Manang Rosa

327 6 0
                                    

Way back 2006, umuwi ako sa probinsya namin sa bohol,fiesta noon kaya bisperas umuwi na kami para makapaghanda.Kinaumagahan busy ang lahat magluto, yung asawa ko naman present na agad sa inuman.Pahapon, nagliligpit ako ng mga pinagkainan sa lababo ng dumating yung asawa ko, sa lakad pa lang alam ko ng lasing siya kaya tinigil mo muna yung paghuhugas at nilapitan ko siya.Naupo kami sa sofa habang yung anak naman namin na 3yrs old naglalaro sa lapag.

Nag-usap kami nun kahit alam kong medyo lasing siya.
A:Oh! mukhang maagang natapos ang inuman niyo ah?
S:hmmmm HAHAHAHAHHAAHAHAH
A: Anong nakakatawa?
S:Wala naman nakakatuwa lang yang anak mo!
A:Ah! HAHAHA ano ka ba? Anak natin!
S:HAHAHA basta nakakatuwa talaga yang anak mo!
A:Ano ba! *pangalan niya* anak nga natin!
S: HINDI AKO SI *toot*
A:HA? EH SINO KA?
S:Si Manang Rosa
A:Manang Rosa? wala akong kilalang manang rosa!

After kong sabihin yan bigla siyang tawa ng tawa,then yung laruan ng anak ko na parang pianopiano, tumunog eh ang layo sa kanya, kinilabutan ako sobra kasi tawa ng tawa yung asawa ko, kinuha ko yung piano and tinanggal ko yung battery then nag salita yung asawa ko ""HAHAHAHA Kahit tanggalin mo yung battery nyan tutunog parin yan!""

At totoo nga tumunog parin at mismong sa kamay ko pa! wala akong nagawakundi sumigaw, nung mahimasmasan kinuha ko yung anak ko and tumakbo na ako palabas, nung palabas ako narinig ko siyang nagsalita""Kahit lumabas ka dyan susundan at susundan parin kita! HAHAHAHAAH!""Nagpatay malisya ako iniwanan ko yung asawa ko at sa pinsan ko ako nakitulog
Nung makauwi kami sa Maynila, dun ko lang kinuwento sa asawa ko, and pati siya kinilabutan sabi niya kasi tinawanan daw niya yung picture nung Manang Rosa sa lola nung kainuman niya nung umaga."

Matandang Jeprox
Muntinlupa

KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1Where stories live. Discover now