isa lang ako sa kwarto..

Sa unang door si momi tapos tapat nun si ate ped tapos ako. pinaka dulo yung room ng dalawng lola ko.. Tapos may pinaka dulo pa doon naman yung chapel.

Pag akyat ko may madre akong nakita na nakaluhod dun at umiiyak.. Di ko pinansin tapos pumasok na ko sa room ko..

Pinatong ko lahat ng gamit ko sa lamesa, nilabas ko mga damit toothbrush, laptop at camera ko sa bag ko..

Sabi ni lola madre magpahinga daw muna kami kasi pupunta kami doon sa bahay namin para kumain ng hapunan..

Ang ginagawa ko mag facebook lang, laro-laro sandali tapos maya-maya nagtawag na si lola madre na maghanda na nga..

Toothbrush lang at suklay bumaba na ko agad. kinatok ko si momi kung tapos na sya. ayun bumaba na ko..

Pagkatpos nun kanya-kanya na kaming sakay sa sasakyan..

Kumain kami, nag mahjong muna mga matatanda.

ako kausap ko lang mga drivers sa labas ng bahay..

Mga 11 yun ng gabi nang natapos sila maglaro, bumalik na kami ng convent..

nagsi-Pasukan na kami sa mga kwarto namin.. Nagpalit ako ng damit tapos humiga na ko, kakapikit ko lang ng may nakita akong madre na nakangiti sakin.. Tapos may madre naman mataba na inaalog yung hinihigaan ko..

KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon