DoppelGanger

361 7 0
                                    

Isa pa sa hindi ko malilimutan na nangyari sa room eh yung experience ko sa doppel ganger... sila yung mga nanggagaya or nagpapanggap na taong kakilala mo...

Katulad ng nasabi ko na katapat lang ng room namin ang shower rooms/CRs... magkatapat na magkatapat talaga yung mga pinto.

So minsan pag pumupunta kami sa CR or nagshower kami at hindi naman magtatagal hindi na namin sinasara yung pinto namin. So yun nga kakagaling ko lang sa CR paglabas ko ng pinto ng CR mga 3-4 na hakbang lang yung pinto ng room. so papasok ako sa room nakita ko yung isa sa mga roommates ko na nakatayo sa tapat ng study table niya pero at the same time naramdaman ko na may kasunod lang ako na papasok din ng room namin... paglingon ko yung same roommate na nakita ko sa tapat ng study table eh yun din yung roommate na nasa likod ko at halos kapantay ko na that time dahil napahinto ako...

Shocked talaga ako.. sabi ko sa kanya "Pano ka napunta dyan eh andun ka?" Nabigla yung roommate ko kasi papasok pa lang talaga siya nun at nakasunod sa akin wala naman siya nakitang ibang tao... At yun nga wala namang ibang tao sa loob ng room namin...

So sino o ano yung nakita ko...?

KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1Where stories live. Discover now