Nightmare o Bangungot

1.8K 31 5
                                    

So eto na ang kwento.

Nagising lang ako, madaming beses na din na nangyayari to saken 4yrs to be exact.

Bina.ngungot na naman ako pero awa ng diyos eto nagising ulet ako katulad ng nakaraan araw, buwan at taon. 

Dati simpleng bangungot lang, 

Yung di ka maka.kilos kahit gustong-gusto mo na, di ka magising, at lalong para kang nauupos na kandila "di maka.hinga" . 

Yung kagabi kakaiba. :/

Bago ako pumikit nag.dasal ako yung dasal na nalaman ko pa 2yrs ago. 

tinuro ng taong minsang naging importante sa buhay ko. 

"Lord, As I lay down to sleep. I pray you Lord, my soul to keep. If, I should die before I wake. I pray you lord my soul to take."

Lagi ko siyang dinarasal minsan nga sabay pa kame ni Sheena.

Lagi ko siyang dinarasal ng buong puso. 

"syempre ayaw ko pang mamatay. Di pa ako ready" 

That night was so peaceful di ko nga naramdamang baba.ngungutin ako. 

Madalas kasi oo..

Naalala ko pa, 

alam ko tulog na ko ng biglang may umibabaw sakin pilit akong hinahalikan yung tipong gusto makipag talik, 

hinahawakan buong katawan ko habang tumatawa ng sobrang nakakatakot.  

Katawang tao pero di ko maaninag ang mukha,

madilim di kanais.nais ang itsura. 

Naging mapusok siya pilit kung nilalabanan. 

Sa pag kakataong yun alam ko bina.bangungot na naman ako. 

Nag dasal ako gamit ang aking diwa dahil di ako makaka.kilos at lalong di magising, 

alam niya tinatawag ko pangalan ng diyos lalo silang lumalakas at nagiging mapusok. 

Sa tuwing bina.banggit ko pangalan ng diyos sa aking diwa at humihingi ng tulong sinasabayan nila ako ng nakakairitang boses na di ko naman maintindihan. 

Pilit nilang nilalayo ang kakaunting pag.asa kung magising pa.

Patuloy ako sa paghingi ng tulong sa panginoon 

"ayaw ko pa mamatay, tulungan niyo po akong magising diyos ko parang awa niyo na ilayo niyo ako sa masamang nasa sa loob ko.."

humihikbi na ang diwa ko. nawawalan na ako ng pag.asa. 

Sa tuwing ginagawa ko yun lalo silang nagiging agresibo 

naramdaman ko na lang na may sumasakal na pala sakin pailalim sa leeg may nais kunin sa kaloob.looban ko, 

patuloy ako sa pakikidigma sa di ko malaman kung sino at ano ba kalaban ko, 

nawawalan na ko ng hininga malapit na kung bumigay pati ang kaka.unti kung pag.asa nag lalaho na. 

Nagising ako tinapon ko ang cp kung nasa tabi ko lang sa pagnanais na marinig ni Sheena.

( ng nasa labas lang ng kwarto't nanood ng tv)

bumukas ang pinto nabuhayan ako, sa wakas napansin na din ni Sheena na bina.bangungot ako 

pero bakit ganun? 

di niya ako marinig? 

di niya ako pina.pansin? 

di niya ako tinignan? 

Kahit anong ingay ang gawen ko walang kahit anong bakas ang magsasabing tutulungan niya ko. 

May narinig akong umiiyak na sanggol sa likod ko, 

sobrang takot na takot ako. 

Ready na kung mawala, 

di na ko nagigising at halos di na ko makahinga 

ng biglang ........

dumilat ang mga mata ko and this time for real na. 

OO nagising ako bigla sa kalagitnaan ng umiiyak na sanggol sa likod ko, 

sa takot ko, 

sa papaubos na hininga ko at pag.asa. 

Dun ko lang napagtantong di ko pala tinapon cp ko at lalong di pumasok si Sheena sa kwarto. 

di niya alam na bina.bangungot na ako. 

Pero parang totoo. 

Malamang si GOD ang gumising saken. 

Siya ang gumawa ng paraan para magising na ako pero kung anong paraan yun di ko alam, 

di ko maalala kung pano dumilat mata ko. 

SCARY. 

Pero totoong nangyayari to saken may plan pa si GOD saken kaya kahit pilit akong kinukuha ng demonyo di ako binibigay ng diyos. 

INCUBUS yan ang ibig sabihin .

minsan naging interesado akong malaman ang ibig sabihin ng salitang yan kaya sinearch ko sa net, 

kinilabutan ako ng nabasa ko ibig sabihin siya malamang ang gusto kumuha sakin :/

END.

KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1Where stories live. Discover now