Okiku Doll

302 4 0
                                    

Nakagigimbal ang kuwento ng isang haunted okiku doll na matatagpuan sa China. Ayon sa history ng manikang iyon, binili raw iyon ng isang lalaking nagngangalang Eikichi Suzuki sa Tanuki-koji, ang Sapporo's famous shopping street para iregalo sa kapatid niyang si Okiku. Napamahal ang bata sa manika, palagi niya itong yakap kahit sa pagtulog hanggang ito ay magkasakit at namatay. Nang mailibing na ang bata, idinispley nalang daw ng mga magulang nito ang manika sa bahay nila hanggang sa mapagtanto nila na habang lumilipas daw ang mga araw, napapansin nila na humahaba ang buhok ng nasabing manika. Dati ay maiksi lamang ito at hanggang leeg lamang pero ngayon ay umabot na daw hanggang sa tuhod ang buhok ng manika. Ipinasuri nila iyon sa isang paranormal expert, kumuha ang mga ito ng isang hair example ng manika para imbestigahan. Nasindak sila dahil lumabas sa test na buhok daw ng totoong tao ang nakuha nila sa buhok ng manika! Kaya naman ipinadala nila iyon sa isang temple para hindi na magalaw pa ng iba.

Mag-ingat! Tatayo at hahaba ang buhok mo sa kilabot na dala ng "Haunted Okiku Doll" sa pinakabagong nobela na punong-puno ng kababalaghan. Isang nobela kung saan pagsasama-samahin ang mga bagay o kagamitan na pinamumugaran ng mga hindi matahimik na kaluluwa.

KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1Where stories live. Discover now